Chapter 18 : Mikael's brother
"Who is she?" he asked me, curiosity is visible on his face. It seems he's interested na makilala ang babaeng kasama ko. Oh, kung babae nga ba talaga ang kasama ko.
Hindi naglaho ang kaba sa dibdib ko lalo na no'ng gumalaw si Mikael at pilit na bumababa. Ang likot niya.
"B-Baby..."
Nang tumapak sa malamig na sahig ang paa niya ay kaagad na niyakap ko siya ng patagilid at mariin na sinubsob ko ang mukha niya sa dibdib ko.
Umungol siya dahil sa ginawa ko. Mabuti na lamang ay natanggal ang pagkakatali ng wig niya kaya nagagawa nitong takpan ang mukha niya.
"Let g-go..." mahinang saad niya at walang lakas na tinulak ako.
"Morry Tsumaga, your girlfriend?" tanong ni Markus Brilliantes at pilit pa ring sinisilip nito ang mukha ng kasama ko.
F*ck! Malaking trouble ito, oh God! Sa dami-rami ng pagkakataon na mahuli pa ako na kasama ang kapatid niya na nag-disguise na babae ay bakit ngayon pa? Sh*t!
"I heard my brother's--" Tinakpan ko ang bibig ni Mikael at bahagya ko siyang inilayo.
"Sorry Mr. Markus, hindi ko nakita ang kapatid mo," buong tapang na sagot ko.
To be honest, grabe ang takot ko ngayon na baka makilala niya ang kapatid niya at alam ko na hindi lang ito simpleng gulo. Malaki.
Sensitive pa naman sa kanila ang babae sa pamilya at baka iisipin ng kapatid nito na bakla si Mikael. At baka tuluyan na nilang itatakwil si Mikael. Oh, God! I can't ruin his life!
Sh*t talaga, hindi ko naisip na puwede 'tong mangyari.
"She isn't your girlfriend," sabi nito sa seryosong boses.
"I know you!" Palihim na napamura ako nang kumalas sa pagkakayakap mula sa akin at tinuro pa nito ang kuya niya.
Lasing na talaga si Mikael! Ni hindi na niya nakikilala ang kapatid niya. Dahil sa pagkagulat ko ay hindi ko na nagawang saluhin si Mikael. Muntik na siyang mawalan ng balanse, 'buti at mabilis na naalalayan siya ni Markus.
Yumakap ito sa baiwang niya at salubong ang kilay.
"You are M-Markus Brilliantes, right?" Sh*t, baby!
"Come here, baby! You are drunk, hindi mo na alam ang ginagawa mo," sabi ko at hinila ko na siya sa braso niya.
"Baby no..."
"Shut up..." mahinang sabi nito at napangiti ako sa reaction niya.
He's so d*mn cute. Mariin na pinisil ko ang kaliwang pisngi niya. "Stop it," bulong ko sa tainga niya at narinig ko pa ang pag-ingos niya na parang bata. I chuckled.
"Are you cheating with your girlfriend, Mr. Del Labiba?" Bakit ba ang daming tanong ng lalaking ito? Tsk. Can he just leave?
"You know that my little brother likes your girlfriend," he added.
"F*ck, no!" bigla ay sabi ko.
Hindi ko nagustuhan ang ideya na gusto ni Mikael si Morry. Hindi sila bagay!
"Oh?"
"What are you doing here, by the way? At bakit mo hinahanap ang kapatid mo? Malalim na ang gabi," sabi ko.
Umayos siya sa pagkakatayo niya at muli na naman niyang tiningnan si Mikael. What's with that looks? At bakit ba niya tinitingnan si Mikael?
"What's her name?" sa halip na iyon ang itinanong niya sa akin.
"Why?" balik na tanong ko sa kanya.
"I just want to know. Can I get her name?" sabi niya at parang desperado talaga siya na malaman ang pangalan ng kasama ko.
"She's Anne," sagot ko sa pangalan ng girlfriend ni Mikael.
"Anne? Just Anne? Napaka-simple naman," aniya at bahagyang umismid.
"Anne Junelyn, that's her name."
"Anne Junelyn Cascabel Hermosa?" Matagal 'ata nag-sink in sa akin ang pangalan na binigkas niya.
What if na kilala pala niya ang girlfriend ni Mikael? At...
"She's the girlfriend of my late little brother, Miko. I still remember his last words," sabi pa niya at napatingala sa kisame ng condominium.
"W-what?"
"Na I need to protect her girlfriend?"
Akala ko ba girlfriend iyon ni Mikael? Bakit naging kay Miko na? Don't tell me magkaribal ang dalawa? At itong si Mikael talaga ang may gusto sa Anne na iyon?
"Ah...gusto mo bang p-pumasok sa unit ko?" pag-iimbita ko sa kanya. Iniba ko na ang usapan namin kasi hindi ko na gusto ang topic na iyon. Naiinis lang ako. Lalo na kung binabanggit ko ang pangalan ng babaeng 'yon.
Sana lang ay tanggihan niya ang alok ko. Please, reject it! Puwede ka nang umalis. Puwede k--
"Sure."
"F*ck!" mura ko bigla kaya napatingin siya sa akin ng seryoso.
"What's wrong?"
"Ah, my baby... Don't bite me, baby," sabi ko.
"But on the second thought, I have to go. Hahanapin ako ng parents ko. Please inform me kung masasalubong mo ang kapatid ko. He needs to go home," sabi nito and for the last time ay sinilip na naman niya ang mukha ng kapatid niya.
"What's with the looks?" seryosong tanong ko. Nakakapang-init ng ulo ang ginagawa niya.
"She's beautiful, take care of her," his last words bago siya tuluyang umalis at nagmamadali ko nang pinapasok si Mikael sa loob ng unit ko.
MAINGAT na inihiga ko siya sa kama ko at mahimbing na nga talaga ang tulog nito. Inayos ko ang kumot sa katawan niya.
I sat on the side of my bed and slowly caressed his cheeks. "You have this power to felt this forbidden feelings of mine for you, baby. What did you do? B-Bakit ganito na lamang ako ma-attached sa 'yo? Para kang lalaking mangkukulam. Magandang mangkukulam," mahinang bulong ko at hinawi ko ang hibla ng suot niyang wig na nakatabi sa mukha niya.
"If you were a girl. I'm sure na kaya kong iwan sa ere ang girlfriend ko just to be with you, Mikael. Ito ang unang beses na maramdaman ko...ang kakaibang pakiramdam at emosyon. Sa katulad mo na lalaki pa? Until now, I am still doubting about my real gender--I mean, male nga but... Am I really a gay?"
Kasi parang ganoon na nga. Nababakla ako sa tuwing nakikita ka. Ironic right? Attractive ako sa kapwa ko lalaki? But you can't blame me too. Hindi lang naman ako ang nakakapansin sa kanya. Alam ko na may mga lalaki na handang maging bakla para lang kay Mikael. Just his looks. His beautiful face can bewitched a man.
Tinapik-tapik ko ang malambot at makinis niyang pisngi. Kumunot ang noo niya at nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"Crimson..."
Mas lumapad ang ngiti ko ng marinig ko ang pangalan ko na binigkas niya.
"Ah... My baby, are you dreaming of me, Mikael?" I whispered and leaned my face to near him.
He's so d*mn beautiful na muntik na akong mawalan ng kontrol kanina. Well, when it comes to him.
I planted a kiss on his forehead. "Good night, baby..."
MIKAEL S. BRILLIANTES' POV
Nagising ako kinabukasan na nasa loob ng hindi familiar na kuwarto. Blue. That was the color of wall.
Napatingin ako sa bintana na natatakpan nito ng blue curtain at bahagyang nakabukas din kung kaya't tumatama rin sa akin ang sinag ng araw.
Where am I? I roamed my eyes around. Nasa silid ako ng isang lalaki base lang sa mga gamit sa loob at halatang expensive.
Naramdaman ko naman ang pagkirot sa sentido ko habang pinipilit ko namang bumangon.
My God! Where am I? At bakit ang sakit ng ulo ko? Wait... I was drunk last night... And I'm with...
Napaawang ang labi ko nang makita ko ang lalaking mahimbing ang tulog sa right side ko.
"Crimson..." I'm with this man last night. M-May ginawa kaya ako? Kasi...hindi ko maalala ang ginawa ko kagabi, kung mayroon man. Ang naaalala ko lang ay binigyan ako ng drinks ng tita ni Crimson but I didn't expected na malalasing ako that easily. Maybe hindi ako sanay na uminum ng hard drink.
Urgh! Wake up!
I can't move. Hindi ko kayang igalaw ang mga kamay ko. Parang nakatali ako sa kumot at hanggang leeg ko pa ito.
Napadapa ako at gumalaw naman siya. Ang lapit ng mukha niya sa akin at nakadantay na sa likod ko ang kaliwang paa niya at nakayakap pa sa akin.
Oh, sh*t!
Tila may nagkakarerahan na namang kabayo sa dibdib ko. Ang makita lang ang mukha niya malapit sa akin ay grabeng reaction na 'yon sa puso ko.
"Wake up...Crimson..." mahinang bulong ko sa kanya but no respond.
Naiinitan na rin ako sa makapal na kumot na nakabalot sa katawan ko. Tinali ba niya ito mula sa likod ko at sobrang higpit pa?
"Wake up!" sabi ko na pabulong pa rin.
"Kalagin mo ako, Crim. Get up from your bed!"
Tulog mantika. Napasimangot ako at sumuko na lamang. Hinintay ko na magigising na siya. Pokerface pa rin ako habang tinititigan siya.
Tumagal 'ata ng ilang minuto at narinig namin ang pag-bell ng unit niya.
Sino naman kaya ang bisita niya? Urgh!
Paulit-ulit na nag-bell sa pintuan niya pero hindi pa rin nagigising ang isang ito!
"Gumising ka na nga!"