Napahinto sila sa pagyayakapan nang marinig nila ang pagbagsak ng cellphone ko sa sahig. Sabay silang napalingon sa gawi ko. Nanlalaki ang mga mata ni Harvey na lumayo kay Hannah at agad na lumapit sa akin. "I-i can explain." mabilis nitong sabi. Kitang kita ko ang takot sa mata niya. Takot na baka iwan ko siya dahil sa nakita ko. I felt betrayed again. Napalingon ako sa gawi ni Hannah na nakatingin sa akin. Hindi ko magawang gumalaw ni paghinga ng maayos ay nakalimutan ko. Parang nag shut down ang buong pagkatao ko dahil sa nakita ko. Hindi ko alam kung anong tamang gawin sa mga oras na ito. Nabalik lang ako sa realidad nang hawakan ni Harvey ang kamay ko. Napapaluha akong napatingin sa kan'ya. Hindi ko magawang magsalita kaya't nanginginig man ang kamay ko ay hinagis ko sa mukha niya

