"From the top!" sigaw ko habang tinuturuan ko sa pagsasayaw ang mga bata. "Good morning, Mr. Navidad," bati ng bata sa kararating lang na si Ken. "Good morning," sagot niya sa mga ito, "...good morning, Vence," baling niya sa akin. Simpleng tingan lang ang tanging sagot ko sa kanya saka muli kong ibinaling ang pansin ko sa mga bata. Habang nag-aayos siya ng kanyang sarili, kami namin ay abala sa pagsasanay at hindi nagtagal ay heto na siya at nagtuturo na rin. Hinati namin sa dalawang pangkat ang mga bata at siya ang nagtuturo nu'n. Habang abala ako sa pagtuturo ay abala rin siya. Napatingin ako sa kamay ng nag-abot sa akin ng isang bottle ng tubig habang nagpapahinga ako. Nang tingalain ko ito ay ang nakangiting mukha ni Ken ang siyang sumalubong sa akin. Para hindi niya iisiping apek

