Napamura si Kio. Ilang ulit na niyang tawagin ang numero ni Euro pero hindi pa rin nito sinagot ang mga tawag niya. What was wrong with Euro? Kaninang tanghali silang nagkahiwalay sa Police station ng Black Town. Noong nagkausap sila ni Ken Xewo, at nang lumabas na siya ay biglang nawala si Euro.
Kailangan niyang kausapin ito together with Ken. Pero paano kung hindi man lang nito sasagutin ang mga tawag niya? ring lang nang ring ang cellphone nito. Napasuntok siya sa pader at ihagis ang cellphone niya. Hindi niya maiwasan ang pagbilis ng tahip ng kaniyang dibdib.
Napa-upo siya at nakayuko. Nasa isang sulok siya ng silid niya. Yakap na yakap ang sarili at pilit intindihin ang sitwasyon. Pakiramdam niya ay sasabog ang ulo niya dahil sa pagkalito at pagka-inis. He needs Euro dahil ito lamang ang alam niyang matapang hindi katulad nina, Xero at Sky. Kailangan niyang hanapin ito. Pero saan at paano?
He tried to think of the places that Euro often visited or Euro’s lifestyle. No place crosses his mind, Euro’s lifestyle is simple. Hindi naman sa estranghero ito sa kaniya. They’d been in friendship for four years, but he didn’t know Euro wholly. Or, perhaps Euro is with his girls—Plural. Womanizer kasi ito. Pero simpleng lalaki lang si Euro, pero mapera. Hindi niya alam kung kasimplehan ba iyon. He meant about Euro’s attitude, porma, and iba pang mga bagay.
Parang kailangan na rin niyang imbestigahin ang mga kinikilos ng mga kaibigan niya. He felt like one of them is the culprit. Ayaw sana niyang isipin iyon. But every time he glances at them he didn’t see any sign of concern, bagkus ay nakikita niya sa mga mukha ng mga ito ang takot lalo na kay Euro.
He hates to think that Euro is the one behind Kai’s death. But lately, Euro’s demeanor is odd to Kio. Alam niyang hindi iyon magagawa ni Euro kay Kai. Based on the details given to him by Ken, si Euro ang unang nakakita sa walang buhay na katawan ni Kai noon.
So, it was Euro who can answer a series of questions inside his head. Kio has a hunch that Euro knows a lot about Kai’s death. Kio must ascertain the truth. He needs an answer. Biglang nag-ring ang cellphone niya na naihagis niya kanina. He idly stood up and picked it up. Inaasahan niyang si Euro iyon, o ang dalawang kaibigan niya. But he was mistaken. Pangalan ng taong hindi niya inaasahan ang nakarehistro sa kaniyang caller ID ang tumawag. Impossible.
Nagsimula namang ginapangan siya ng takot at sumidhi iyon sa kaibuturan niya. He could hear his heart pounding so hard in his chest reaching his ears. Muli niyang binasa ang pangalan ng taong tumawag.
“K-Kai...!” He verbalized.
Nanginginig ang mga kamay at daliri niya. But he has to answer the call. Napapikit siya at idiniin sa kanang tainga ang speaker ng cellphone niya. Nakiramdam siya at pakinggan kung sino man ang nasa kabilang linya. Sigurado siyang may tao roon. Kasi napaka-imposible kung walang tao ang nasa kabilang linya at paano ba namang tawagan siya ni Kai, ‘eh, patay na ito, anim na buwan na.
Ayaw niyang magsalita. Hihintayin niya na magsalita ang taong tumawag sa kaniya. Isang minuto na ang nakalilipas but he heard nothing, silence fell and reigned. Takot siya. Abruptly, he heard a sigh. It was clear to Kio, that he heard a sigh from the other line. He concluded na may tao nga at hindi isang kababalaghan na palagi niyang iniisip.
Eksaktong pagbaba niya ng cellphone ay call ended na. But it wasn’t recorded on his phone. Maraming recent calls and missed calls na recorded, but not the call from Kai’s number, only Kai’s text he received two days ago. He cursed and punched the wall again.
Naalala niya ang number ni Ken Xewo. He immediately dials Ken’s number and calls him. Unang tawag niya ay ring lang nang ring, walang sumagot sa tawag niya. Sa ikalawang beses na tawagin niya si Ken ay sinagot nito ang tawag niya. Nakahinga siya nang maluwag. “Ken, something is wrong.”
“Wrong?” kumpirmasyon nito mula sa kabilang linya.
“I can’t see Euro everywhere. I and him separated since noon today mismo sa Police station. I tried to call him hundred times pero ni isang tawag ko ay ‘di nito sinagot.” Huminga siya nang malalim, saka nagpatuloy. “I’m worried, Euro’s shown some odd act lately.”
Narinig niya ang halakhak nito mula sa kabilang linya. “You talk as if ‘di mo kilala ang kaibigan mo. I can sense it na iniisip mong si Euro ang pumatay kay Kai. Kio, ang mga kinikilos ni Euro ay hindi sapat para pagbintangan mo ito. Bago ka magbintang siguraduhin mong totoo. Hindi ‘yung bumabase kalang kung ano tumatakbo sa isip mo.
“I don’t want to hear that from you again. Hindi naman sa kinakampi ko si Euro dahil kilala ko ito pero alam kong nagkamali ka lang. Hoy, binabasa lang kita base sa pananalita mo.” Muli itong tumawa. Pormal na tao si Ken, ngunit professional pagdating sa mga mission nito. Kaya kahit bata pa lang ito ay naging captain na.
“It’s okay,” he deadpanned. Nahihiya siya sa mga iniisip niya kanina tungkol kay Euro. His thoughts and conclusion betrayed him. Bakit ba naman niya iniisip na si Euro ang may gawa niyon kay Kai? Alam niyang mabait si Euro. Binabawi na niya ang iniisip niya tungkol kay Euro.
Four times, he punched his head. He felt bad about his actions and thoughts. Why did he find Euro’s actions surprising? Eh, palagi namang nag-kagano’n si Euro. He thought that Euro might have a problem at the moment. Bakit ba hindi niya iniisip iyon kanina. “I’m sorry.”
“Sorry for what?” Ken stunned. “Oh, I guessed it right? na pinagbintangan mo talaga si, Euro?”
“Sorry na kasi. Bigla kasing nawala at hindi man lang sinagot ang ang mga tawag ko. I’m worried.” He sounded worried.
“Sounded gay.” Ken laughed.
Kio smirked and shook his head. “You sounded as if you knew where he was?”
Tumawa muna ito bago nakuhang sumagot. “Well, nasa tabi ko siya ngayon. He’s broken.”
His eyes became wider. He feared Euro might overhear what he was saying. “Your cellphone? In a loudspeaker? Man, please don’t tell me...” He was worried baka magtampo sa kaniya si Euro.
“Malamang dinig na dinig ko,” si Euro na ang nasa kabilang linya.
Napanganga siya. Hindi niya alam kung paano o ano ang isasagot kay Euro. Nahiya siya.
“Damn you!” patuloy na mura nito mula sa kabilang linya.
“Okay man, sorry.” Hinging paumanhin niya. “Perdon amigo.”
Huminga ito nang malalim. “Stupid.”
“I received a call from Kai’s number just a few minutes ago.” He massaged his forehead lightly at nagpatuloy. “Pakiramdam ko ay may hindi tama, palagi ko naman ito sinasabi. Siguro kailangan na natin ang umaaksiyon para hanapin kung sino ang humawak sa cellphone ni Kai. Baka nga nagbalik ang taong pumatay kay Kai. This time tayo naman ang prey nito.” Tumigil siya para sipatin kung nasa kabilang linya pa si Ken, o si Euro. Nadismaya siyang call ended na pala.
“f**k!” Mura niya. Tumayo na siya at bumaba sa sala. Wala roon ang mommy niya. Baka naghanda ito para sa night duty nito mamaya o baka may pupuntahan ito. Katahimikan ang naghari sa malaking bahay na iyon. Hindi niya nakikita ang mga katulong nila. He was wondering where they were.
Nang dumiretso siya sa kusina ay may nakita siyang note sa refrigerator. Sulat kamay ‘yon ng mommy niya. Naghahabilin ito na pumunta raw ang mga ito sa probinsiya sa farm nila kasama ng mommy niya ang kanilang mga katulong. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga. He checked his cellphone may message ring mula sa mommy niya kapareho ng nasa note.
He went back to the living room and threw himself on the long couch. Malawak ang farm nila sa probinsya, taniman iyon ng mga mangga and suddenly he remembered na kaya pala pumunta ng probinsiya ang mommy niya at isinama ang mga katulong ay dahil anihan na. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Gusto niyang matulog dahil hindi siya nakatulog ng maaga kagabi.
He was in his deep slumber. Nang may nahulog sa kaniyang pandinig. Mga yabag na tila may taong bumaba sa hagdanan. One thing he couldn’t explain why was it fell in the sense of his hearing. Alam niyang tulog siya at mahimbing pa. Baka nga gising pa rin ang diwa niya at nag-aalerto. Palapit ang yabag na iyon. Nagdilat siya ng mga mata. Dahan-dahang iginalaw ang mga kamay at bumangon. Tumingin siya sa may hagdanan at inaasahang may tao roon. Baka may isang katulong na mag-alaga sa kaniya at hindi isinama ng kaniyang mommy subalit ay wala siyang nakikitang tao roon na bumaba sa hagdanan.
It doesn’t scare him. Pero nang tumayo siya at humakabang sa may hagdan ay nagulat siya nang makita ang mga bakas ng paa, bumaba nga. Sinundan niya ng mga mata mula sa unang hagdan, hanggang sa ikalawa, may bakas ng paa, hanggang sa ikatatlo may bakas din ng paa, basang footprints. Sa ikalimang hakbang ay halos hindi siya makapaniwala. Mga talutot ng mga puting rosas ang nakikita niya roon. Hindi niya alam ang gagawin niya. Halos hindi siya makagalaw. Pero nang marinig niya ang pagbukas at pagsarado ng back door ay mabilis siyang nakabalik sa kaniyang huwisyo.
May bakas nga ng paa papuntang back door. Nawala iyon sa tapat ng pinto. Napailing siya. Iniisip niyang may mangyaring hindi maganda, o hindi pa iyon mangyari at marka lang iyon ng kamatayan na parang babala na rin. Pero hindi ba’t ang mga talutot ng rosas na iyon ay kapareho lang sa nakikita niya sa lapida ni Kai at maging sa walang buhay na katawan nito noon?
Ibig sabihin ba iyon ay pinasukan siya ng taong pumatay kay Kai? Nag-iwan ito ng talutot ng rosas? Para saan? Ano’ng ipinahiwatig niyon? Si Kio ay kinilabutan. The one they search for for a long time finally returned. Nagbalik na ito.
Parang ayaw na niyang pumanhik sa itaas at pumunta sa loob ng kuwarto niya. Iniisip niyang baka nando’n pa ang taong nag-iwan ng talutot ng mga rosas sa hagdan. Dahil sa mga isiping iyon ay pakiramdam niya ay nanghihina siya. Pero hindi maari, kailangan niya ng lakas at magpakatatag. Hindi maaring maging mahina at bigyan niya ng pagkakataon ang demonyong iyon na patayin siya. Malalaman din niya ang lahat. Pinangko niya iyon sa sarili niya. Hindi siya titigil.