CHAPTER 02

4734 Words
Iniinom ko ang kapeng binili kanina sa tapat habang naglalakad patungo sa aking opisina dito sa Hospital na aking pinagtratrabahuan. Maaga pa ang duty ko ngayon at pagkatapos ay didiresto ako sa aking maliit na clinic. Habang naglalakad ay panay bati sa akin ng mga Nurses na naka duty na. Panay tango na lamang ako at ngiti sa kanila bilang balik pagbati din. "Bonjour Dra. Barcelona. Comment allez-vous?". "Bonjour Dra. Taz. Have a nice day". "Bonjour Dra. Barcelona. You look stunning as always". "Bonjour Dra-" "Bonjour! Ça va? You guys look great today too". Bati ko sa mga nurses na naka tambay sa Nurses Station habang patuloy na naglalakad sa aking opisina. "Good morning Doc! ". Bati nang aking Assistant na si Kathy. Isang Pilipino din na napadpad dito sa France. "Good morning Kath. How was your weekend?" "Good Doc! I enjoyed playing with my little angel" Ngiti niya na may kislap sa kanyang mga mata. Kathy is my first Assistant when I was just starting to fulfill my career. Sabay kaming dalawa nagsimula noong mga panahong kakaumpisa ko pa lang sa larangan ng aking pag Dodoctor siya din ang pag apply niya sa akin. Hindi nagkakalayo ang aming idad kaya agad kaming nagkasundo. Siya din ang aking kinuhang sekretarya sa aking maliit na clinic. Malapit lamang dito. I admire that girl dahil kahit single Mom siya ay naitaguyod niya ang kanyang munting anak. Naalala ko noong mga panahon na nag-aapply pa lamang siya bilang Assistant ko ay dalawang buwan na siyang buntis noon. Nahalata ko kaagad dahil maputla at matamlay siya ng mga sandaling iyon at nahawakan ko ang kanyang mga kamay noong muntik na siyang mawalan ng malay, Kahit na naka ngiti ang kanyang mga labi'y malungkot naman ang kanyang mata. Nagpapahiwatig na may dinaramdam siya. She was actually over qualified for the positions (be my Assistant) but she was desperate to get the job. She said she badly need one to support herself and to the unborn child in her tummy. I accepted her and I'm glad I did because until now she stays here with me. Andun din ako noong mga panahong naglalabor pa lamang siya at isa din ako sa mga naging ninang ng kanyang cute na cute na anak na si Toby. Ang gwapo ng anak niya. Gustong-gusto ko ang bulinggit na iyon kaya minsan ay hinihiram ko sa kanya at minsan nama'y dinadala niya sa clinic pag day-off nang nagbabantay sa bata. "Aww. Namiss ko na ang bulinggit na iyon. Bring him here to our clinic next time Kath. Baka makalimutan na niyang may maganda pa siyang Ninang na nag-eexist sa balat nang lupa" Pabirong sabi ko pa "Malabo yatang makalimutan kana nang batang iyon Doc. Ikaw palagi ang kanyang bukambibig sa bahay tuwing darating ako galing work. Minsan nga parang gusto ko nang magselos". Pambubuska pa niya. "Okay lang yan. Ipa-ampon mo na lamang siya sa akin tapos ay gumawa ka nalang ng bago ulit. Mahal ko naman na ang anak mo. Hindi na kami mahihirapan sa isat-isa" Hagikgik at patuloy kong pagbibiro sa kanya na ikinasimangot niya. Kaya't tuluyan na akong natawa sa naging reaksyon niya. "Ay! Hindi pweding gumawa ng bata nang mag-isa Doctora. Dapat dalawang tao ang gumagawa nun. Gumawa ka na lamang ng sarili mo total madami namang willing maging ama ng mga magiging anak mo. Sa ganda at sexy mo ba namang yan, kahit ako ay syang matitibo talaga". Tawang saad niya "No, thanks. Mas gusto ko nalang palang maging magandang Ninang ni Toby". At tuluyan na kaming natawa sa aming kabaliwang dalawa. Scene like this is kinda refreshing.. Eto yung isa sa mga nagustuhan ko sa kanya dahil ang light nang personality niya. Kung di mo siya lubusang kilala ay masasabi mong isa siya sa mga taong Happy go-lucky. Pero I know better. At wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit sila iniwan nang Tatay ng anak niya. It's his lose anyway. Kathy is pretty and smart. Di mo masasabing may anak na siya sa ganda ng figure niya. Maayos din ang fashion sense niya at halatang galing din sa isang may marangyang pamilya. No wonder madami ding Nurses at even Doctors ang nagtangkang manligaw sa kanya. Ngunit kahit isa ay wala siyang pinansin sa mga iyon dahil ayun sa kaniya ang kanyang anak na si Toby lamang ang kanyang priority at sapat na iyon. Pumasok na ako sa loob. At inumpisahan ang aking mga gawain. After 20 mins ay sisimulan ko na ang pagrarounds sa Pedia. May mga bagong batang naka confine doon at kailangan kong pang icheck dahil day off ni Dr. Mel sa araw na ito kaya sa akin niya pinasa ang mga naiwan niyang trabaho kahapun. "Doc ito na po ang mga pangalan ng bagong confine sa Pedia. Nacheck ko na din po iyan at na review. Paki double check na lang po ulit" Sabay lagay ni Kathy ng mga folder sa aking office table. "Okay Kath. I'll check it now. Pagkatapos ay magrarounds na din ako. Salamat" Habang nag checheck ng mga folder ay may isang folder na naka agaw ng aking atensyon. "Chloe Francine A. Matisse. 6 y/o. Female. Asthma and Chickenpox(Varicella)". Natuon ang mata ko sa Apelyido ng batang pasyente na ikinomfine kagabe. Napailing na lamang ako. Malamang nagkataon lang na magkapareha ang apelyido nila ng taong iyon. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagbabasa. Nakarating ako sa Pedia Private Rooms. Tapos na ako sa mga ibang pasyente at binalikan ko na lamang ang isang ito dahil tulog siya kaninang dumaan ako. Marahan kong binuksan ang pinto sa pag-alala na baka tulog pa ulit ang munting pasyente. Ngunit ganun na lang ang gulat ko na may mga tao na sa loob. Malamang sila ang mga magulang at kamag-anak ng bata. "Bonjour! I'm Dra. Barcelona. And I'm here to check our patient" Bati ko sa mga taong naroon "Hello Doc. I'm Cara, Chloe's mother. And this is my husband Gerard" Sabi nang isang magandang babae at nakipag kamay sa akin. Pati na din ang kanyang sinasabing asawa. Maganda at Gwapo ang dalawa at halatang galing sa marangyang pamilya. "Hi Doc. It's our pleasure to finally meet you. You look familiar have met before?" Tanong pa niya "Hello Gerard. I don't think we met before. This is my first time seeing you" Sagot ko sabay ngiti at iling dahil binibigyan na nang isang pamatay na tingin ni Cara ang kanyang kawawang asawa. This couple is cute. Ani ko sa sarili. Bahagya akong lumapit sa pasyenteng patuloy na natutulog. Ang ganda ng batang ito. No wonder. Ang ganda din naman ng mga magulang niya. Marahan kong hinawakan ang kanyang kamay para echeck ang kanyang pulse. Napansin kong nakamulat na ang kanyang mga mata at taimtim nang nakatingin sa akin. Napangiti ako sa kanya. "Angel" Sabi niya na may ngiti sa mga labi at bahagyang humikab pa. Halatang kagigising lamang at inaantok pa. "Hello baby girl. I'm Dr. Barcelona and I'll be your Doctor. I'm checking you up so I can give your medicine for you to feel better, okay?" "Okay Doc. You're really pretty po. I thought you're an angel because you really look like one. When I grow up I want to be as pretty as you are too" "Awww. Thank you Princess. You're already pretty because your Mom and Dad are good looking too. You look like a Princess now. And I'm sure you'll be a Queen when you grew up more. So be a good Princess and follow what your Mom and Dad told you to be well. All right?" "Yes po Doc. Angel" Napansin kong nakatingin lamang ang mag-asawa sa amin ng kanilang anak. Habang may mga ngiti sa labi. Patuloy lamang ako sa pagsulat ng dialysis at gamot naiinom ng bata sa aking Prescription Pads habang sila ay nag-uusap usap lamang. "Your Grandma and Grandpa will visit us later anak. Also your Tito's will come they're all worried about you" Haplos-haplos ni Cara sa buhok ng anak kasabay ng ngiti ng kanyang ama. Gulat na napatingin ako sa kanila. I thought na mali lang ako ng dinig kanina noong may narinig akong "po" sa usapan namin ng batang si Chloe. So, mga pinoy din pala sila. Bigla akong nakadama ng pangamba. Kung mga pinoy sila di malayong kakilala o kamag-anak nila ang taong iyon. Or maybe I'm just over thinking things again. Iling ko, Ang laki ng mundo. At maraming tao ang magkakapareho nang apelyido pero hindi naman magkakilala. I clear my throat para ma-agaw ang pansin nila. At maibigay ang resita nang gamot na dapat nilang bilhin na kailangan sa bata. "Sorry to interrupt your family bond. But I need to give you guys this one. Some of the medicines are available here and you can buy it inside our pharmacy. And somes are not. If you have more questions and queries you can call me. The number below is my personal mobile number. I need to go. Thank you" Mahabang pag litanya at paalam ko sa kanila. "Are you leaving na Doc?" Pungas na tanong ni Chloe. "Yes Princess. I still need to go to my clinic and check some patients there too. They've been waiting for me since this morning. I'll be back later at night to check up you again. Okay?" "Awww. It's sad, my Grandparents and Uncle will come visit me today. I want them to meet you too. I'm sure my Uncle will love you when he sees you. And you'll like him too. He's very handsome you know". Ngiting sabi ng munting bata na may mga kinang sa mga mata. Napailing na lamang ako. This little girl is cuter than I expected. Playing cupid at this very young age. "Owww. Say my Hi's to your Grandparents and Uncle for me dear. I'm sorry, but maybe we will meet next time" Kindat kong sagot sa kanya sabay sulyap at tango sa mga magulang ng bata na animo'y may isang pinapanood na nakaka entertain na pelikula. Napataas naman ng bahagya ang aking kilay. Weird "Thank you so much Doc. But my Daughter is right. We wish you meet them especially my Brother. He's been single for a while now. Maybe you can changed him". Halakhak ng Tatay ni Chloe na si Gerard. " Thank you Mr. Matisse. Maybe next time. I still have so much work left to do. I'll go ahead." Ngiti kong sagot sa mag-asawa sabay paalam pag-alis. Ang ganda nang pamilyang iyon. Halatang mahal na mahal ng mag asawa ang isa't-isa maging ang kanilang anak. I once dream a family like that. But- No. I deleted that thoughts running in my head right now. No, I will not go that far. I'll never be. Daretso akong pumasok sa aking opisina at nag ready na paalis. Masyado na akong nagtatagal dito samantalang ang daming naghihintay pang pasyente sa akin. Sa araw na ito. Mabilis akong nakarating sa aking klinika dahil medjo malapit lamang ito sa hospital. Madami-dami nga ang pasyenteng naghihintay kanina pa kaya sinabi ko na kay Kathy na sinimulan nang tumawag ng pasyente. Naging mabilis ang oras, Napa-inat ako sa aking mga balikat at paa na nangalay sa pagpabalik-balik na upo at tayo sa pagcheck ng mga bata. Nakakapagod. Pero kailangan ko pang maghanda dahil isang oras mula ngayon babalik kaagad ako sa hospital para sa ikalawang rounds. Si Kathy naman ay uuwi na dahil hindi na siya kailangan sa hospital. Magrarounds na lang man ako ng ganitong mga oras kaya't kaya ko nang wala siya. May mga Nurses naman na mag-aassist sa akin kaya wala akong magiging problema. Isa pa may naghihintay sa kanya. Kaya okay lang mauna siya umuwi kaysa sa akin. Nagcheck na lamang ako ng aking cellphone para tingnan kung may mga importanteng email o mensahe doon. Nang na bored ay tumayo na ako at nag ready pabalik ng Hospital. 'Let's get this done. So we can go home' tahimik na usal ko sa aking sarili. Nakarating ako sa hospital at pumasok sa aking opisina para mag-ayos at freshin up. Pagkatapos ay kinuha ko na ang aking Waiver at Pen . Saka lumakad palabas para umpisahan ang pagrounds. Pagka daan ko sa Nurse Station ay kaagad na may mga sumunod sa aking dalawang nurses. At tumungo na kami sa Pedia Ward kung nasaan ang mga bata. At mamaya'y sa Private Ward naman. Lahat ng bata sa Pedia ay magaganda ang feedback sa mga gamot na binigay namin noong nakaraang araw. Hindi naman kasi masyadong malala ang mga cases nila kaya maayos ang naging result nang kani-kanilang test. Uso ang sinat, ubo at sipon ngayong dahil nagbabago ang temperatura ng panahon. Mabilis naubos ang oras. At patuloy ang aming paglilibot at pag eexamina sa Pedia Ward. Makukulit at napaka Hyper ng mga bata dito. Kaya hindi din biro ang mga trabaho ng mga Nurses na doon naka assign. Di ko namalayan na andito na pala kami sa Private Room nang batang si Chloe. Naunang pumasok ang dalawang Nurses na nagkasunod sa akin para mag Assist. Narinig ko na ang kanilang paunang pagbati kaya tuluyan na akong nagpakita at pumasok sa loob habang naka tingin sa aking Waiver Notes. Para icheck lahat ng mga changes sa katawan ng pasyente ngayong araw na ito. Ibinilin ko kasing imonitor ng mga Nurses ang bata sa buong araw na ito habang ako'y nasa clinic. "Bonjou-" Natigil sa hangin ang sanay pagbati ko nang aking nakita na marami-rami palang bisita ang naroon sa silid na iyon. "Doctor Angel. You came! I was waiting for you to come the whole day" Hyper nang isang batang makulit na nakaupo sa kaniyang hospital bed. At napapalibutan ng mga tao. Ang iba nama'y naka upo sa mga upuan sa sofa. Medjo na ilang naman ako dahil lahat sila'y nakatutok ang mata sa akin. "Hey there Princess! How are you feeling? I'm gonna check you up again. Is it alright? Sorry to interrupt your family visit. Sirs and Ma'ams this won't take long. I hope you all won't mind". Ani ko habang marahan nang inumpisahan ang pagche-check sa batang pasyente. " No worries Doc. We don't really mind" Ngiting sabi ni Cara ang ina ni Chloe. Ngiti na lamang ang isinukli ko dahil naiilang talaga ako sa mga tinging ibinibigay ng mga taong andito. Sanay ako sa maraming tao at sa atensyon binibigay ng mga tao. Pero di ko lang alam kung bakit naiilang ako ngayon. May isang tao sa gilid na kanina pa nakamasid ang mga mata sa akin mula nang pumasok ako sa silid na ito. Kaya medyo naging uneasy din ako. Iba kasi ang init ng kanyang tingin para bang kinikilatis nito ang buo kong pagkatao. Di ko tuloy na pigilan sulyapan ang kinaroroonan niya. At biglang natigilan sa aking nakita. "What is that man doing here. Are they related with my patient? Hindi ba nagkamali ang instinct ko? Paano siya nakarating dito?" Mga tanong na bumabagabag sa akin. Ngunit hindi ako nagpakitang apektado hindi niya naman siguro ako nakilala. Ibang-iba na ang hitsura ko ngayon sa hitsura ko years ago. Malamang nakalimutan niya na iyon. Katulad ng paglimot ko sa kanya. Huminga ako nang malalim to calm myself down habang nanginginig ang mga kamay kong nagsusulat sa aking Waiver Note. Kalaunay tuluyan ko nang tinaas ang aking ulo at hinarap ang mga taong kanina pa nakatingin at naka sunod sa aking bawat galaw. Bahagya akong ngumiti sa kanilang lahat at hinarap ang mga magulang ng aking munting pasyente. "Her body is positively responding to the medicines that we gave her. And it's a good sign. We still need to monitor her status for 2-3 days so we can make sure that she's fully recovered" Imporma ko sa mag-asawang taimtim na nakikinig "Thank you so much for everything Doc. It's inevitable with us to stay here as long as she's getting better. We really didn't regret to choose you as our daughter Pediatricians" Ngiting saad ni Cara sabay gagap ng aking kamay. Ngiti na lamang ang aking isinukli sa kanya. "Anyway. I would like to introduced you to our family here Doc. Kanina pa kasi sila curious na curious sa iyo lalo na ang aking mga magulang dahil sa munting pagbibida ng aming munting Princess dito. Sorry sa pagtatagalog ko Doc. Nasabi kasi ng mga Nurses kanina na nagrorounds na isa ka ding Pilipino kaya nagtatagalog na lang ako. Dumudugo na kasi ang ilong namin sa kaka English at pagsasalita French. Hope you don't mind" biro ni Gerard na Tatay ni Chloe. "It's fine. I can actually understands Tagalog" Ngiting sagot ko sa kanya "Ako po. Ako po. Ako ang magapapakilala kay Tito Greg!" Hyper na saad ni Chloe "Doc Angel. This is my handsome Uncle Gregory 'Greg' Matisse. He is very much single. And he is also a businessman. He own a lot of Hotels and Restaurants all over in Philippines and also abroad. He doesn't have a Girlfriend since- I don't know but he doesn't have. Tito come, stand up and come over here!" Bossy na utos ni Chloe sa lalaking iyon "Langya Baby Chloe! Ano bang pinakain ng Tito Gregory mo sa iyo at kulang na lang palitan mo ang last name ng magandang Doctora mo nang apelyido niya?" Puna nang isang matangkad at singkit na lalaki sa batang si Chloe napa hagikgik na lamang ang huli. Tumayo naman ang lalaking iyon sa aking kilid at pormal na naglahad ng kamay sa aking harapan. Tiningnan ko ang kanyang kamay na nakalahad nagdadalawang-isip kung tatanggapin ko ba ito o hindi. Sa huli'y mas pinili kong magpaka professional at hinarap siya. "Hi. I'm Dra. Barcelona. Chloe's been talking about you since this morning. It's nice to finally meet you Sir". Ngiting pagbati ko sabay tanggap at shakehands sa kanyang kamay na kanina pa nakalahad. Ang init at higpit ng mga kamay niyang sumakop sa aking maliit na kamay. At naramdaman kong kaunti pang humahaplos ito. Binalak ko ng kunin ang aking kamay ngunit wala pa siya balak na bitiwan ito kaya napatingin ako sa kanyang mga mata at nakita ko ang intensidad nang kanyang tingin ipinupukol sa akin na tila ba isa akong puzzle na kailangan niyang buuin. Pinantayan ko din ang intensidad ng kanyang tingin sabay taas ng aking isang kilay upang ipakita ang pagkairita ko sa kanya. May narinig naman akong isang tikhim galing sa mga taong naroon at may mga ngiting nanunukso na tila animo'y may isang kaaya-ayang bagay na nangyari. "Ahemmm. Ahemmm" Baka pwedi mo nang bitawan ang kamay ng ating magandang Doctora Bro? Magpapakilala din ang aming kagwapuhan you know" Tukso ng isa nilang kaibigan Saka pa lamang niya binitiwan ang kamay ko at binigyan nang isang pamatay na tingin ang lalaking nagsalita sabay tahimik na bumalik sa pag-upo. "Hi Doctora. I'm Jeremy Roque. I'm single and very much available. At your service. Pwedi po bang magpa check up?" Biro niya sabay kindat at lahad ng kamay sa akin. "Hi it's nice meeting you too" Sagot ko na naiilang nang kaunti. May pagkababaero ang isang ito. At yun ang sigurado. Natawa naman ang mga tao sa silid. Sa turan ng lalaki. "Hi Doc. I'm Marcus Florence. Nice to meet you" Pagpapakilala ng isang lalaking mag maamo ang mukha sabay ngiti "Hi Doc. Nice meeting you. I'm Carl. The Twin Brother of Cara. Chloe's been talking about you since we came here. And everyone is excited to finally meet you. Thank you for taking good care of my Niece". Ngiting saad niya bago inilahad ang kamay sa akin upang nakipag kamay. Pamilyar ang mukha niya di ko lang matandaan kong saan ko siya nakita pero sigurado akong nakita ko na talaga siya... Tinanggap ko na lamang iyon "No problem. It's my duty and job. No big deals". At patuloy na nga sila sa pagpapakilala, nakilala ko nadin ang kanyang Lolo at Lola na sina Mrs. Geniva Matisse at Mr. Leonardo Matisse masasabi kong nakuha ng magkapatid ang mata at auro ng kanilang ama. At kabuuan ng hitsura ng kanilang ina. Maging ang dalawang babaeng sina Ara at Era ang kambal na pinsan ng mga ito. Makukulit ang mga taong nandito hindi mo masasabing mga dekalidad na mga tao sa alta sosyudad dahil parang mga normal lamang ang kanilang kilos katulad nang karamihan. But I know better. Ramdam ko pa rin ang intensidad ng tingin na ibinibigay ng lalaking iyon na kanina pa nakasunod sa akin. Kailangan ko nang magpaalam sa kanila. Suhisyon ko sa aking sarili bago pa may mapansing kakaiba. Lalo na't di ako nilulubayan ng kanyang mga mata. "Okay. Everyone it's my pleasure to meet the dearest family of Chloe. But I still have something else to do. I'll go ahead now. Enjoy and continue your family bond. Thank you". "Ang aga aga pa Doc. Aalis ka na agad?" "Oo nga naman Doc. Dito ka muna, wala ka naman ng schedule after this diba?" "Doctor Angel. What about my Uncle don't you like him? Don't you want to stay and know him more?" Inosenteng pahayag nang batang si Chloe "Thanks Princess but I still have so much stuffs to do. And I don't think it's a good idea to stay here". Haplos ko sa kanyang buhok habang malumanay na nagsasalita " Why? Do you have a boyfriend? Do you? Well... it's not imposible because you're very sexy and pretty. But can you dump your boyfriend and be my Tito's Girlfriend instead? Pretty pretty please?" Pipikit-pikit matang hiling nang bata habang ang mga kama'y magkasugpong na animo'y nagdarasal. Napa ngiti naman ako sa kacutan na kanyang ipinapakita at bahagyang napailing na lamang sa huli. Halakhakan ng mga taong naroon ang pumuno sa silid. Maging ang dalawang Nurse na kapwang kong Pilipino ay napatawa na din sa naging turan ng munting paslit. "Grabi saludo na talaga ako sa kamandag mo sa pamangkin natin Bro. Di ko alam kung anong ginawa mo at parang Santo yung tingin niya sayo!". Sabi ni Carl na tatawa-tawa pa Bagot na tiningnan lamang siya nang lalaking iyon. Hanggang sa bumalik nanaman ang mata niya sa akin na parang di pweding mawala ako sa kanyang paningin. At tumaas ng pabagya ang sulok ng kanyang labi. Did he just smirk? Jerk! "I'm sorry. Princess pero kailangan ko na talagang umalis. And you have a lots of visitors naman na. Why don't you enjoy their company instead? It's in appropriate for me to stay here". Naiilang pang saad ko at tumingin sa mga magulang ng bata na kanina pa nakikinig para humingi ng tulong "I'm sorry Doc. Sadyang hyper lang talaga itong Princessa namin. I hope you don't mind staying here for a bit? Let's all have Dinner here. Sabay na din natin itong dalawang Nurses mo". Anyaya pa ni Gerard sa akin bago tumingin sa dalawang Nurse na kanina pa parang mga bulateng kinikilig sa gilid. Sa huli ay wala na din akong nagawa. Tunayo ang dalawang kambal at nag presintang sila na lamang ang bibili ng makakain. Ako nama'y busy sa pag-sagot sa mga tanong ng Lolo't Lola ni Chloe. "Ang ganda-ganda mo iha. May kamukha ka talaga di ko lang maalala kung sino. Malabo naman yatang nagkita na tayo noon dahil pag nagkataon ay siyang irereto talaga kita sa isa sa mga anak kung lalaki". Masayang litanya nang Ginang Natawa naman ang mga taong nakarinig sa kanya. "Yes My. I think I know why she looked really familiar now ". Dagdag ni Gerard sa kanyang ina. Bigla naman akong kinabahan sa kanyang naging turan. Inaalala ko ang mga nangyari ng panahong iyon kung may nakasalamuha ba akong isa sa pamilya ng lalaking iyon. Ngunit kahit anong gawin kong pag-alala sa nakaraan kay wala akong matandaang nag krus na ang mga landas namin ng kanyang pamilya. "Really? Where? Did we meet her before?". Excited na turan ng Ginang "No. I don't think so. And it's kind of impossible. She's Famous so I'm not sure If she's interested to meet us though". Halakhak ni Gerard "Pasuspense ka nanaman Bro! Bat di mo na lang diretsong sabihin. Lagi kang pabitin eh" Naiirita kunwaring turan ni Jerry "She's the Famous Model you loved My. You know the International Model "TAZ" Siya iyon. Kanina ko lang din nalaman noong napadaan ako sa Nurses Station kasi pinag-uusapan nila ang mga paparazzi na naka stand-by sa labas ng Hospital at sunod nang sunod kay Doctora". Mahabang pahayag ni Gerard na umani ng sari-saring reaksyon sa mga taong nasa silid na iyon "Whoooa! Not just a pretty face but also smart. That's what I like" puring saad ni Marcus "Wow! That model is very famous and also hot! I can't believe you're that girl. I mean I know she's pretty with her make up but I didn't know you're this pretty. Kahit simpleng ayos lang". Dagdag ni Jeremy "Interesting! My Mom and Sisters are both your fans. They're dying to meet you. Can we take a picture later and can I also have your autograph?" Nahihiyang saad Marcus "That's why you looked familiar kasi halos lahat ng sulok ng mundo anduon yung mukha mo na cover ng magazine. Just wow Doc. It's our pleasure to really meet you and sit with you here" Manghang ani ni Carl na may kinang sa mata Bahagya naman akong nagulat ng may humawak sa aking mga kamay. "OMG! Iha I think I'm going to faint! I'm such a fan! Alam mo bang lahat ng mga Collection mo ay mayroon din ako. Lahat nang Magazine na iniissue mo ay binibili ko at minsa'y kinukulit ko din ang mga anak kong bumili para sa akin dahil limitado ang kopya ng mga ito. Can we have pictures? I'm sure my Amigas will get jealous for this. I'll get your autograph too". Parang isang excited na teenager na turan ng Donya sa akin. Naiiling naman ang tahimik na asawa pati na ang kanyang dalawang mga anak na kanina pa nakamasid sa amin ng Donya. "Wow! I'm overwhelmed po. Thank you for all your appreciations and support. I didn't know that I have Filipino fans. I haven't been in that country ever since-" Bigla naman akong natigilan sa sariling naging turan. Timing naman na dumating ang kambal na may dalang mga pagkain kaya nabaling doon ang atensyon ng mga tao sa loob. At yun na ang kanilang binigyan pansin dahil halatang kanina pa nagugutom ang mga ito. Pero ang isang iyon... pakiramdam ko'y mas nadagdagan pa ang intensidad ng kanyang tingin sa akin dahil sa binitiwan kong mga salita bago lang.. Anong problema nang isang to? He should be thankful because I'm not bothering him. I didn't acknowledged to know him. And he is too. Bakit siya nakatingin ng ganyan? Di nagtagal ay lahat sila'y natapos na sa pagpapapicture at binigyan ko din nang autograph pati ng libreng Magazine na nasa aking office. At natuwa naman silang lahat. Kalaunay nagpaalam na ako nang tuluyan dahil masyado na akong nagtatagal roon. "Medyo pagabe na po. Mauuna na po ako sa inyo" Magalang kong paalam sa kanilang lahat "Thank you so much iha. Napakasaya ko sa araw na ito. E memessage kita doon sa personal IG mo ha. Wag mo akong isnobin" Hagikgik ng Donya kaya napatawa na rin ang mga naroon at nailing sa kakulitan nito "Opo. It's my personal IG ako po mismo ang personal na humahawak niyan at yung sa public ko po ay yung Assistant ko. Feel free to message me po Tita My" Yes. Tita My na din ang gusto niyang itawag ko sa kanya kaya napilitan din akong sundin siya dahil ayun sa kanya ay magtatampo siya pag hindi iyon ang itawag ko. "Mauna na po ako. Salamat sa Dinner" Ngiti ko sa kanilang lahat saka marahan na lumabas sa silid ng tuluyan Nagpakawala naman ako ng mahabang buntong hininga... It's a long day indeed. Akmang hahakbang na ako'y may bigla na lamang humawak sa braso ko nang mahigpit at kinaladkad ako patungong fire exit. Sa tindig ng katawan at porma pa lang kilala ko na kung sino ang damuhong kumaladkad sa akin dito. Kaya naitikom ko ang aking bibig at naikuyom ang aking mga kamay. What does he want now? Kahit di niya makita ay bahagyang tumaas ang aking kilay. Mabilis namin narating ang fire exit. At pabalya niya akung ipininid sa pader habang ang kanyang dalawang braso ay nakakulong sa aking magsing gilid upang di makatakas sa kanya. Wala akong kibo at pinagtaasan lamang siya ng kilay...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD