"G-Gavin...?" Halos pabulong kong sambit at sa hindi ko maipaliwanag ay bigla akong nananabik sa kanya. Parang gusto ko siyang makita para personal na pasalamatan. "Yes, it's me, Bella.." ulit niya pa sa namamaos na boses. Bigla akong natahimik at nag-init ang pisngi dahil iba ang dating sa akin. Parang ang sexy kasi niyang pakinggan. Naiimagine ko na agad ang hubad niyang katawan na kadalasan lagi kong nakikita sa tindahan. s**t! Ang halay ko talaga pagdating sa lalaking 'yon. Take note, may nag-drama- queen pa ako kagabi sa kanya dahil sa panloloko ni Mark sa akin. Pero ngayon, lumandi na ako agad-agad. Nilayo ko muna ang phone bago tumikhim para hindi ako mahalata at mautal. "Ba-Bakit ka napatawag? At bakit ang tagal mong magsalita, ha? Akala ko tuloy kung sinong nanloloko sa akin.

