CHAPTER 1

1065 Words
Luciana   Ipinikit ko ang aking mga mata upang mas madama ang malamig na dampi ng hangin sa aking maskara. Nakatayo ako sa tuktok ng isang twin tower building.  Ang aking pulang mga mata ay nakatingin sa kaguluhan na nangyayari sa baba.  The police officers were talking to the press who just arrived; some were gathering the corpses inside or outside the crime scene. Some were controlling the crowd.   Isang ngisi ang sumilay mula sa aking mukha nang may lumabas na isang matandang naka bulletproof vest. Inihagis ko ang mga cards sa taas dahilan upang mag-unahan ito sa pagkahulog. Sa ilalim ng liwanag mula sa buwan ay mas pinakintab nito ang talim ng mga cards. Makaraan ang ilang segundo ay doon na ako tumalon mula sa ika-67th floor ng gusali sabay hugot ng aking sandata. Bago ako lumapag sa lupa ay umikot ako ng isang beses upang mabawasan ang lakas ng pagbagsak ko sa lupa.   The people seemed to freeze. Pero nanatili akong nakatayo hanggang sa may paparating na card ang muntikang dumaplis sa aking pisngi kung hindi ko lang naagapan. Gamit ang dalawang daliri ito’y aking tiningnan, isang Joker.   "My Enraiha screams for your blood  Yumimura," nakangisi kong saad kasabay nang pagtakip ng ulap sa buwan kaya dumilim ang paligid. Sa pagdilim ng paligid namin ay mas pinatingkad nito ang kulay dugong mga mata ko.   What a bunch of fools.   "Put your weapon down in the count of three!" sigaw ng playing hero na police at nakatutok ang pistol niya sa'kin.   Hindi ako natinag sa hero wannabe at nagpatuloy sa paglalakad papunta kay Yumimura na sa ngayon ay parang hihimatayin na sa putla.   "I'm done playing nicey nicey nice Yumimura. Now you will come with me whether you like it or not ," makamandag kong saad sa kaniya nang ilang dipa na lang ang layo namin sa isa’t-isa.   He didn't have a choice. Pathetic, sweat covered his face and fear mirrored his eyes.   Agad na pinalibutan ng mga myembro ng SWAT si Yumimura.   They thought they can protect him? They thought that they can handle me? Then they thought wrong.   "Fire!" sigaw ng chief ng mga police. Agad nilang tinutok ang mga baril nila sa akin.   Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingangaw sa paligid at direkta nila itong pinatama sa direksyon ko. Mabilis ko namang sinalo gamit ang mga daliri ko ang mga balang paparating sa aking direksyon. Ang iba naman ay inilagan ko. Kung titingnan ay para lamang ako nagsasayaw sa saliw na tanging ako lamang ang nakakarinig sa tuwing iniiwasan ko ang mga bala. Isa ito sa mga technique na tanging iilan lang ang may alam.    Impossible it may seem but few can master this. It took me years to do so.   Bumalik ang atensyon ko sa kanila. Iba talaga basta desperado rin, gulat ang unang rumehistro sa mga mukha nila nang wala na ako sa kinatatayuan ko kanina.   "Nasaan siya?" tanong ng chief at naging alerto sa paligid.   "Sinong pinatamaan niyo kanina?" kunwaring nagtatakang tanong ko sa mga mang-mang na mga ito. Pinagbigyan ko na nga sila na barilin ako pumalya pa. Hinanap nila ako at sa wakas! Nakita rin nila ako sa railings ng second floor at prenteng nakaupo. Agad akong tumalon mula sa aking kinauupuan na nagdulot ng crack sa aspaltadong kinabagsakan ko dahil na rin sa lakas ng impact. Kinuha ko ang Enraiha at pinagdikit ang mga dulo ng mga talim nito. Inikot ko ang mga ito nang sabay sa magkabilang direksyon. Isa ito sa mga espesyal na katangian ng Enraiha. Ang kaninang anyo ng Enraiha ay ang unang anyo na mas kilala bilang Taha. Ngayon naman ay ginawa ko itong Saiha, ang ikatlong anyo ng aking sandata.   Nagpaulan na naman sila ng mga bala pero sa pagkakataong ito ay hindi na ako umiwas sa halip ay inikot ko tulad ng baton ang Enraiha para maprotektahan ang aking sarili. Ang mga bala ay bumalik sa direksyon nila. May ibang natamaan at may iba naman na tumama sa mga glass wall.   Pasalamat sila at na-evacuate na nila ang mga guests sa twin tower building at 'di na hassle kapag may nadamay na mga sibilyan sa sagupaang ito. Matalino si Yumimura. Imbis na magtago sa malayong lugar ay sa mataong lugar siya nagtago. Ang akala niya ay hindi na kami gagalaw, isang malaking kalokohan.   Sinamantala ko na ang pagkakataon at inatake ko na sila. I didn't have any intention of killing them. Si Yumimura lang ang pakay ko.   Nanginginig na napaluhod sa harap ko si Yumimura. Nagmamakaawa para sa kaniyang buhay. The same scene that happened every time I caught a prey. They begged for their pathetic lives. Hindi ko naman sila pinipigilan. Gusto kong makita silang matakot.   I fed from their fears.   Sinapak ko siya sa batok na dahilan upang bumagsak siya sa sahig. Pabalya ko siyang hinatak at inilagay sa compartment ng aking kotse. I could have kill them but that it's not require in my mission. I did what I am exactly told to do. Doing unnecessary things would be futile.             PABALYA kong binuksan ang pinto sa opisina ni Tandang Seiryo. His name is Seiryo Shiranui the leader of the famous and most feared Slaughter Community.   "Apo ko," he said with a cold murderous tone as his piercing eyes looked at me. Nakaupo siya sa gitna ng opisina niya at base sa kaniyang bati sa akin ay alam na niyang matagumpay ang aking misyon.   "Grandfather nasa safehouse na siya," nakayuko kong pagbabalita. Yes I am his granddaughter but I am no exception in the rules. Kailangan kong magpakita ng respeto sa kaniya.   "The time has come. Our much awaited Slaughter."   Mabilis akong tumayo at sumagot sa kaniya, “Tenzegen.” Kasabay nito ay ang aking kaliwang kamao ay nakapatong sa aking gitnang dibdib. Ito ang saludo ng lahat ng sakop ng Slaughter Community. Tenzegen, ang salita na ang ibig sabihin ay ‘mamatay ng walang pag-sisisi’.   Ang slaughter, isang tawag sa pag-atake ng Slaughter Community na ang pakay ay ubusin ang lahat kung sinu-sino man ang mga puntirya. Isang taon namin pinagplanuhan ang napaka-espesyal na ‘slaughter’ na ito.   Lumabas ako ng kwarto niya at pumunta sa headquarters ng Phoenix. Naabutan ko sila do'n.   "Move up everyone, the slaughter has come.”   Sabay silang tumayo at nagbow sa harap ko bilang tanda ng respeto, “Tenzegen”. The respect I deserved for being the Underworld Goddess.   I felt my devil inside going berserk. A devilish smile formed on my lips.   I am Fallen Angel , why fallen? Because I tainted my hands with blood and used this sinful hands for keeping the balance of this world.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD