"Mahal mo ba siya?" tanong ni Anton kay Lani. Naisipan ng dalawa ang dalawin ang kanilang inaanak. Si baby Rovi! "Hindi ko naman siya minahal nu'ng una, eh. Kaso, bigla siyang pumasok sa buhay ko, nangialam tapos hindi ko namalayan, unti-unti na niya pa lang nabihag ang puso ko," mangiyaka-ngiyak niyang sabi, "...ang masakit kasi du'n, ipinapakita at ipinaparamdam niyang may halaga ako pero ang totoo pala palabas lang pala ang lahat ng 'yon," dagdag pa niya. Naaawang nilapitan ko siya at pilit na pinapagaan ang kanyang kalooban, "He's totally a womanizer, a playboy. Ang ganyang tao kasi, hindi alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng salitang pag-ibig dahil ang mga katulad nila, laro lang ang alam, panandaliang sarap," sabi ko habang hinagud-hagod ko ang kanyang likod. "Sana hindi n

