"Good Morning!" Nakangiting bati ni Abel sakin paglabas ko ng gate ng apartment para pumasok sa trabaho. Bakit nandito siya? Itatanong ko pa lang sana yun ng magsalita siya. "I'm here to pick you up." "Abel you don't have to do this. Sinabi ko na sayo may bf na ko." Umiwas ako ng tingin sa kanya baka malaman niyang nagsisinungaling ako. "Ano ngayon? Boypren mo lang siya basketball player ako MVP pa." Tumawa siya. Parang nakakaloko yung tawa niya. "Pinaglololoko mo ba ko?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Sineseryoso kita." He smiled sweetly. Iniwasan kong tignan yung ngiti niya. Hindi na lang ako nagsalita at tumingin na lang sa malayo sa dadaanan ni Lander. "Vi nandito ako. Sakin ka na lang tumingin." Saglit kong sinulyapan si Abel. "May susundo sakin parating na siya." Nainis ako

