Napatingin kaagad ako sa aking phone nang bigla itong nag-vibrate. Agad kong tiningnan at galing kay Anton ang natanggap kong message. Papunta na ako kung nasaan sina Ken at Rovi. I will send you the location. Sa wakas, kahit papaano'y nakahinga ako nang maluwag. Muli akong napasilip sa phone nang muli itong mag-vibrate at nang tingnan ko ay ang location kung saan dinala ni Ken ang anak ko. Dinala ni Ken sa isang amusement park si Rovi at dahil sa dami ng tao, nahirapan kaming makita kaagad sila. Hawak-hawak ako sa kamay ni Romir habang patuloy naming hinahanap ang anak namin. Pero, sadyang hindi madali. "Vence!" Agad akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Anton. "Anton," sabi ko at agad ko siyang nilapitan, "...nakita mo ba ba sina Ken?" Umiling-iling siya habang hinihingal

