C25- Bella

1812 Words

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Siguro dahil na rin sa pagod at ilang araw na pagpupuyat ko. Halos wala na akong pahinga dahil naging busy ako sa pag-asikaso sa flower shop ko. Biglang nag-init ang pisngi ko dahil nanaginip ako na parang may lalaking humalik sa akin. Siguro nababaliw na nga ako dahil ang lalaking iyon ay si Gavin pa. Nakakahiya dahil hindi ko mapigilan ang sarili na tingnan siya. Kagaya dati, natataranta na naman ako pagdating sa kanya. Hindi ko naman ikakaila na hanggang ngayon ay siya pa rin ang lalaking nagmamay-ari ng puso ko. Kaso ayaw ko nang umaasa pa dahil may fiancee siya. O, baka nga asawa niya na pala 'yon. Magmula kasi noong umalis na siya ay ayoko ng makarinig ng balita pa tungkol sa kanya. Si Mama kasi, ni isa ay walang sinasabi tungkol kay Gavin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD