Tila huminto ang oras nang maglapat ang mga labi namin. Hindi ko siya magawang itulak. Hindi ko rin magawang gumalaw. May kung ano sa isipan ko na nagsasabing mali ito ngunit iba ang sinasabi ng puso't katawan ko. May kung anong mayroon sa labi niya na binabaliw ako. Kusang pumikit ang mga mata ko. Ngunit mayamaya pa ay naramdaman ko ang paglayo nito kaya't napamulat ako. Nakatingin lamang ito sa 'kin gamit mapungay niyang mga mata. Bakit siya huminto? May mali ba? Na realize ba niyang hindi niya ako mahal? Mababaliw na sana ako sa kakaisip nang biglang sunggaban ako nito muli ng halik. Napapikit at napakapit ako sa braso nito dahil pakiramdam ko sa ano mang oras ay bibigay na ang mga binti ko dahil sa tamis ng halik niya. Habang tumatagal ay mas lalong naging mapusok ang halik nito ngu

