JEMA:
akala yata ni deanna nung umalis si madz tulog parin ako,gising na gising ako at narinig ko lahat nangsinabi niya,,naawa naman ako sakanya,lumambot na naman ang puso ko,yung sakit parang nawala na naman hay deanna wong ang rupok ko talaga pagdating sayo,,namimiss din pala niya pag aalaga ko sakanya..habang nakikinig ako sakanya hindi ko namalayan nakatulog na pala ako..nagising naman ako kasi nauuhaw ako medyo ok naman na pakiramdam ko,pagmulat ko nang mata ko akala ko su deanna yung nasa tabi ko at nakaupo,nadismaya naman ako nang si fhen yung nakita ko nagising naman siya nung gumalaw ako at nag angat siya nang ulo nakatulog siya habang nakayuko dito sa bed ko siya ba nagbantay sakin magdamag..nakita ko naman si madz,pongs at klya dulog dun sa mahabang upuan na nakaupo kawawa naman tong mga kaibigan ko..teka nasan si deanna umalis na siya kagabi hindi ko na namalayan..
hi jema gising kana pala may kailangan kaba nagugutom kaba..tanong ni fhen saka tumayo sa pagkakaupo niya mukhang antok na antok pa siya..
naiihi lang ako fhen..tipid na sagot ko sakanya..
sige alalayan na kita para dika mahirapan..inalis naman niya yung dextrose sa may sabitan saka nilipat sa pwedeng bitbit na stand saka niya ako inalalayan tumayo,inalalayan niya ako hanggang sa pinto nang cr paglabas ko nandun parin siya hinihintay yata ako lumabas inalalayan din niya ako makabalik sa bed,ang sweet niya hay kung natuturuan lang ang puso fhen..
jema higa ka muna bibili lang ako nang pagkain natin para makakain ka,may gusto kaba..sabi niya habang inaayos yung unan ko para makahiga ako nang maayos..
sabaw sana fhen gusto mainitan yung sikmura ko..sagot ko sakanya nagugutom na din ako..
ok sige mahiga ka muna ulit baka mahilo ka eh..babalik din ako agad..paalam niya saka ako inalalayan mahiga..
thank you fhen..sagot ko sakanya ngumiti naman siya at lumabas na nang kwarto...nasan kaya si deanna anung oras siya umalis kagabi hindi ko na alam,akala ko babantayan niya ako magdamag,,hays umaasa kana naman jessica sasaktan mo na naman ang sarili mo...bumukas naman ang pinto ng kwarto si fhen pala ang bilis niya ha..
ang bilis mo naman fhen..tanong ko sakanya tumakbo pa yata to hinihingal eh..
ahh..eehh baka kasi gutom kana kaya nagmadali ako..sagot niya na hinihingal.
hindi mo naman kailangan magmadali fhen ok lang naman ako..sagot ko sakanyan,ngumiti lang siya at nagpunas nang pawis niya,pumasok din muna siya nang cr naghugas yata..
halika na jema kumain kana habang mainit yung sabaw,sinigang yung binili ko..sabi niya lalo naman ako nagutom may favorite sinigang..inalalayan naman niya akong bumangon nanghihina pa talaga ako pinasandal naman niya ako sa unan saka kinuha yung pagkain..
susubuan na kita ha alam ko naman nanghihina kapa..sabi niya nakakahiya naman.
wag na fhen ako nalang kaya ko naman..sagot pero hindi siya nagpatalo...
wag na makulit jema susubuan na kita sige na oh say ahh..wala na akong nagawa kundi kumain habang sinusubuan niya..masarap yung sinigang ha..
dahan dahan jema ha mainit tong sabaw..paalala pa ni fhen napakaalaga naman nito,sana ganito din si deanna hays..
sana all may tiga subo..nagulat naman kame ni fhen sa nagsalita at yung tatlo pala nakatingin na samin,saka mga nakangiti nang nakakaasar..
goodmorning madz,pongs kyla nandyan pala sa table yung foods niyo bumili na ako..sabi naman ni fhen habang sinusubuan parin ako..
thank you fhen..sagot nung tatlo saka kinuha yung pagkain,tumango nalang naman si.fhen sakanila..nag tatawanan naman kame habang kumakain at nagkukwentuhan..nang bigla bumukas yung pinto si deanna pala..samen naman siya napatingin habang sinusubuan ako ni fhen,bakit biglang lumungkot yung mukha niya yung mga mata niya..
==============================================
DEANS:
pag alis ko sa ospital dumiretso agad ako nang bar para sunduin si mitch at tama nga ako lasing na lasing nga siya..
hon wag mo akong iuwi sa bahay sasama ako sayo..sabi niya sa lasing na boses..wala akong ibang magagawa kundi isama siya sa apartmen..nakauwi na kame ng apartment dinala ko siya sa kwarto namin at pinahiga sa bed ko,nagulat ako nang yakapin niya ako at biglang halikan,tumugon ako sa halik niya pero bigla akong napatigil dahil pakiramdam ko nakitingin si jema,,ang weird naman anu ba tong nararamdaman ko,,kaya bumangon ako agad dahil nakapatong ako kay mitch..
sige na mitch matulog kana..sabi ko sakanya nagulat pa siya sa biglang pagbangon ko
hindi mo ba ako tatabihan..tanong niya sa malanding boses pero hindi ko nalang pinansin..hanggang sa makatulog siya..
nagpunta muna ako nang banyo para mag halfbath sa bed ako ni jema nahiga amoy na amoy ko siya,namiss ko siyang bigla sana gumaling na siya..niyakap ko naman yung unan niya..hays bakit ba ganito yung pakiramdam ko naguguluhan na ako..hindi ko namalayan nakatulog na pala ako..maaga akong nagising kasi balak ko pumunta sa ospital dadalhan ko sila nang pagkain,sana ok na si jema..bumangon na ako at ginawa ang morning rituals ko,pagkatapos saka ako pumunta sa kusina nalungkot na naman ako namiss ko na naman si jema pag ganitong oras nagluluto na siya nang breakfast namin,ipagtitimpla niya ako nang kape,aasikasuhin ang pagkain....nagtimpla na ako nang kape eto nalang muna mamaya na ako kakain sa ospital sasabayan ko nalang si jema,napangiti naman ko sa naisip ko...nagulat pa ako sa biglang nagsalita sa likod ko si mitch pala gising na..
hon anung breakfast nagugutom na ako..bungad niya sakin edi wow..sobrang layo niya kay jema..pag si jema ako ang nagtatanung kung anong breakfast..(puro ka jema wong binabalewala mo naman)..
wala hindi naman ako nangluto coffee lang..cold na sagot ko
magluto ka nalang dyan kung gusto mo..dagdag ko pa..
ayaw ko tinatamad ako,drive thru nalang tayo hon please..paglalambing na naman niya at para wala nang madameng usapan tumango nalang ako,pagkatapos ko magkape umalis na kame ng bahay dumaan muna ako nang breakfast ni mitch..mamaya na ako bibili nang dadalhin ko sa ospital..
hon may lakad kaba mamaya gala naman tayo oh one week pa naman tayo walang pasok diba..sabi niya habang kumakain..ewan ko pakiramdam ko nawalan ako nang gana kasama si mitch dahil sa nakikita kong ugali niya hindi siya ganito nung nililigawan ko pa..
sorry mitch may gagawin ako mamaya..palusot ko kahit wala gusto ko lang ako magbantay kay jema..tumango nalang siya,hay salamat naman hindi na nangulit..naihatid ko na siya nakabili na din ako nang pagkain para kila jema,,bumili ako nang favorite buffalo wings niya saka butter shrimp at sinigang para may mahigop siyang sabaw..nakarating na ako sa ospital nasa labas ako nang kwarto niya naririnig ko nang nagtatawanan sila,masaya sila..kaya pumasok na ako,,bigla naman nawala yung saya ko kanina na makikita ko si jema nung makita kong si unggoy nang aasikaso sakanya,sinusubuan pa siya..ako sana gumagawa niyan eh,ako dapat nandyan sa tabi ni jema..yumuko nalang ako bigla kasi ako nakaramdam ng sakit sa puso ko..
ahhh goodmorning guys may dala nga pala akong foods para sa inyo..sabi ko para naman gumaan pakiramdam ko kahit pano..
thanks deans patapos na din kame kumain bumili kasi so fhen kanina..sabi ni kyla mas lalo ko naman ikinalungkot..
lagay mo nalang dito yan deans mamayang lunch yan nalang kainin natin..singit naman ni ate madz..si ponggay walang imik hindi parin ako pinapansi si jema nakatingi lang sakin..
jema you want fruits may dala din ako pagbalat kita..sabi ko kay jema tumingin naman siya sa mata ko..
ah hindi na deanna mamaya nalang nabusog na din kasi ako andameng pinakain sakin ni fhen..nakangiting sagot niya..shit bakit para akong sinaksak sa dibdib nang sabihin nya yun at halata na masaya..bakit ko nararamdaman to bakit ako nasasaktan..tumango nalang ako sakanya at naupo sa tabi ni ate madz naguusap lang kame..