Rosana’s point of view DUMIRETSO ako sa itaas dahil wala dito sa ibaba si Ninong Stan. Nakasalubong ko ang iilang boy na pababa ng hagdan at lahat sila may mga kanya-kaniyang bitbit. “Si Ninong po?” tanong ko. Pero walang sumagot sa akin. Umakyat pa ako hanggang nakarating ako sa itaas. May apat na lalake ang nakatayo sa isang pinto tas may hinihila sila. Malaking tarpaulin ni Ninong Stan. “f**k, Sebastian! Ilang buwan na ang lumipas hindi mo pa rin nagagawa ang trabaho mo? nagsasayang ka lang ng oras!” Napakunot ang aking noo nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Ninong Stan. Ang apat na lalake ay bumaba na ng hagdan kaya ako ay tumago sa gilid. “Kailan pa? kapag nakahalata na? Ang inutil mo talaga napakasimple lang pero hindi mo magawa. Huwag mo akong bibigyan ng dahilan p

