CHAPTER 12

1935 Words
Chapter 12: Crushes CRIMSON DEL LABIBA's POV Maganda ang gising ko kinabukasan at ang gaan-gaan sa pakiramdam. Lalo pa nang makita ko ang katabi kong lalaking natutulog. Waking up this morning, seeing his beautiful face made me happy. Napangiti ako. Pinagmamasdan ko lang ang maamo niyang mukha. Iisang unan lang ang gamit namin at kumot. Malapit ang mukha namin sa isa't-isa. Bakit kaya hindi man lang ako nandidiri sa malaman na nag-share kami ng kama at magkatabing natulog kagabi? That because he's a boy? Na wala namang ibang kahulugan 'yon at wala namang masama kung magtatabi kami sa kama matulog? I remember last night, he took care of me when I'm sick at alam kong nakukulitan na siya sa akin kagabi. Pero dahil nag-aalala siya sa akin ay inalagaan pa rin niya ako. Gamit ang hinlalaki kong daliri ay marahan kong hinaplos ang pisngi niya. Napaka-kinis no'n. 'Yong mukha niya ay masyadong maliit. Tapos ang ilong niya, ang labi niya. Bumaba ang mata ko sa leeg niya. Kung hindi lang talaga maikli ang buhok niya at nakasuot ng panlalaking damit at talagang pagkakamalan siyang babae. Maingat na bumangon ako pero pinagsisihan ko 'yon dahil nagising siya kaagad. Tinulak ko siya sa braso niya niya para makahiga ulit siya, mukha pa siyang inaantok pero bumangon din naman. "Bakit ba?" maliit ang boses na tanong niya. Pero nagsusungit ang tono niya. "Matulog ka pa," saad ko. Ikinangiti ko na naman ang pagkusot-kusot niya sa mata niya. He's cute. "Umaga na at may trabaho pa ako. Ikaw rin," sabi niya at nauna nang tumayo. Hay, Mikael, ang aga-aga napaka-sungit mo pa rin. Two weeks later... MIKAEL S. BRILLIANTES' POV Two weeks had past and somehow, matino na ang pagtatrabaho ko. Dahil walang CEO na nangungulit sa akin. Ipinagpasalamat ko 'yon. Kasama ko ang team nina Architect Drimson. Nasa isang malaking tent kami. Kasalukuyang nagdi-discuss tungkol sa project namin. Anim lang kami rito. Tatlo ang engineer at tatlo rin ang architect. Sinisimulan na rin ang construction, kompleto na nga ang materials at pati ang mga tauhan namin. 12 PM na, medyo mainit pa ang sikat ng araw. Kaya halos pareho kaming naliligo sa sarili naming pawis. Hindi nakatulong sa amin ang pagpaypay ng ginupit na karton sa mainit na panahon. Napatingin naman ako sa lalaking tumatakbo patungo sa direction namin at bumulong kay Engineer Drimson, tumango lang ang kakambal ni Crimson bago umalis ang lalaki. "Okay, that's all for today," anunsuyo niya sa amin at may tatlong babae naman ang lumapit sa amin. Sila ang mga staff ng Amor restaurant, kasama nila ang manager nila. Personal na sila ang nagdadala ng foods sa amin at napagkasunduan naman nila 'yon. May contract din kung kailan nila kami susupply-an ng pagkain. Kaya natural na special ang trato ng mga taga Amor sa amin. Kumunot ang noo ko nang sulyapan ako ng manager nila at maarteng hinawi pa nito ang buhok niya. Salubong din ang kilay ni Drimson nang tiningnan ako saka kinuha mula sa table ang cellphone niya at kung may anong tinype ro'n. I shrugged my shoulder. Ang weird nila. "Wala pa ring pinagbago ang kagandahang lalaki mo, Engineer Mikael," malambing na komento ng manager sa akin at kinilabutan ako sa paraan ng pagtitig niya, kaya umiwas na lamang ako nang tingin sa kanya. "Pansinin mo naman po ako, Engineer," dinig kong wika niya at umupo sa tabi ko. Hindi ko naman magawang umusog sa right side ko kahit gusto ko man, dahil ang kasamang engineer ko naman ang katabi ko roon, si Engineer Vargaz. Sa loob ng dalawang linggo ay ganito palagi ang eksena namin araw-araw. Kaya hindi ko na lamang pinapansin kahit naiilang na ako masyado dahil sa binibigay nilang atensyon sa akin. Hindi lang maging sa mga lalaki at pati babae rin. Hindi umaalis ang staff ng resto hangga't hindi kami matatapos sa pagkain. "Good afternoon!" bati sa amin ni... Crimson. Bakit nandito ito? Napatingin ako sa kasama niya. Nakahawak ito sa kaliwang braso niya at pinapayungan niya ito. Parang kumirot ang puso ko sa nakikita ko ngayon. "Oh, sir Crimson! Join us, sir," pag-aaya sa kanya ng kasama naming engineer. Na si Engineer Bustamante. Mahaba ang table at may ten chairs din ito. Umupo sa katapat kong upuan si Crimson. Inalalayan pa niyang makaupo ang girlfriend niyang si Morry Tsumaga. Formal na formal ang outfit ng babae pero tinanggal ang white coat niya dahil sa init ng panahon kaya naka-black sleeveless na lamang siya ngayon. Mas nadepina ang maputi niyang balat dahil sa color black na suot niya. Sikat siya at malamang ay kilala siya ng karamihan kaya napapatingin ito sa kanya. Mataas ang pagkakatali ng buhok niya at makikita pa ang butil-butil na pawis niya sa noo at leeg. "Ang init pala sa site niyo, babe," dinig kong saad niya at itinapat ni Crimson ang malaking electric fan sa girlfriend niya. Nagawa niya ring punasan ang pawis ng babae sa noo at pababa sa leeg. Bigla akong nanliit sa sarili. Sana all, nakakapagsuot ng ganyang ka-sexy na pananamit. Sana all may nag-aalaga sa kanya at sana all malaya siya sa buhay niya. Maganda siya kaya hindi na ako magtataka na nagkagusto sa kanya ang lalaki. Pero ako kaya? Kailan lalaya? "Nakauwi na pala kayo ni Morry from New York, kuya?" biglang tanong ng kakambal niya pero sa akin naman nakatingin. I raised my eyebrow at him. Ang kakambal niya ang tinatanong niya pero sa akin naman nakatuon ang atensyon. "One week din 'yon, ang suwerte ng boyfriend mo Ms. Morry at sinamahan ka pa sa shoot mo," komento ng babaeng kasama ko kaya nakuha niya ang atensyon ng dalawa. Pero ni hindi man lang ako sinulyapan ng isa. Tsk. As if I care. Napabuntong-hininga na lamang ako. Bakit ayokong makita ang makulit na CEO namin na kasama ang girlfriend niya? Parang may gumuguhit na selos sa dibdib ko. Na hindi ko dapat maramdaman. "Yeah, dear. Kaya mahal na mahal ko 'to, eh," sabi pa niya at may matamis na ngiti ang nakapaskil sa labi niya at humilig pa sa balikat ng boyfriend niya. Hinaplos naman ni Crimson ang buhok niya. Nakita ko pa ang pagpula ng pisngi ng babae. "Let's eat na lang, saka magiging ganyan din ang future boyfriend ko," sabi naman ng manager ng Amore resto at hindi ko na lang binigyang pansin. Hindi ako assuming or what, pero alam ko na ako ang tinutukoy niyang boyfriend. "Hmm, mukha namang gentleman si Engineer Mikael. Baka higit pa sa akin ang kaya niyang gawin," I heard Crimson's saying those words. Napahinto ako at napaangat nang tingin. Nagsalubong ang mga mata namin. Sumikip ang dibdib ko nang wala akong mabasa na kung anong emosyon sa mata niya. Tila hindi niya ako kilala. For the very first time ay naging cold siya sa akin. Dalawang linggo pa lang ang nakalipas at ang huli naming pagkikita ay malaki kaagad ang ipinagbago niya. Tahimik lang ang iba naming kasama na tila nakikinig din sa amin. Ayoko sa atmosphere na ito. Tumayo ako. "I'm not hungry, I'll eat later. I want to finish my task first," I said in a cold tone saka ako tumalikod na bitbit ang hardhat ko. Sumunod sa akin ang manager at lumingkis kaagad ang kamay niya sa braso ko. I just ignore it. Matangkad ako compare sa height ng babae. Kahit medyo naiilang ako sa kanya ay nagtsaga na lamang akong pakisamahan siya. I don't want to be rude. "Myra, Myra ang pangalan ko, Engineer Mikael," nakangiting sabi niya at pinaupo ako sa isang bench at kaagad na tumabi sa akin. Inilapag ko sa kabilang side ko ang hardhat. "Dito na lamang tayo, masarap ang simoy ng hangin dito. Hay, heaven..." mahinang anas niya. "I still have works to do, Ms. Myra," malalim ang boses na saad ko sa kanya. "Magaan ang loob ko sa 'yo, Engineer Mikael. Kahit na hindi mo ako pinapansin at sinusungitan. Pero crush kita, eh," straight forward na sabi niya at nawindang ako roon. Maganda siya, oo. Kaya niyang makipaglaban kay Morry Tsumaga sa beauty pageant. Medyo madaldal siya at maingay talaga. Pero ang magkagusto sa akin? Surely, pagtatawanan ko lamang siya. "I-I have a girlfriend already," bigla, nasabi ko. Umiling siya sa akin at mas lumapit nang husto. "Someday, ipagkakasundo rin tayo ng parents natin, babe. I'm your wife to be!" masayang sabi niya. Having a wife na same gender ko pa? Nah, I don't think kaya kong mabuhay. O kaya matatawa na lamang ako sa ideyang iyon. "A-Ako na. I can handle myself, alone," nauutal kong wika sa kanya at inaagaw ang kubyertos ko. Ngunit hindi naman niya ito binitawan. Pinipilit kasi ako ni Myra na subuan at iyon ang ayoko. Napakakulit din niya kahit medyo naiirita na ako sa kanya. "Let me, my future boyfriend," malapad ang ngiting saad niya. Inuumang ulit sa akin ang spoon kaya wala akong nagawa kundi ang kainin 'yon. Napapalakpak siya dahil sa labis na kasiyahan. Nagsisi tuloy ako. Ayoko ng atensyon. "Baldado ba ang kamay ni Engineer Mikael at sinusubuan mo siya Ms. Brand?" Hindi ko kaagad nalunok ang kinakain ko nang sumingit sa usapan namin si Crimson kaya nabulunan tuloy ako. Sarcastic ang pagkakasabi niya. Napahaplos ako sa dibdib ko dahil hindi na ako makahinga nang maayos. Halos maiyak na ako dahil na-stuck na sa lalamunan ko ang kanin. Sunud-sunod ang pag-ubo ko. "Hala, tubig!" sigaw ni Myra at natatarantang tumayo siya at patakbong lumapit sa tent para siguro kumuha ng tubig. Mamamatay pa ako bago siya makabalik. Doon na lumapit sa akin si Crimson at mula sa likuran niya ay may kinuha siyang bottled water. Siya na ang nagbukas no'n at inalalayan pa niya akong uminum. Hinahagod-hagod pa niya ang likod ko. Muntik ko ng maubos ang tubig at nahimasmasan naman ako pagkatapos. "Nagawa mo pang magpasabo sa babaeng iyon, eh hindi ka naman inalagaan nang maayos!" pangangaral niya sa akin pero sa mahinang boses lang iyon. Napaatras ang mukha ko nang punasan niya ang labi ko gamit ang puting panyo niya. "Kung hindi ko lang kilala si Ms. Brand ay baka iisipin ko na siya ang girlfriend mong si Anne Junelyn," saad pa niya at iritado ang boses. Nagsalubong ang kilay ko. "What's your problem?" tanong ko at inubos ko na lamang ang pagkain ko. Bumalik si Myra at nang makitang okay na ako ay nakahinga siya nang maluwag. "CEO, puwede ka ng umalis. I can take care of my future boyfriend," aniya sa lalaki. "Future boyfriend? Muntik na nga siyang mamatay because of you. Pakakainin mo siya at walang tubig man lang? Are you insane? Paano kung tuluya---" daldal nang daldal lang sila kaya iniwan ko na sila ro'n. "Engineer Mikael," tawag sa akin ng mga tauhan nina Crimson nang makita akong naglalakad palapit sa kanila. "Tapos na po ba kayong kumain, engineer? Sabay na po kayo sa amin!" masiglang saad nila at hindi na ako nakapag-protesta nang hilahin na nila ako sa braso at pinaupo. Binigyan nila ako ng pagkain. Hindi ko naubos 'yong binigay sa akin ni Myra dahil naiingayan ako sa dalawang iyon. Siguro kakain na lamang ako rito. "Salamat po," pagpapasalamat ko sa kanila. Matanda at may mas bata ang edad kaysa sa akin ang construction worker. "Single ka pa po ba engineer? May anak po ako na kasing edad niyo lang!" sabi ng isa sa akin. Galak na galak ang boses. "Huh?" tanong ko at natulala. "Taken na po siya at bawal po kayong lahat magka-crush sa engineer natin. Sapat na po ang isa," biglang singit na naman ng makulit na nilalang at hinila na ako sa braso. Nagpatianod naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD