KAHIT na anong pilit ko ay hindi ko magawang pakalmahin ang sarili. Ngayon ang year-end party na sinabi ni Boss Emong sa amin noong isang linggo. Namamawis na ang palad ko dahil sa kaba. My heart rate increases in sync with the tempo of the music. Panay din ang ayos ko sa suot na dress. Himala na walang humarang sa award na tatanggapin ko ngayon. Kaya nga kahit na ayaw ko na sanang dumalo dito ay napilitan ako. I recall the look on my boss Emong's face when I handed him my resignation letter yesterday. Seryosong binasa niya iyon. Base sa nakikita kong lungkot niya ay hindi mahirap hulaang tutol siya sa pagre-resign ko. Aniya ay pag-iisipan pa niya at tinanong pa niya ako kung may magagawa pa ba siya para mapagbago ang isip ko. Alam kong iniisip niyang ang promotion na napunta kay Trina ang

