Luciana Napakakapal ng tensyon na nagaganap sa loob ng nasunog na gusali ng Council. Dito namin napili ni Kiel na pagtagpuin ang mga grupo namin. Matapos ang 'kiss and make up' session namin ni Kiel ay naisip namin na bumuo ng alyansang susugpo sa mga traydor. After the reconcillation, I came back to Phoenix. Hindi madali ang pagpapaliwanag at kahit na duda si Starfire sa motibo ni Kiel ay pumayag silang lahat na makipagkita sa Inferno. Alam na rin nila ang estado ng relasyon namin ni Kiel at Ciel mula noon hanggang ngayon. "May I know why we are here leader of all places?" maarteng tanong ni Sprite. Prenteng nakaupo siya sa lupa na may bakas pa ng sunog habang nasa kamay niya ang samurai at nasa likod niya ang baril. Dala ko rin ang Enraiha na nakasukbit sa aking likuran. Nasa kab

