Nasa terrace ako at malayang pinagmamasdan ang malawak na karagatan sa ibaba. Tatlong araw na ang lumipas simula nang pumunta kami dito para magbakasyon kasama ang mga kaibigan ni Gavin. Pero lahat sila ay umuwi na kanina. Tanging kami na lang ang naiwan dahil bukas pa kami uuwi. Para kasing ayaw pa ng anak namin na umuwi kaya napag-usapan namin ni Gavin na bukas na lang nang umaga para masulit din namin ang bakasyon. Marami ang nangyaring hindi maganda sa mga kaibigan ni Gavin at sa mga girlfriend ng mga ito. Si Daniela na bigla na lang umalis na hindi namin alam kung ano ang dahilan. Iniwan si Justin at piniling sumama sa ibang lalaki. Kaya nagbabalak na lang magpakamatay ni Justin dahil hindi niya matanggap na mas pinili ni Dani ang lalaking iyon kaysa sa kanya. Habang sina Dale at Jh

