NAGISING si Osang sa magandang kuwarto at malamig ang paligid. “Lola?” mahina niyang tinig. “Apo? Salamat sa diyos at gising kana. Kumusta na ang pakiramdam mo?” Bakas ang pag-iyak ng matanda. Naawa si Osang sa lola niya binigyan niya pa ito ng stress. “Maayos na po ako, Lola. Bakit po pala ako narito?” “Iniligtas ka ng isang tao buhat roon sa ilog. Huwag mo nang uulitin na lulusong ka sa tubig, Apo. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung may masamang mangyari sa ‘yo.” Ngumiti siya kahit pa naiiyak siya. “Si Lola naman wala pa ito sa bituka.” Sinabayan niya ng tawa. Hinampas siya nito ng panyolito. Nagtawanan na silang dalawa. “Maiba ako lola sino po ang nagligtas sa akin para makapagpasalamat po ako?” “Naku umalis na apo nagmamadali ‘yon dahil may mga alaga pa raw siyang

