Pagpasok ko sa elevator ay yumuko ako nang bahagya dahil may tao sa loob. Pero lalong bumuhos ang luha ko na hindi ko mapigilan dahil sa paulit-ulit na eksenang nakikita ko kanina kung paano sarap na sarap si Mark at parang baliw ito na bumabayo sa likuran ng babae. Nanginginig ang katawan ko at nagpupuyos sa galit ang dibdib ko sa kanila at parang gusto ko pa silang saktan. Parang kulang pa ang ginawa kong pananakit kanina. Ang tapang ko kanina pero ngayon para na lang akong kandilang mauupos na sa sobrang hina. Pero pinilit kong maging maayos dahil maraming nakatingin sa akin. Wala na akong pakialam pa kung ano man ang iisipin nila sa akin dahil hindi naman nila alam kung bakit ako nagkaganito. Basta ang gusto ko lang ay makauwi sa bahay at magkulong sa kwarto. Gusto kong mapag-isa a

