TAHIMIK lang kami pareho ni Max habang bumabiyahe patungo sa hotel kung saan kami magpapalipas ng gabi. His assistant has already made hotel reservations in advance. Dapat sana ay si Boss Emong ang tutuloy sa room. Hindi ko mapigilang sulyapan siya habang seryoso siyang nagmamaneho. Ano kayang iniisip niya at kunot na kunot na naman ang noo niya? “I noticed that you didn't eat any of the food I ordered for you,” bigla ay sambit niya. Gulat na nilingon ko siya. Kanina ay hindi ko na magawang bumalik sa puwesto nila ng mga ka-meeting dahil sa pagkapahiya. Isa pa ay lumipas na ang gutom ko. “Busog na kasi ako kanina. Tutal wala ka naman yatang balak—” “I honestly forgot, okay? There are a lot of things going through my head and—” “Okay na! Hindi mo kailangang magpaliwanag. Alam ko namang

