CHAPTER 2

2565 Words
DANNELLE'S POV "I am very sorry, ma'am. It's the company's policy not to accept anything from anyone unless it's expected. I would suggest setting an appointment first before proceeding."  Nadismaya ako sa sinabi ng receptionist nang malaman kong mahigpit pala ang patakaran ng YGGC at hindi pala basta-basta ang pagpasok dito.  Napanguso ako habang pinagmamasdan ang dala kong bayong na naglalaman ng mga niluto kong pagkain. Naghanda ako ng simpleng tanghalian na siyang ibibigay ko sana kay Mr. Ylvania para makapagpasalamat man lang sana. Nitong mga sumunod na buwan kasi ay nagtaka ako nang mapansin ko ang biglaang pagtaas ng allowance na natatanggap ko. Akala ko pa noong una ay baka nagkamali lang ang ipinadala sa account ko ngunit nalaman kong tumaas daw 'yon dahil isa ako sa mga nakapasok sa dean's list. Kasunod din nito ay ang isa pang magandang balita mula naman sa amo ko kung saan ako naninilbihan bilang isang waitress sa pagmamay-ari niyang beerhouse, sinabihan niya kasi akong hindi ko na kailangan mag trabaho para makapag-aral daw ako lalo ng mabuti tutal ay sobra-sobra na raw ang pinapadala sa akin ng YGGC. At bago pa matapos ang huling araw ko sa club ay binigyan pa ako ng amo ko ng magaganda at bagong mga damit at iba pang mga kagamitan na maaari kong magamit sa pag-aaral at ipinahiram pa niya sa akin ang pag-aari niyang bakanteng apartment na malapit sa paaralan na pinapasukan ko para hindi na raw ako mahirapan pumasok. Dahil sa tuwa ko ay naghanda ako ng simpleng pasasalamat at naisipan kong dalhan din si Mr. Ylvania. "Ganoon po ba? Sige ho, naiintindihan ko po kayo. Pasensya na po sa abala. Salamat po." Ngumiti ako at nagpaalam. Hindi pa ako nakakahakbang nang biglang may lumapit sa amin na isang lalakeng may katandaan na. Nakasoot ito ng amerikana at kurbata. "Good morning! Is there any problem here?" tanong nito. "Good morning, Sir Thomas. This is Ms. Dannelle Gervacio, she came to bring something for Sir T.R.Y, but the system failed to show any records regarding her appointment with us," paliwanag ng receptionist sa lalake, na kung titignan ay may mataas itong katungkulan sa kumpanya. Nakangiting humarap ang lalake sa akin at binati ko siya, "Magandang umaga, Sir. Ako po si Dannelle Gervacio." "Please to meet you, Miss Gervacio." Napatingin ito sa bitbit kong bayong.  "Pasensya na po sa abala, hindi ko po kasi alam na mahigpit pala ang patakaran dito. Aalis na lang ho ako, pasensya po ulit." "It's okay. Ano ba ang mga dala mo?" tanong nito. "Mga niluto ko po, gusto ko po sanang ibigay kay Mr. Ylvania para po sana makapagpasalamat man lang sa scholarship na natangap ko. Naiintindihan ko po ang patakaran niyo kaya hindi ko na lang po ipipilit."  Ilang saglit bago siya muling nagsalita, "By the way, I am Thomas, the Executive Assistant of Mr. Travis Ruiz Ylvania, the sole owner of this company. I can bring you to him right now if you don't mind." "Talaga ho? Maraming salamat po." Laking tuwa ko nang malaman 'yon. Sumunod ako kay Mr. Thomas papunta sa elevator. "That elevator is exclusive only for Mr. Ylvania, walang sino man ang maaaring gumamit nito kundi siya lamang." Itinuro niya ang nag-iisang elevator sa dulo, ilang hakbang lang ng kaunti mula sa kinaroroonan ng elevator kung nasaan kami nag-aabang. "Talaga ho?" Namilog ang mga mata ko sa nalaman.  Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kaengrandeng lugar at kamangha-mangha ang lahat ng kakaiba at makabagong teknolohiya na nakikita ko. "Look who's here." Bigla ay may narinig kaming boses ng isang lalake mula sa likuran.  Sabay kaming napalingon at doon ay nakita ko ang isang matangkad at matikas na ginoo, at halos parehas lang din sila ni Mr. Thomas ng kasuotan, magkaiba lang ang kulay at disenyo ng kanilang kurbata. Kung hindi ako nagkakamali ay wala pa ito sa tatlumpung taong gulang.  "Hey, Tommy-no-me!" Magiliw na inakbayan nito si Mr. Thomas kaya siguradong mataas din ang rangko nito. Nalipat ang atensyon ng binata sa akin. "Hi," binati niya ako. "Magandang umaga ho, Sir," naiilang na binati ko ito. "By the way, this is Miss Dannelle Gervacio, one of our scholar students." "Oh!" Humugis bilog ang labi nito at saka nagtaas-baba ang kanyang ulo na tila ba nagtataka. "Miss Gervacio, this is Mr. Enzo Ruiz, the Vice President of our company, also the cousin of Mr. Ylvania." Binigyan ako ng binata ng hindi maipaliwanag na ngisi. "La novia del diablo," sambit pa nito. "Ano ho?" tanong ko. Hindi ko naintindihan ang mga sinabi nito. "Never mind," sagot niya. Habang naghihintay kami sa pagbukas ng elevator ay biglang tumunog ang cellphone ni Mr. Thomas. Hindi niya pinansin ang tawag pero sigurado akong importante 'yon. Bigla akong inakbayan ni Mr. Enzo. "Why don't you answer the phone. I can bring her to Travis." Nagboluntaryo ito. "Are you sure?"  "Of course, I can handle this," kampanteng tugon ni Mr. Enzo.  "Hurry, you may leave us now," dagdag pa nito. "I am very sorry, Miss Gervacio. Something urgent came up. Si Enzo na ang bahala sa 'yo." Nag madaling umalis si Mr. Thomas habang naiwan kaming nag-aabang sa pagbukas ng elevator.  "Alam mo ba? Napakasungit ng pinsan ko." Hinayaan ko na lamang itong mag patuloy sa pananalita pero sa totoo lang ay hindi ako komportable. Naiilang ako. Ilang saglit lang ay may napansin kong papalapit na lalake sa direksyon namin at napansin kong bahagyang nabigla ito nang mag tama ang mga mata namin, samantalang patuloy pa rin sa pagsasalita si Mr. Ruiz.  "Get off her!" Nabigla ako nang sumigaw ito, dahilan para mapukaw ang atensyon ng lahat ng tao sa paligid. Nabigla rin si Mr. Enzo at napalingon sa kinaroroonan ng boses. Mas matangkad ang lalake kumpara kay Mr. Enzo ngunit kung titignan ay halos magkasing edad lang sila. "Oh! What a perfect timing—"  Hindi pa natatapos ni Mr. Enzo ang pagsasalita nang biglang lumapit ang lalake sa amin at inagaw niya ako. Nabigla ako at dahil doon ay nawalan ako ng balanse dahilan para tumilapon ang dala kong bayong at bumuhos ang mga niluto ko sa mamahaling kasootan niya. Sandaling natahimik ang kapaligiran. "Nako po! Pasensya ho. Hindi ko po sinasadya." Puno ng pag-aalala ang boses ko. Mabilis na kumaripas ang mga tao sa paligid at halata ang pag-aalala nila. Itinaas ng lalake ang kanyang kanang kamay na para bang may ipinaparating sa lahat. "I am fine," tipid at kalmadong wika nito. "Sigurado ho kayo?" Nagpatuloy ako sa pagpunas sa soot nitong amerikana.  "What brings you here?" Sa tono pa lang ng boses niya ay mababakas mo na ang taglay nitong awtoridad at kapangyarihan.  Biglang natigilan ako nang tanungin niya ako na parabang matagal na kaming magkakilala. Umangat ang ulo ko sa mukha niya upang kilalanin siya ngunit biglang nanigas ang katawan ko nang magtama ang mga mata namin.  Saka ko lang napansin kung gaano siya kagwapo. Pulido ang pagkaka-ayos at gupit ng makapal nitong buhok, mayroon siyang matangos na ilong, makakapal na kilay, malalago at mahahabang pilik mata, ang mga nagkikislapan at bilugang mata nito ay medyo malalaki at kulay tsokolate, ang kulay Magnoliang labi naman nito ay katamtaman lamang ang kapal, kapansin-pansin din ang marka ng bagong ahit sa makapal na balbas nito na pumapalibot sa panga at ibabang pisngi niya. Sa kulay pa lang ng kutis at kabuohan ng pangangatawan niya ay hindi na maipagkakaila, kahit na sa unang tingin pa lang ay masasabi mo nang mayroon siyang lahing banyaga. Matikas ang tindig at postura nito at wala kang mababakas na kahit na anong kapintasan sa kaanyohan niya.  Napalunok ako nang maramdaman ko ang panunuyo sa lalamunan ko. Bigla kong binawi ang kamay ko nang matauhan ako dahil may kung anong dumaloy sa kamay ko na tila nakuryente ako nang mamalayan kong matagal na palang nakapatong ang kamay ko sa matigas niyang dibdib. "P-Paumanhin po. Ako nga pala si Dannelle Gervacio, isa po ako sa—" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang bigla ay muli niya akong hinigit papasok sa elevator at hindi ako nakapag salita sa bilis ng pangyayari.  Nakangising pinagmamasdan lang kami ni Mr. Enzo mula sa labas at hindi ito sumunod sa amin, pati ang iba pang mga empleyado ay hindi rin maipaliwanag ang mga itsura nila habang pinagmasdan nila kami hanggang sa magsara ang pinto. Naguguluhan ako. "Why are you with that asshole?" May halong iritasyon ang boses nito. "huh?" Hindi agad ako nakapagsalita, hanggang ngayon ay hindi ko pa maibalik sa normal ang diwa ko. "Sa totoo lang ho, hindi po talaga ako dapat nandito. Wala po talaga akong appointment na naka-schedule kay Mr. Ylvania. Gusto ko lang sana iparating ang mga hinanda ko para po sana magpasalamat sa kanya, kaso natapon po sa 'yo. Pasensya po talaga." Napanguso ako sa kahihiyan dahil sa nangyari kanina. Napalingon ako sa kanya ng mapansin kong wala itong imik. Bigla akong nakaramdam ng init sa pisngi nang mapansin kong nakangiti ito habang nakatitig siya sa akin. Agad naman itong umiwas ng tingin nang maramdaman niya ang pagkailang ko. "You don't have to worry, it's not your fault," Mahinahon na tugon nito.  Sandaling nabalot ng katahimikan ang loob ng elevator hanggang sa bumukas ang pinto sa ika-pitong na palapag. Biglang natahimik ang mga empleyadong kanina lang ay masayang nag-uusap at nagtatawanan. Namutla ang mga mukha nila na para bang nakakita sila ng halimaw. Mabilis silang nag-ayos ng sarili. "Good morning, Sir." Yumuko sila matapos nilang bumati ngunit wala ni isa sa kanila ang nag-atubiling pumasok hanggang sa muling nagsara ang pinto. "Maaari ko po bang malaman ang pangalan niyo, Sir?" Hindi nakasagot ang lalake. "Pasensya ho, gusto ko lang malaman dahil gusto kong makabawi sa 'yo sa susunod na magkita tayo. Kung papayag ho kayo, lalabhan ko ho 'yang damit niyo." Ilang sandali bago siya nakasagot, "I-I'm Tr-Tristan, I'm the Secretary of the Thom- Sir Thomas, the Executive Assistant of Mr. Ylvania. I was ordered to assist you in going to Mr. Ylvania's office but unfortunately, something urgent came up. He can't come to the office right now. So, I was told to at least welcome you on his behalf. It was also my task to drive you back home." Bumukas ang pinto ng elevator at sinalubong kami ng mga empleyado na abala sa pag t-trabaho. Katulad ng iba ay nabigla rin sila nang makita ang itsura ni Mr. Tristan. Agad silang nagsitayuan at magalang na binati ito. Nakakapag taka dahil sobrang taas ng respeto ng lahat sakanya na para bang siya ang mismong nagmamay-ari ng kumpanyang ito.  "Please, come in." Pinagbuksan niya ako ng pinto. Namilog ang mga mata at bibig ko sa sobrang pagkamangha. Napakaluwag at napakaganda ng opisinang ito. Nang makapasok kami ay agad niya akong pinaupo. Nagdalawang isip pa ako bago umupo dahil sigurado akong mamahalin ang magarang sofa na ito, at wala akong maipangbabayad kung sakali man na madumihan o magasgasan ko ito. "Cristel, bring some nice dresses from the fashion department, make sure it is from the latest collections." Narinig ko ang maotoridad na utos ni Mr. Tristan sa intercom.  "I'll just clean myself. Please, wait for a moment." Nagpaalam ito sa akin at pumasok sa banyo ng opisinang ito. Napuno ng pagtataka ang isip ko. Bakit pakiramdam ko si Mr. Ylvania ang lalakeng kausap ko? Pero kung siya nga, bakit hindi niya ginamit ang sarili niyang elevator na itinuro ni Mr. Thomas kanina? Nagkibit balikan na lamang ako. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang ilang mga naka-unipormeng emplayado dala ang isang mahabang sampayan na may gulong sa ibaba kung saan ay nakasabit ang nagagandahang mga kasootan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.  Pumili ang isa sa kanila at saka isinukat sa akin. "This is perfect!" saad nito.  "You may now change your outfit, Ma'am," sabi ng isa sa kanila at iniabot niya ang napili nilang kasootan. "Nako ho, maraming salamat na lang, pero maayos pa naman ang soot ko," nahihiyang paliwanag ko. "Look at yourself in the mirror, Ma'am, you got some stains." Humarap ako sa salamin at napansin kong nadumihan din pala ang kasootan ko.  "By the way, I'm Cristel. Please, get yourself changed first, and I'll just get you something to drink, do you have any specific wish with your drink?" "Kayo na po ang bahala, salamat po." Ngumiti ako bago tinanggap ang damit at nagtungo sa silid na itinuro nila. Paglabas ako ng silid ay hindi ko namalayan na parating pala si Mr. Tristan. Nagbangaan kami dahilan para mawalan kami ng balanse hanggang sa bumagsak ang katawan ko sa hubad niyang katawan at nagtama ang mga labi namin. Iminulat ko ang aking mga mata at doon ay napagtanto kong ibinalik ako ng magandang panaginip na 'yon sa kung kailan kami unang nagkakilala ni Travis. Napangiti ako ng mapait sa ala-alang 'yon. Hindi ko pa alam noon, na sa mga oras palang iyon, na ang lalakeng nakilala ko bilang si Mr. Tristan ay si Travis na pala. Lumabas ako sa silid ni aling Tessa, ang head maid ni Travis. Nagtungo ako kusina upang hanapin si aling Tessa dahil uhaw at gutom na ako. Si aling Tessa ang madalas na nagpapakain sa akin.  Matapos ang araw ng kahayupan na 'yon ni Travis sa akin sa inuupahan kong bahay ay puwersahan niya akong inuwi dito sa mansion niya. Nakarating ako sa kusina ngunit nadatnan kong wala ang mga tao at tahimik ang buong kapaligiran. Gustohin ko man kumuha na lang ng pagkain ngunit hindi ako magnanakaw, kailangan ko munang humingi ng pahintulot. Lumabas ako at nagtungo sa swimming pool upang hanapin sila roon. "Aling Tessa?" Namamaos ang boses ko. Maingat akong humakbang dahil natatakot akong baka mabulabog ko ang diablo. Mahal ko si Travis pero kinamumuhian ko ang kung sino mang diablo ang sumasapi sa kanya. Niloloko ko at kinukumbinsi ko na lang ang sarili na hindi si Travis ang lalakeng lumalapastangan sa akin. Sa awa ng Diyos ay isang linggo nang hindi ko nakikita si Travis. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kung saan at lumingon ako sa kinaroroonan. "Aling Tes—" Napawi ang ngiti ko at napalitan 'yon ng takot at kaba nang makita ko si Travis.  Agad kong niyakap ang sarili nang papalapit na ito sa kinaroroonan ko. "Travis, maawa ka. 'wag mo akong sasaktan," nanginginig ang boses ko habang nagmamakaawa. Kinakabahan ako. "Where are the f*****g documents? 'di ba't sabi ko? 'wag na 'wag kang makikialam sa mga gamit ko!" Marahas na hinablot ng diablo ang braso ko. Pakiramdam ko mababali na ito ano mang oras. "H-hindi ko alam," sagot ko ng buong pangamba. Nawalan ako ng balanse nang pilitin kong kumawala, dahilan para mahulog ako sa malamig at malalim na swimming pool. Hindi ako marunong lumangoy at nalulunod na ako. Naramdaman ko ang kamay ni Travis at inahon niya ako.  "Tama na! Patayin mo na lang ako! hindi ko na kaya!" Humagugol ako at hirap na hirap sa paghabol ng hininga. Bigla ay nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya at lumambot ang tiim na bagang nito.  "f**k!" mahinang napamura ito.  Iniahon niya ako sa simento, tumayo siya at naglakad. "Get her fixed," malamig na utos niya at saka tuluyan nang umalis. Doon ay saka ko napansin na kanina pa pala nakatingin sa amin ang mga kasambahay pati na si Mr. Thomas, awang-awa ang mga ekspresyon ng kanilang mukha ngunit wala silang magawa. Lahat sila ay mabilis na inalalayan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD