"Let me go, Ken," sabi ko kasabay ng pagkalas ko sa kanyang pagkakayakap pero sadyang mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin kaya nahihirapan akong tanggalin ang kanyang mga braso ko beywang ko. "One chance lang, please. Pangako, kapag nasira ko ang chance na 'yon, ako na mismo ang lalayo. Isang chance lang, Vence. Nakikiusap ako," pagsusumamo niya pero sadyang sarado na ang puso ko para sa kanya. Kung noon, gusto ko pa na siya ang makakasama ko habang buhay, kung dati siya ang pinapangarap kong lalaki para magiging kabiyak ng aking buhay, para magiging ama ng magiging anak ko. Iba na ngayon. Hindi na siya, hindi dahil nasaktan ako sa kanyang paglayo kundi dahil nakahanap ako ng isang lalaking mamahalin ako ng walang pag-aalinlangan. "Bitiwan mo ako!" galit ko nang sabi pero hindi pa rin

