Hindi ko alam kung ilang araw na ang lumipas simula nang dalhin at ikulong ako ni Harvey sa dati naming bahay. Hindi ko alam kung kailan niya ako balak pakawalan. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Hindi ko rin alam kung tuloyan na ba siyang nabaliw kaya't ginagawa niya ito. Dahil sobrang nalilito ako sa ginagawa niya. Ginagawa niya ba ito dahil mahal niya ako? Kung mahal niya ako, edi sana hindi niya ako iiwan at sasama kay Hannah. Kaya hindi ko maintindihan kung anong nais niya. Para mag kaayos kami? For what? Ano naman kung hindi na kami mag kakaayos? Para ibalik ang dati naming friendship? Friendship? Really matagal na yung sira simula nang umalis si Hannah at nang umamin ako sa kan'ya. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga lumilipas na araw. Ilang beses ko nang sinubuk

