Chapter 21: Jealous over Morry KATULAD ng unang beses akong dinala ni Crimson sa mansion nila, kahit hindi pa man ako nakikilala ng parents niya ay ngayon parang parte na ako ng pamilya nila. Mainit na tinanggap nila ako. Inasikaso ako ng maayos ni...okay, Mommy C. Croi Laksamana-Del Labiba ang full name niya and former actress. Na minsan ko na rin siyang nakita sa TV noon. "Oh hi, Mikael, nandito ka pala. Kasama mo ba si Crim?" tanong sa akin ni tito D, pagkapasok niya sa living area at may dalang tray na naglalaman ng cookies and drinks. "Hindi po, tito. One month na po kaming hindi nagkikita," sabi ko. Sinabi ko 'yon sa paraan na hindi malungkot. Kahit na sa loob-loob ko ay talagang nalulungkot ako, sapagkat pagkatapos nang eksena na nadatnan ni Morry Tsumaga sa unit ni Crim ay hi

