Chapter 12 - The Brigade Commander I woke up to the most excruciating pain I ever felt in my entire life. Para akong nahiga sa kama na gawa sa mga karayom, natapakan ng elepante, o kaya naman ay nagulungan ng 10-wheeler truck. Bumungad sa pagdilat ng mga mata ko ang bagong kapaligiran. Puti ang kisame at gayon din ang dingding, isama mo na din ang bedsheet, kumot, unan at maging ang sofa sa tapat ng kama ko. Kulang nalang pati ako ay maging kulay puti na din. Naamoy ko ang mapaklang dating ng hangin na amoy gamot at nakita ko din ang nakakabit na dextrose sa kanang kamay ko. Campus Clinic. "Gising ka na pala." Nilingon ko ang nagsalita mula sa bumukas na pintuan. Nakangiti akong tumingin sa pag-aakalang si Travis iyon, pero agad akong nabigo nang hindi ko makita ang mukhan

