Natalia's POV
Excited akong bumalik sa pamamahay ni Sebastian. Ngayong araw ang pinaka masayang araw ng buhay ko dahil kami na ulit ng "ex" ko. Or should I say my brother. Gusto ko lang makita kung paano mag-selos itong si Sebastian.
Pumasok agad ako sa bahay at bumungad naman sa akin si manang na nag wawalis ng sahig. Dalawang araw din kasi akong nawala kaya hindi ko manlang natulungan siyang maglinis. "Manang si Sebastian?" Tanong ko sa matanda.
"Oh, Natalia, nandito ka na pala. Andoon sa sala si Sir." Tinuro ni manang ang Sala at napansin kong nakabukas ang T.V doon. He is probably watching his favorite show.
Pumunta ako sa sala at ngumiti. "Sir!" Pero mukhang Walang narinig si Sebastian at Hindi ako pinansin. Patuloy pa rin ito sa panonood ng telbisyon.
"Huy, bingi ka ba?" Sumimangot ako at tsaka hinarangan ang pinapanood niya. Agad naman siyang tumayo at nag-lakad papunta sa kwarto niya.
"Manang naa-antok na po ako, tell the maid to clean the house mamaya." Nilagpasan ako ni Sebastian at pumanik na ng tuluyan sa kwarto niya. Maid? As far as I know, kami lang dalawa ni Manang ang katulong ni Sebastian. Ako ba ang tinutukoy niya?
"Manang okay lang yun?" Tanong ko kay manang habang kumukuha ako ng tubig sa fridge.
"Lasing yan kagabi... Umuwi ng madaling araw. "
"May problema ba siya? Family problems?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Alam mo naman na alaga ko na si Sebastian simula sanggol pa yan.. At alam kong hindi nag-kulang ang mga parents niyan. Yun nga lang, simula 15 yan, naging busy na ang mommy niya. Kulang sa pag mamahal." Ningitian ako ni manang.
Tumango na lang ako at pumanik sa kwarto ni Sebastian. Kakatok sana ako pero hindi ko alam ang aking gagawin. Iko-comfort ko ba siya O bibigyan ng space?
Kakatok na sana ako ng bigla akong nakaramdam ng hilo at sakit sa puso. Nag-dilim ang aking paningin at tsaka natumba. Ang akala ko ay malalaglag ako sa sahig, pero iba ang ngyari. Naramdaman kong may yumakap sa akin.
"Okay ka lang? I'll call the doctor!" Binuksan ko ang aking mga mata pero malabo ang aking paningin. But I am sure na si Sebastian ang nakita kong iyon.
Bakit bigla na lang akong nahilo?
"O-okay lang..." Tumayo ako ng maayos at ngumiti. "Galit ka ba?"
"Sure kang okay ka lang?" Tumango ako.
"Galit ka?" Pilit ko ulit sa kanya.
"Pabayaan mo na ako." Hinila niya ako sa kama niya at pinahiga. "Mag pahinga ka." Lumabas siya sa kwarto at iniwan akong mag-isa. Ano ba ang ngyayari sa kanya
Sebastian's POV
"Let's end this Babysitting thing. Magaling na ako, hindi ko na kailangan ng mag-aalaga sa akin." Malamig na pag kakasabi ko.
"Ano ba problema mo? Noong isang araw ka pa ganyan!" She hissed. Even myself don't know what's happening. Last time I checked I was an engaged gay man and here I am now, having a physical attraction to a woman.
"Don't worry. I'll give you your year payment full. Magaling na ako, there's no point on taking care of me anymore." Aalis na sana ako ng yinakap niya ako sa likod and I can't help but turn around and hug her back.
"We... Became close friends. I was just hurt because of the thought we are not going to see each other anymore." Binaon niya ang kanyang mukha sa leeg ko at yinakap siya ng mas mahigpit. I feel hurt too. I feel hurt when I saw her with her boyfriend. And now I'm letting her go. Lahat ba talaga ng nag mamahal ay nagiging tanga?
Timingala siya sa akin at sumimangot. "Hindi ka ba talaga mag sasalita?"
"Ano ba gusto mong sabihin ko?"
"Lahat. Bakit ka ganito?"
Huminga ako ng malalim at pumikit. "Hindi mo ba naiintindihan na baka nag kakaganito ako ng dahil sayo?"
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko kaya tinulak ko siya sa pader at inangkin ang kanyang mga labi. "Just one night. Be mine." I looked at her eyes and she didn't stop me from kissing her. At first she hesitated but noong mas tumatagal ay hinahalikan niya na rin ako.
"I wish you know my secret..." Bulong ko sa kanya
"What secret?" Ngunot noong tanong niya sa akin. I wanted to tell her na I'm starting to fall for her. Or no, scratch that. Mahal ko na yata siya. Masyadong mabilis ang pangyayari pero alam Kong siya na ang hinihintay ko. Pero, Hindi yata sangayon sa amin ang panahon ang pilit kaming pinag la-layo.
Dammit, bakit ba ngayon pa dumating ang boyfriend niya?
"I'll let you stay curious." Tumalikod ako at nag-tungo sa salamin. "And oh yeah, that kiss... Meant nothing. That was a goodbye kiss. Please don't forget that." Ngumisi ako at lumabas ng kwarto.
I felt my heart shattered into tiny little pieces. Her eyes... Puno ito ng hinanakit. Pero bakit siya masasaktan kung Hindi naman kami? May iba siya kaya bakit?