Huminto muna kami sa flower shop at namili ng mga bulaklak na dadaldalhin namin puntod ng anak namin at para na rin kila mommy at daddy. Ilang minuto pa ang lumipas bago kami makarating sa Lake of Candles Cemetery kung saan nakalibing ang anak namin. Ipinarada nito ang sasakyan sa parking lot ng simenteryo at saka ako ang naunang bumaba. Nauna akong nag lakad at alam kong nakasunod sa likod ko si Harvey. May ilang guwardiyang sumalubong sa amin at pinakita ko lang ang I.D ko at pinayagan na kaming pumasok. May iilang tao na ring na sa loob ng malaking simenteryo. Mabilis nahanap ng mata ko ang direction kung saan patungo ang puntod ng anak namin. Bago muling mag lakad at mauna ay humarap ako kay Harvey na may kung anong emosyon sa kan'yang mga mata. Ilang beses ko pa siyang nakitang na

