CHAPTER 3

1420 Words
Luciana   Ilang oras na rin ang nagdaan simula nang umatake kami sa walang kamalay-malay na Dark Family. Gaya ng inaasahan ay mababa ang kanilang depensa at nakikita ko na ang pagkapanalo namin kaya naisipan kong huminto na. Nasa isang sanga ako ngayon at tanaw ang binatang tumutugtog ng piano. Ang bawat pagtipa niya ay ang pagtibok ng puso kong naguguluhan sa kakaibang sensasyong nararamdaman. Bago ang pakiramdam na ito sa akin.   "Leader," saad ng isang tinig mula sa likod ko. Hindi ko siya nilingon. Tila nahipnotismo ako sa aking nasaksihan.   "Siren, order the Phoenix to stop. We have served our purpose. Fall back," utos ko sa isang miyembro ng Phoenix. “Tenzegen,” sagot nito bago biglang na lang siya naglaho sa dilim matapos magbigay galang. Tinuon ko ang atensyon sa natanaw ko.   Hindi ko masyado maaninag ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin pero halata sa tindig niya ang kakisigan. Halata rin sa piyesa niya ang kalungkutan at parang may sarili siyang mundo na hindi pinapansin ang mga nangyayari sa paligid. Tila sinasabayan niya ng malungkot na kanta ang isa-isang pagkalagas ng kaniyang mga kapamilya. Pa'no ko nasabing kalaban siya? Dahil na rin sa damit niya na may tatak ng Pamilyang Loong.   Bumaba ako sa sanga at dahan-dahang pumasok sa verandah ng kwarto niya sakto namang hindi ito naka lock .   "Who are you?"    Malamig ang boses na tanong niya sa'kin, hindi man lang ako nilingon. Naramdaman niya pala ang presensya ko. May thirteenth sense siya kaya hindi siya basta-basta. Ang thirteenth sense ay ang kakayahang doblehen ang isandaang porsyentong kapabilidad ng ‘five senses’.   Huminto na siya sa pagtipa sa grand piano at unti-unting humarap sa'kin. Napahinto ako bigla pero agad naman akong bumawi. Ang mga matang 'yan.   "You're here to kill me right?"   Now he's staring at me. Brown eyes, dark as the night locks, jaw that matched his face, eyes that are mysterious, nose that seemed so nice to pinch and a lip that is so inviting. I stepped away to stop my dirty thoughts. I should kill him now, a part of me argued.   "Obviously," napalunok ako ng ilang beses nang sabihin ko 'yon sa kanya. Another part of me said not to kill him. Nga naman sayang din ang lahi nito. I'm not a hypocrite if I said he's not good looking. Sa katunayan, papasa na siya para maging artista. 'Yon nga lang ay hindi local artist. 'Yong tipong international na Asian.   Napalingon kami pareho nang may narinig kaming pagsabog, hula ko ay nasa may garden nagmula ang tunog at nakikipaglaban pa rin ang iba maliban sa amin. Marami na rin akong napatay sa pagpasok ko sa mansyon kaya hindi na ako nakisali sa kanila sa ngayon at sinundan ko na lang ang tunog na aking narinig. Naantig ng musika niya ang puso kong akala ko’y ballot ng yelo.   May kung anong pumiga sa puso ko nang mapagtanto kong damay siya sa Slaughter. Kinuha ko ang Enraiha na may mga bakas pa ng dugo sa mga blades nito. Pero parang hindi man lang siya natakot. I couldn't sense any fear from him and that maked me more frustrated! I wanted to see his face twisted with fear.   "Why aren't you afraid?" naguguluhan kong tanong sa kaniya. He just shrugged. At ibinulsa ang kamay niya na parang naghihintay siya sa atake ko. Mas lalo akong nainis. He's underestimating me.   Hinugot ko ang Enraiha at sumugod sa kaniya. Hindi nagkaroon ng palitan ng mga suntok o sipa dahil puro iwas ang ginagawa niya.Tumalon ako sa taas niya at sinipa siya sa likod kaya tumilapon siya at napasalampak sa grand piano.   "Why? Why don't you fight back!" inis na sigaw ko sa kaniya nang sumugod ako ulit. Hindi ko maintindihan kung para saan ang inis ko. Nasugatan ko siya sa kaliwang braso niya pero hindi nagbabago ang kanyang ekspresyon.   "Dying in front of a gorgeous reaper is not a bad way to die, don't you think?" Nnkangiti niyang sagot kaya napatigil ako sa pag-atake ko sa kaniya.This is hopeless.   Hindi ko alam pero biglang uminit ang mukha ko buti na lang at may takip ito. Sino ba 'tong lalaking ito at hindi siya natatakot sa'kin? Simula ang trahedyong iyon ay nasanay na ako sa mga tingin ng mga taong maraming inaasahan sa akin. Sanay na akong kinakakatakutan. Pero hindi ako sanay sa ganito.   "Umalis ka na lang, hahayaan kitang mabuhay." saad ko sa kaniya sabay balik ng Enraiha sa sakuban nito.   Nagtaka naman siya sa sinabi ko. Sino naman ang hindi mag-tataka kung papakawalan ko siya? Ako si Fallen Angel o mas kilala sa bansag na ibinigay ng Underworld Realm sa akin bilang Underworld Goddess, isang reaper mula sa kalaban ng pamilya nila at hinahayaan lang siya mabuhay? Nakakaduda 'yon.   Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papunta sa pinto ng veranda ng naturang silid. Bahala na siya kung paano siya tatakas pero agad akong napatigil nang nagsalita siya.   "Teka ano ang pangalan mo?"   Pangalan ko? Ibang klase talaga, ilang taon na rin ba simula nang marinig ko ang tanong na 'yan. Limang taon? Sampung taon? Sa sobrang tagal na ay parang nakalimutan ka na ang pangalan ko. Luciana Shiranui isang pangalan na iilan lang ang may alam. Nakakapanibagong may gustong malaman ang pangalan ko.   Humarap ako sa kaniya at tinanggal ko ang itim na telang nakabalot sa mukha ko kaya mas nagulat siya. Pero maski ako ay nagulat sa ginawa ko.   Taking off the satin that covered my face is against the code of our family especially to me.   "Guess," bigla akong napatitig sa kaniya nang ngumiti na naman siya.   "My my Fallen Angel in front of me. I think that your people would die just to kill me since I knew your secret already," saad niya na ang tinutukoy ay ang pagpapakita ko sa kaniya ng mukha ko. Tumitig ang pares ng misteryosong mata niya sa'kin. May kung anong nagrigodon sa loob ko. Bakit ako nininerbyos?   Agad akong tumalikod at mabilis pa sa alas kwatrong tumalon na ako sa veranda.   'May sakit na yata ang puso ko,' sa isip ko habang ang kanan kong kamay ay nasa bandang dibdib ko.   Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinayaan ko siyang mabuhay. Damn you Luciana! Get a hold of yourself! Mabilis akong tumalon sa mga sanga ng mga kahoy para makalayo na ako sa grand mansion ng mga Loong pero muntikan na akong mahulog sa isang sanga nang biglang yumanig ang lupa dahil sa isang pagsabog. Isa lang ang nasa isip ko ngayon, ang lalake!   Nag-aalangan akong tumalon sa sanga. Again, I am not the master of myself anymore. Nagmamadali akong bumalik sa mansion, may mga nakasalubong akong mga patay, may kulang sa katawan at naliligo sa sariling dugo. May mga ilang kasamahan din akong namatay.   Sa veranda pa rin ako dumaan. At laking gulat ko nang makita ko siyang nakasandal at habol ang hiningang sapo ang duguang tagiliran. Tinalon ko ang distansya namin at agad ko siyang dinaluhan. Ang una niyang ekspresyon ay pagkagulat na pinalitan ng pagkamangha, pilit siyang ngumiti. May iba akong naamoy at hindi ko mawari 'yon. May naiba at hindi ko mawari kung ano. Nawala ang misteryo sa kaniyang mga mata at pinalitan ng kapilyuhan.   "Damn! 'Wag ka ngang ngumiti d’yan." inis na sigaw ko sa kaniya. Parang nagulat siya sa pagtaas ng boses ko. Sa ikalawang pagkakataon ay nagulat ako. Hindi ako ang tipo na palasigaw. I always preferred the silence of being calm.   "Ciel," sagot niya sa'kin.   "Huh?" nagtataka kong tanong sa kaniya.   "Ciel ang pangalan ko," nakakatitig siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Siya pala ang tagapagmana ng Dark Family. Bakit pakiramdam ko, nanghihinayang ako?   "Tumayo ka na nga d’yan," sita ko sa kan’ya kaya nagpumilit siyang tumayo pero napaluhod din siya ulit. I want to straddle myself. Ba't nga ba ako napasok sa ganitong sitwasyon? I mean, why am I helping an enemy? Not just an enemy but their heir! Kidnapin ko kaya 'to? A part of me neglects the idea. Aba at may konsensya pala ang isang nilalang na katulad ko?   Hinila ko ang kamay niya at dahan-dahan siyang itinayo. Magkaalalay kaming naglakad papuntang veranda , plano kong doon kami dumaan kaso mukhang 'di na kakayanin nito. And, I don't want to let my comrades know about my stupidity. Tila nagkaroon ng digmaan sa loob ng aking pagkatao. May isang parteng tutol at nanunuya sa pinaggagawa ko. May isa namang naninibago at gustong matuklasan ang lahat sa lalaking 'to. Ang lalaking tanging nangahas na magtanong sa pangalan ko.   Nang nasa harap na kami ng pinto. I knew I will see a river of blood.   Bubuksan ko na sana ang pinto nang maramdaman kong inamoy niya ang buhok ko. Malutong akong napamura sa aking isipan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD