Chapter 14 - Turn Back 'Coz when our hearts break, no it don't break even. - The Script Isa, dalawa, tatlo — tatlong linggo. Tatlong linggo na simula nang makipag-hiwalay sya sa akin pero yung hapdi, parang kahapon lang. Sobrang lalim ng sugat, at alam kong mag-iiwan ito ng isang marka—o baka hindi na maghilom pa. Nawala ako sa sarili. Ang dating running for topnotcher aim ko, unti-unti kong nabitawan. Nawalan ako ng gana sa buhay.z Pakiramdam ko napilay ang isang paa ko at hindi na ako makausog pa. Nasira lahat, dahil sa sakit na nararamdaman ko. Sa sakit na binigay nya sa akin. Minsan nakakasalubong ko syang nakikipag-tawanan sa mga kasama nya. Masaya syang tumatawa at malayang mag-bigay ng ngiti. Ako? Eto. Walang tulog sa gabi sa kakaiyak. Wala sa sarili. Hindi ko magawang ngumiti o

