MALUNGKOT na nilingon ko si Peter na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Simula noong year-end party ay biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Hindi na niya ako nilalapitan at kinakausap. Madalas na si Trina ang kaniyang kausap at kapag dumadating ako sa opisina ay nakakahanap siya ng dahilan para umalis. Nagdadahilan na lang siyang may gagawin siya sa warehouse o may kailangan siyang i-check na delivery. Alam ko na umiiwas siya sa akin. Sa tanghali ay si Trina din ang madalas niyang inaaya. Aaminin kong nalulungkot ako. I miss him, but I also respect him. Hindi ko siya masisisi. That night, I made the decision to reject him. Dapat ay handa ako sa magiging consequence niyon. Ito ang paraan niya para protektahan ang sarili at kailangan kong igalang iyon. Kailangan kong tanggapi

