Chapter 23 - Gut Feelings Pagod na pagod ako kakaparu't-parito sa magkakaibang opisina sa main na kampo, ang Camp Aguinaldo. Buti sana kung malalapit lang ang bawat isa, e halos dalawang kilometro ang pagitan ng mga pinupuntahan ko para magsaayos ng mga papel sa misyon namin. Bilang Kapitana, lider ng grupo, ako ang dapat mag-ayos ng mga papel ng mga isasama ko sa misyon dahil ako ang sasagot sa mga katanungan ng mga opisyal. "Okay. You may go." "Thank you, sir." Napa-buntong hininga nalang ako paglabas ng opisina. Sa wakas, natapos ko na din lahat. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik. Isang buwan na stress sa pag-lalakad ng mga papeles, medical certificates at test, physical fitness tests, clearances... Finally, tapos na! Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa at dinial ang nume

