Chapter 8 - Officially Para akong tangang nakatulala sa buwan ngayon dito sa labas ng bahay namin. Isang buwan na ang lumipas mula ng pumunta kami sa event na iyon pero hindi pa din maalis sa isip ko ang mga nangyari noon. Iyon kasi ang araw na mas naging bukas kami sa isa't isa. Iyon ang araw na binuksan ni Travis ang puso nya, at ang sa akin. Mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Walang araw na hindi kami updated sa isa't-isa. Walang bagay ang hindi namin napag-uusapan. Hindi nga ata kami nauubusan ng topic. It's just that, we never had a dull conversation. Tuwing kausap ko sya, kulang nalang e daigin ko ang mop sa pag-gulong sa kama. Para akong tangang sumisigaw at nagpapaikot-ikot habang yakap ang cellphone ko. Nagulat ako sa vibration mula sa hawak hawak kong cellphone. Na

