Chapter 2

1535 Words
Journey's Point of View: Halos hindi na ako huminga nang buksan ko ang front door namin. Sa ganitong oras ay tulog na sina Mommy at Dad and I don't want to wake them up. Baka giyera ang mangyari once na isa sa kanila ay nagising. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang nakapatay lahat ng ilaw at wala ni isang presensiya akong nararamdaman dito sa unang palapag. Dahan-dahan akong nag-lakad papunta sa hagdanan, kaakibat ang takot na gumawa ng ingay. Sa ikalawang palapag pa kasi ang silid ko. Napabuntong hininga ako nang sa wakas ay nakarating ako sa harap ng pintuan ng kwarto ko. Wala ni isang anino ni Mom at Dad kaya halos mapatalon na ako sa tuwa. Hahawakan ko na sana ang door knob nang may naramdaman akong kakaiba. Buong akala ko'y ligtas na ako ngunit napasigaw na lamang ako dahil isang malamig na bagay ang pumulupot sa paa ko. I'm dead! Bigla itong humigpit at isa na namang sigaw ang kumawala sa akin nang hilain ako nito. I heard my own body meeting with the floor. Mabuti na lang at naitukod ko pa ang aking mga kamay bago bumagsak ang mukha ko sa floor kaya walang injury ang pagmumukha ko. Sinubukan kong humanap ng kung ano mang mahahawakan para hindi ako tangayin ng bagay na nakapulupot sa paa ko, pero tanging ang madulas na tiles lang ang nandito. I glanced at my feet at napagtanto kong galing ang mga ito sa mark ni Mommy Aesthia dahil baging pala ang nakapulupot sa paa ko at hinihila ako patungo sa lab niya. Bumilis ang pagtibok ng puso ko at tila nahihirapan na akong huminga dahil sa sitwasyon ko, Mom never uses her mark unless may panganib o galit na galit siya. Dalawang beses ko pa nga lang siya nakita na ginamit 'tong mark niyang plant manipulation, the ability to control plants according to his/her will. Una noong nag-away sila ni Dad dahil sa experiment ni mom na pinakialaman niya at pangalawa ay noong may muntikan nang mahulog na bus sa isang bangin. Ikatlong beses na 'to sa tanang buhay ko at saakin pa niya ginamit! I've angered the real monster. Saad ko sa aking sarili. Isa pang sigaw ang kumawala sa akin nang umangat ako sa floor at patiwari akong itinaas ng baging. Tanging nakikita ko na lang na nangingibabaw sa madilim na paligid ay puting lab coat at sapatos ni Mommy Aesthia na papalapit saakin. "Would you mind to explain to me Journey Aliza kung saan ka nanggaling at bakit hindi ka pumasok sa klase mo?" Tanong niya saakin. Kahit hindi ko makita ang mukha niya ay alam kong suot na naman nito ang nakakaintimidang ekspresiyon niya. Buti na lang talaga at ganito ang pusisyon ko, kung hindi? Mas lalo akong hindi makakasagot. "I-I went to McKenley Borders Mom, may humamon po kasi saakin." Napa-aray ako nang mas-humigpit ang pagkakapulupot ng baging sa paa ko. "Do you have an idea kung anong lugar ang pinasok mo?" "Lungga ng mga range fighter-aray!" Sigaw ko dahil dumoble ang sakit ng paa ko. "For petesake Journey Aliza Prime! Range fighters ang mga 'yon! Paano kung inatake ka nila?!" Pahigpit ng pahigpit ang vein na nakapulupot sa paa ko at hindi 'yon tumigil hanggang sa marinig ko ang pagtunog ng sarili kong buto. Ang nanunoot na sakit sa paa ko ang naging hudyat para sa mga luha ko na kumawala sa mga mata ko. This is too much. "M-mom, tama na!" Pagmamakaawa ko sa kaniya. Nag-unahang tumulo ang mga luha ko at palakas na rin ng palakas ang paghalinghing ko. Bumuntong hininga si Mommy kasabay no'n ay ang pagluwag ng Vein sa paa ko, dahan-dahan din ako nitong ibinaba sa malamig na floor ng lab. Yumuko ako at hinayaan kong harangan ng buhok ko ang aking mukha. The veins are gone yet the pain stayed! Hindi ko na rin makilala ang sarili kong boses dahil sa pagdaing. It just doesn't go away! Lumapit si Mom saakin at kinapa ang paa ko. "Iunat mo ang mga paa mo," utos niya kaya sinunod ko. Pinanood ko siyang ilapat ang kaniyang kamay sa paa kong nangingitim na dahil sa higpit ng pagkakapulupot ng vein. Naglabas ng puting ilaw ang kamay niya, kasabay no'n ay ang paglamig ng mga paa ko. "Sa susunod 'wag mo ng uulitin 'yang ginawa mo," tumingin siya saakin at ngumiti, "Pasalamat ka at nasa duty pa ang Dad mo at ako ang nakasagot sa tawag ng teacher mo." I sighed. Kung naabutan man ako ni Dad, alam kong hindi ganito ang sitwasyon ko ngayon. Malamang sa oras na ito ay nasa training area ako at sinusunog ang mga armas ko at 'yon ang pinakaayaw kong parusa sa lahat. Last time na nahuli ako ni Dad ay 2 years ago at 16 years old ako noon. I went to an archery competition na malapit lang sa paaralan namin nang hindi nagpapaalam sa kanila, pero nahuli ako ni Dad dahil nataong doon din sila nagduduty noon. Pinabayaan niya lang na matapos ang kumpetesiyon at nang umuwi na ako ay inutusan niya akong pumunta sa training room. Nagtaka pa ako noon kasi binigyan niya ako ng lighter at isang litrong gasolina pero nang makita ko ang mga bows, arrows at mga armas na inipon ko pa sa pamamagitan ng pag-sali sa mga patimpalak ay alam ko na ang ibig sabihin no'n. Wala akong ibang choice kundi sunugin ang mga 'yon kung hindi ay hindi na niya ako pasasalihin sa ano mang kumpetisyon. Kaya ngayon ay naging mas-maingat na ako. Well, maliban ngayon kasi hindi sumunod si Magsano sa usapan namin at nataon din na may klase kami! "Please don't tell dad Mom," pagmamakaawa ko at tinignan siya sa mata. Pinaningkitan ako nito at unti-unting ngumiti. "I won't tell, basta ba't siguraduhin mo lang na hindi mo na pupuntahan 'yang McKenley Borders na 'yan. Baka hindi lang ito ang abutin mo saakin." Idiniin niya ng isang beses ang kaniyang kamay sa paa ko at pumasok ang puting ilaw na galing sa kamay niya. Naramdaman ko naman ang pag-init sa loob ng paa ko at napawi na rin yung sakit. "Thank you Mom," saad ko at muli siyang niyakap. Agad akong tumayo nang sinabi niya na okay na ang paa ko. I'll never make her this angry again. Baka sa susunod ay hindi na siya mag-atubling putulin ang mga paa ko. Alas kwatro na ng umaga nang magising ako dahil sa sasakyan na kadarating lang. Alam kong si Dad 'yon dahil kabesado ko ang tunog ng kotse niya. I was about to close my eyes when I heard footsteps heading here in my room. "Journey," saad ni Dad kasabay no'n ay ang mahinang pagkatok sa pintuan. Unti-unti itong bumukas at bumungad ang nakangiting si Dad na may hawak na kung ano sa mga kamay niya. Kinapa ko ang ikalawang switch ng ilaw na nasa tabi ng side table ko para mas maaninag ko kung ano 'yong mga dala ni Dad. He's holding a gold coated paper at isang bag. Sudden realization hit me and made me look at the paper again. "Dad? 'Wag mong sabihing?!" "Yes, Journey! You just got your first organization!" Masayang saad nito at ibinigay saakin ang gintong papel. Agad ko itong binuklat at binasa. Dear Ms. Journey Aliza Prime, Apateón Organization has listed you as one of its possible members to join the Federation of Odyssean Rangers and Cerebral Expansion (FORCE). Please comply as soon as possible for the other details and for the confirmation of your slot. Gustave Monroe Head of the Organization "Is this real?!" Tanong ko at tumayo sa kama. He nodded. "Wahhh!" I shouted while jumping on the bed. Muli ko itong binasa at napatili na naman ako dahil dito. Apateón Organization! My dream organization na tutulungan akong makapasok sa Force! This organization is the leading organization na nagtetrain ng mga kapwa ko nangangarap na maging isa sa mga Rangers. Hindi rin kasi gano'n kadali makakuha ng letter na ganito. Kailangan mong makuha ang atensiyon nila sa pamamagitan ng matataas ng grado, fighting achievements and recommendations from people that are on higher ranks. I worked hard for this letter kaya alam kong deserve ko 'to and I'm ready to accept it! "Are you happy Journey?" Tanong ni Dad saakin. I just nodded without taking my gaze away from the letter. This is it! I'm one step closer towards achieving my dreams! "Buti na lang at mataas ang grades mo, you are very qualified to be one of the brains there," napatingin ako kay dad sa sinabi niya. Parang lahat ng expectations ko kanina ay bigla na lang gumuho, yeah right! I exhaled at dahan-dahang umupo sa gilid ng kama. Ginulo ni dad ang buhok ko at tinawanan ako. "It's for your own good Journey, we love you," malambot na saad ni Dad at hinalikan ang noo ko. "Anyway, congratulations." Itinaas niya ang paper bag at ipinatong sa table malapit sa pintuan. Nang makalabas na siya silid ko ay humiga ako at saglit na pinagmasdan ang kulay asul na ceiling ng kwarto ko. "Journey Aliza Prime," Sambit ko sa buong pangalan ko at gumuhit ng star hangin. "When will you emit your own light?" ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD