Same schedule kami ni Abel kaya sabay kaming pumasok. Bago bumaba sa parking kinulit ko uli siyang shumoot sa kotse. Ewan ko ba mula ng maranasan ko yun gusto kong parati na yun maramdaman. Magka holding hands kami habang naglalakad sa campus. Napapatingin samin yung mga nadadaanan namin. Naririnig ko pa yung mga sinasabi nila. 'Akala ko magkapatid sila' 'Bakit ang sweet nila' 'Si Nathalia yung gf ni Abel diba!' 'Alam ko si Clyde yung bf ni Divina.' 'Sila ba?' Maya maya ay inakbayan ako ni Abel at kumapit naman ako sa bewang niya. Hinatid niya ko hanggang sa pinto ng classroom ko. Hinalikan niya ko ng matagal sa labi, nasa labas kasi si Clyde gusto niya siguro ipakita yun. "Huwag ka didikit at makikipag usap dun ha." Bulong niya. "Ano ka ba friend at classmate ko siya." Sambit k

