Chapter 17 - And We Met Again Nakangiti kong pinagmamasdan ang tatlong tatsulok na nakalagay sa balikat ko. Oo, nakuha ko na ang pagiging Captain. Isang buwan ang nakalipas mula ng una kong matagumpay na misyon at sa loob ng isang buwan, imbis na kuhanin ko ang dalawang linggo na bakasyon, iginugol ko iyon sa pag-proseso ng mga dokumento para sa rapid promotion ko. Ngayon, patungo nanaman kami sa bagong misyon namin sa Benham Rise. Kailangan kasi ng Philippine Navy ang tulong namin para mag-patrolya sa area dahil tatlong bangka na ng mga pilipinong mangingisda ang nawawala sa nakalipas na buwan. Mas magiging madali kasi ang search operations kung may mata sa ere, at syempre kami yon. Imbis na F150 fighter jet, helicopter ang dala namin ngayon dahil for search purpose naman. Si Serge Men

