Chapter 2

1059 Words
Seven's POV Seven's POV TAGATAK ang pawis sa noo ni Seven ay patuloy pa rin siya sa pagsasanay, kahit masakit na ang kaniyang buong katawan ay wala siyang karapatan na magpahinga o, magreklamo. "Fucos! Seven!" biglang sigaw sa kanya ni Nimrod, ang kaniyang training coach. Mahigpit ito pagdating sa training nila, isang pagkakamali niya lang ay gutom ang kaniyang aabutin. Mabilis na pumusisyon si Seven at naghahanda sa pag-atake ni Nimrod sa kaniya. Kailangan niyang mapatumba ang lalaki para makapagpahinga na rin siya. Masakit na ang kaniyang buong katawan at hindi niya pa rin napapatumba ang binata. He was an ex. navy officer kaya nahirapan talaga siyang patumbahin ito. And she's just 17 years old at ano ang laban niya sa highly well-trained na lalaking ito? "Think Seven!" kastigo ni Seven sa kanyang sarili hindi siya dapat magpakita ng kahinaan sa kaharap niya. Huminga siya nang malalim at bumuga ng hangin. On a split moment ay napatumba niya si Nimrod nang walang kahirap-hirap. Nakita niya ang pagkamangha ng lalaki sa ginawa niyang atake. Kahit siya ay nagulat sa kaniyang ginawa ang nasa isip lang niya ay dapat mapatumba o matamaan niya ang lalaki. Hindi nga rin niya napansin kung ano ang klaseng pag-atake ang kaniyang ginawa sa binata. Nakita na lang niya ito na bumagsak sa sahig. She was confused of what just happened. Nakita niyang nahihirapan sa pagtayo si Nimrod. Tinalikuran na niya ito at dali-daling pumunta ng shower room. Hindi pa rin nawaglit sa kaniyang isipan ang nangyari kanina. Nitong mga nakaraang araw ay parang may kakaibang nangyayari kay Seven na kahit siya ay hindi niya maipaliwanag. After ni Seven na nag-shower ay inayos niya ang kaniyang mga gamit balak niya na roon muna sa inuupahan niyang apartment siya mananatili. Madalang lang siyang manatili rito sa mansyon ni Master Datk. Alam niyang marami siyang hindi alam sa pagkatao ng mga kasama niya. Sa tagal na niya rito kahit minsan ay hindi niya pa nakikita ang mukha ni Master Dark. Sa mundong kinalakihan niya bawal siyang magtanong, bawal sumuway, bawal magreklamo. Dahil buhay niya ang kapalit kapag may nilabag siya sa mga patakaran. Gustuhin man ni Seven na tumakas ay hindi niya magawa, parang may pumipigil sa kaniya. She needs to endure everything kahit gusto na niyang sumuko ay pinipilit niyang maging matatag. "Mama! Saan po tayo pupunta?" inosenteng tanong ng anim na taong gulang na batang babae. "Huwag ng maraming tanong anak basta sundin mo lang lahat ng sasabihin ni mama sa'yo,"seryosong kausap nito sa inosenteng bata. "Opo, Mama,"maiksing sagot ng bata sa kanyang ina. "Nagmamadaling nag-impake ang Ginang samantalang ang anak nito ay nakatughay lamang sa ginagawa ng kaniyang Mama. Bago pa man matapos sa pag-iimpake ang ina nito ay... may malakas na pagsabog mula sa labas ng kanilang mansyon. Nakita niya ang pagkagulat at pagkataranta ng babae. "Nandito na sila!" natatarantang sambit ng ina ng bata. Habang ang inosenteng bata ay nanatiling nakatayo lamang sa gilid ng kama. "Kailangan natin makatakas anak ayaw kong ibigay ka sa kanila!" natatakot na sabi nito sa inosenteng anak. "Mama, huwag kang matakot nandito lang ako hindi kita iiwan," inosenteng turan ng bata sa kaniyang ina. Bago pa man makasagot ang ina nito ay biglang bumukas ang pinto ng silid. Gulat na napalingon ang mag-ina sa bumukas na pinto. "Kunin ang bata!" utos ng kapapasok lang na lalaki sa mga kasama nito. "Huwag kayong lalapit!" malakas na sigaw ng ina ng bata. Habang itinatago nito ang anak sa likuran. "Mama! sino sila? Bakit nila ako kukunin sa inyo? " natatakot na tanong ng bata sa kaniyang ina. "Ibibigay mo ang bata o tuluyan ka ng manahimik sa mundong ito!" matigas na sabi ng isang lalaki habang nakatutok ang baril sa ina ng bata. "Bitiwan ninyo ako!" Pagpupumiglas ng babae sa humahawak sa kanya. "Mga walanghiya kayo huwag n'yong kukunin ang anak ko!" umiiyak na sigaw nito sa mga lalaki. "Bitiwan ninyo ang Mama ko!" umiiyak na sigaw ng batang babae. Pero parang walang narinig ang mga ito. "Mama! Mama!" umiiyak na tawag ng bata sa kaniyang ina. Bago tuluyang makalabas ng silid ay kitang-kita ng batang babae kung paanong walang-awang pinagbabaril ang kaniyang mama. "Mama! Mama....." Napabalikwas nang bangon si Seven ng wala sa oras. Binabangungot na naman siya. Pawis na pawis ang buo niyang katawan, sino ang batang iyon na laging dumadalaw sa kaniyang panaginip? Masyadong malabo ang mga mukha ng mag-ina sa kaniyang panaginip. Hindi lang ito ang unang beses na napapaginipan niya ang eksenang iyon. Mabilis na tumayo siya at kumuha ng tubig. Halos ubusin na niya ang isang pitsel na tubig dahil sa pagkauhaw. Hapon na nang nakarating siya kanina sa kanyang apartment at dahil sa pagod ay nakatulog siya agad. Napatingin siya sa pambisig na relo, pasado alas-syete na pala ng gabi. Kailangan na niyang gumayak at papasok sa trabaho. Oo, may trabaho siya kahit seventeen years old pa lamang siya. Mandatory sa kanila ang magtrabaho kahit wala pa sa legal na edad. Part ito ng kanilang training, kailangan maging mautak ka at madiskarte kung papano mo mabubuhay ang iyong sarili. Habang abala sa pag-mix ay ramdam ni Seven na may nakatitig sa kaniya. Binilisan niyang matapos ang paggawa ng order ng customer. Isa siya sa bartender sa "SN THIRST," apat na oras lamang ang kaniyang duty rito. Pagkabigay niya ng order ay may biglang sumulpot sa harap niya, si Dos, isa ito sa mga kasama niya sa mansyon. Mas matanda lamang ito sa kaniya ng apat na taon. "Mabuti naman at pumasok ka na sa trabaho isang linggo ka rin na hindi nakapasok," nakangiting pahayag nito. "Oo, nga medyo hindi na busy ang schedule ko kaya ito nakapasok na rin sa wakas," nakangiting sagot ni Seven sa binata. Isa ito sa drummer na tumutugtog sa bar, may grupo ito at regular na tumutugtog dito. Marami itong fan girls si Dos, bukod sa maraming tagahanga ang grupo nito ay pawang may ibubuga pagdating sa physical na anyo. Habang masaya silang nag-uusap ay may biglang sumulpot na lalaki sa gilid ni Dos. "One mojitos please," biglang sabi nito sa baritonong boses. Napabaling siya rito ng wala sa oras. Napatulala siya nang nakita ang mukha ng customer, para siyang nama-magnet sa presensiya nito. Green ang kulay ng mga mata nito at mapupulang labi, matangkad sopistikado at..... "Done eye raping me Miss Bartender?" malamig na sabi nito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD