Agad na umuwi ang ama ng malaman ang nangyari. Galit na galit eto ng makita ang paga nyang pisngi at putok na labi. Galit man eto sa nagawa nya, mas galit eto dahil sa p*******t ng lola nya. Nagmura sa galit ang ama.
“Anong karapatan ng nanay mo na saktan ang anak ko!” dumadagundong ang boses ng ama na ikinatakot ng ina nya. Sa buong buhay niya ay hindi pa nya nakitang nagalit ng ganto ang ama. Bagamat istrikto eto dahil sa pagiging sundalo, hindi sila neto pinagbuhatan ng kamay.
“Papa.. papa.. wag ka na magalit kay mama. Saka papa ayos lang po. Nagalit lang si lola kasi.. kasi mali din naman talaga ako. Sorry papa.. sorry..” umiiyak syang yumakap dito. Niyakap din sya neto ng mahigpit.
Kinabukasan ay isinama na sila ng ama pabalik sa Manila at iniuwi sila ng mama nya sa bahay ng mga magulang neto. Dun daw muna sya titira at mahigpit netong ibinilin sa kanya na wag na wag na syang lalapit kay Luke. Ikinuha pa sya ng bodyguards para masigurong hindi sya tatakas. Kalimutan na daw nya si Luke dahil hindi sya mahal neto. Nagbalak pa nga etong ipadala sya sa Amerika pero nakiusap sya sa ama na wag. Sumunod sya sa ama pero ang totoo ay naghihintay lang siya ng ilang linggo para malaman kung nabuntis sya ni Luke at yun ang balak nyang gamiting bala para tuluyan etong makuha. Nabalitaan nilang nagkaayos si Luke at Celine. At tila napanatag ang mga eto dahil hindi sya umuwi ng Laguna at nagparamdam. Makalipas ang tatlong linggo, nalaman na nyang buntis sya. Nang makumpirmang buntis sya ay agad sinabi eto sa kaibigan.
“Anong plano mo Jan?” nag aalalang tanong ni Chloe.
“Hahanap ng magaling na gagawa ng wedding gown ko!” masayang sagot nya dito.
“What? Janine Bautista nasisiraan ka na ba talaga!” galit na sabi neto.
“Best.. hindi pwedeng maging bastardo ang ama ko. Papakasalan ako ni Luke.. by hook or by crook!” matibay na sagot nya dito. napailing eto sa kanya.
Nang sumunod na araw ay pinuntahan nya sa opisina niya si Luke kasama si Chloe. Para hindi makahalata ang mga bodyguards nya ay nag skip sila ng klase. Nagbihis sya para hindi sya mapansin ng mga eto. Sa labas lang naman ng school nakatambay ang mga eto at dahil good girl sya sa mga nag daang linggo, ay nagpaka kampante ang mga eto.
Makalipas ang halos isang oras na paghihintay ay nakita nya si Luke na naglalakad papunta sa nakapark netong kotse. Nakangiti pa sya at masaya etong nilapitan.
“Luke!” tawag nya dito at tila nakakita eto ng demonyo ng makita sya. Takot, gulat at pagkasuklam ang halo halong emosyon na nakita nya sa mukha neto. Masakit pero tinatagan nya ang sarili. Huminto si Luke at humakbang paatras palayo sa kanya.
“Anong ginagawa mo dito Janine? Manggugulo ka? Umalis ka na!” galit na galit na sabi neto.
“Luke saglit mag usap tayo. Me kelangan ka malaman!” habol nya dito.
“Janine stop following me! Wala tayong pag uusapan!”
“Meron Luke! I’m pregnant!” malakas nyang sabi dito na ikinalingon pa ng iba nilang nakakasalubong. Kitang kita nya ang panlalake ng mata neto at pagkatapos ay gumuhit ang galit sa mata neto.
“Damn you Janine! I hate you! Do you think you can force me to marry you just because you’re pregnant? No. Never! I can never marry a nasty woman like you!” tila diring diri eto sa kanya at wasak na wasak ang puso ni Janine. Sa kabila nun, nananatili syang matatag. Kung ang kapalit naman ng lahat ng sakit ay si Luke, ayos lang, magtitiis sya. Pero bago sya nakapagsalita ulit ay sumabat na si Chloe.
“Uy kapal mo din Luke no! Sinasabi lang ni Janine sayo na buntis sya! Feeling mo naman! Let’s go Jan.” hila sa kanya ni Chloe. Pero hindi sya nagpahila kay Chloe.
“I love you Luke. Magkakababy na tayo.” Mabilis nyang inilabas sa bag ang ultrasound report nya at iniabot dito pero tiningnan lang neto iyon at hindi inabot.
“You’re crazy! Do you think I can love you? Never Janine! You know what? Ang layo mo kay Celine. No wonder, hindi ka na nga maganda, masama pa ugali mo, kaya siguro wala nagkakagusto sayo! And I will never like you Janine. I will support that child. If it’s really mine. Baka nga hindi pa akin yan Janine. Pero marrying you? In your dreams Janine!” pang iinsulto neto sa kanya. Ramdam ni Janine tila hiniwa hiwa ng libong beses ang puso nya.
“It’s yours Luke. I-ikaw lang naman nakagalaw sakin. Alam mo yan!” sa puntong eto ay gumaralgal na ang boses ni Janine. Tinablan sya ng mga masasakit na salita neto. Never in her life na maimagine na makakatanggap sya ng gantong pang iinsulto at mula pa sa lalakeng pinakamamahal. Tao pa rin sya.
“Leave Janine!” un lang ang sagot neto. Muli syang hinila ni Chloe na galit na galit na. Binigyan pa neto ng middle finger si Luke. Humahagulgol syang sumunod sa kaibigan.
Walang sinayang na sandali ang ama nya ng malamang buntis sya. Agad netong pinuntahan si Luke at pamilya neto at nagdemand na panagutan sya. Bagay na mariing tinanggihan ni Luke. Muli, sa ikalawang pagkakataon ay nagharap harap na naman sila sa bahay ng lola nya.
“Mahusay ka Janine. Talagang siniguro mong mabubuntis ka ni Luke para makuha mo sya ano?” deretsong sabi ng lola nya. Nakayuko lang sya at hindi umiimik.
“Janine hindi ka mahal ni Luke. Ako ang mahal nya. HAnda syang suportahan ang anak nya pero wag mo nang piloting pakasalan ka!” galit na sabi ni Celine.
“Celine anak. Ipaubaya mo na si Luke kay Janine.” Malumanay na sagot ng tito Anselmo nya, ang tatay ni Celine.
“Tay.. kami ni Luke ang nagmamahalan. Ginulo lang kami ni Janine bakit kami ang kelangang magdusa?” Umiiyak na sagot ni Celine.
“Lalake lang yan Celine anak. Napakaganda mo, hindi tulad ng iba dyan na tila mauubusan ng lalake. Marami pa darating sayo anak na mas higit pa kay Luke.” Parunggit ng tita Virgie nya.
“Wala kayong karapatang insultuhin ang anak ko sa harap ko! Wag nyong kakalimutan ang mga nagawa ko sa inyo!” matapang na sagot ng ama na agad ikinatahimik ng magulang ni Celine.
“Ipaubaya mo na si Luke kay Janine, Celine. Apo.. tama ang mama mo, marami ka pang makikilalang iba.” Sagot naman ng lola nila.
“Lola..” umiiyak na sagot ni Celine.
Inakala ni Janine na ayos na ang lahat pero after three days ay nagtankang magtanan si Luke at Celine. Nakita lang eto ng tita Ana nya, isa pang kapatid ng ina kaya napigilan ang tankang pag alis ng mga eto. Dahil sa nangyari ay muli na namang nagharap harap sila at this time, kasama na ang pamilya ni Luke.
“Hindi ko kayang pakasalan si Janine..hindi ko sya mahal.” Deretsong sabi ni Luke ng magkaharap harap sila ulit. Magkatabi eto at si Celine na nagmamatigas din na hindi neto igigive up ang kasintahan.
“Hindi na kita gusto para sa apo ko Luke. Dahil sayo, nalagay sa kahihiyan ang buong pamilya namin. Kaya hindi na kita matatanggap. Wala akong pakialam kung maikasal ka kay Janine, dahil kinalimutan ko ng apo ko sya.” madiin na sabi ng lola nya. Napasinghap ang ina sa narinig. Tahimik lang na umiyak si Janine sa narinig. Kaya ko pa. Bulong nya sa sa sarili.
“Nay.. masyado naman kayong malupet kay Janine..” umiiyak na sagot ng ina pero inirapan lang eto ng lola nya.
“Bweno.. kung ayaw mong pakasalan ang anak ko Luke.. wala na tayong pag uusapan. Janine, wag na wag mo ng pipilitin ang lalakeng to.” Sagot ng kanyang ama. Agad umiling si Janine.
“Papa! Paano ang baby ko!”
“Kaya kong buhayin ang anak mo Janine.” Matigas na sagot ng ama pagkatapos tumingin eto okay Luke.”Wag na wag kang lalapit sa apo ko Luke. At wag na wag magkakamaling magkrus ang landas natin.. “. Alam nya ang ibig sabihin ng ama. Nakita ni Janine na nahintakutan ang mga magulang ni Luke na kanina pa hindi umiimik.
“Wag nyong pagbantaan si Luke! Hindi naman nya tatalikuran responsibilidad nya sa anak ni Janine.” Galit na sabat ni Celine. Alam ni Janine, wala etong planong isuko ang kasintahan ng ganun ganun na lamang.
“Hindi na kelangan Celine. Kung ayaw nya pakasalan ang anak ko, wala na din sya karapatan sa apo ko.” Sagot ng ama. “Tayo na.” baling sa kanila neto at kahit tumanggi sya ay hinila sya neto. huminto ang ama bago tuluyang lumabas ng pintuan ng bahay ng lola nya.
“Anselmo – kelangan ko sa isang linggo ang kabuuang bayad ng utang niyo. Kung hindi, magpirmahan na tayo para malipat sa pangalan ko ang lupa at bahay niyo. Siguro naman ay sapat na ang pitong taon na palugit na ibinigay ko sa inyo.” Yung lang at tumalikod na ang ama hila hila siya. Nakita nya pang tila nahintakutan ang magulang ni Celine ng maalalang me Malaki silang pagkakautang sa magulang nya. Umiiyak na sumunod ang ina.