Simula nang maging maayos ang relasyon namin ni Harvey ay napag desisyonan kong bumalik na sa dati naming bahay. Sa bahay na kahit minsan ay hindi ko naisipan na balikan. Tulad nga ng sinabi ko nang dalhin ako dito ni Harvey na napakalaki ng pinagbago ng bahay. Hindi lang ang loob ng bahay pati ang labas malaki rin ang pinag bago nagkaroon na ito malawak na garden at isang maliit na fountain. Iniba din ang kulay at desensyo ng bahay. Sobrang laki talaga ng pinag bago nito maliban sa dating naging silid namin ni Harvey bilang mag-asawa. Wala siyang ginalaw doon. Kung ano ang itsura nito noong umalis ako at ibenta ang bahay hanggang ngayon ay magkapareho pa rin. Nandito ako ngayon sa kusina nag luluto ng adobo. Kagagaling ko lang sa work pagkatapos ko mag pahinga ay nagluto na ako ng ulam

