Chapter 13-katotohanan
Mike's pov
"Ano ang iyong pinag-usapan? Bakit parang iiyak ang mukha ni Cherry?" Napatingin ako sa sinabi ni John.
"May sinabi ka ba sa kaniya?" Hinarap ko sila.
Nagtatanong siya kagabi at hindi ko na lang pinansin. Ang aga-aga niya akong inaasar. Wala akong sinabi kay Cherry. Si Cherry lang ang nagsasalita pero pinakinggan ko siya. Naguluhan nga ako sa sinabi niya. Nagulat ako ng magpasalamat siya. Mahirap pakisamahan si Cherry kaya hindi na ako magsalita dahil baka may masabi ako na ikagalit niya. Simpleng bagay lang kasi binigyan niya ng kahulugan. "Hoy," ulit niya sa akin. Bigla akong humarap sa kaniya. Napaisip lang ako kagabi.
"Wala naman," sabi ko sa kanila. Lahat kasi sila nakatingin. Mga chismoso din sila. Tiningnan ko sila, ang hirap na baka marinig sila ni Cherry na pinag-uusapan namin.
"Wala naman siyang narinig mula sa atin." Biglang sumeryoso ang mukha ni George. Hinarap ko siya.
"Tumahimik nga kayo," sabi ko sa kanila.
"Kayo ang lakas ng boses mo," mahinang sabi ni Ray.
"Tangina Ray, sinisisi mo pa ako."
"Wala naman akong sinabing masama," sabi ko sa kanila.
"Wala ba Mike. I think gusto ka na ni Cherry. Ayaw niya lang ipakita." Napakunot ang noo ko nang tumingin ako kay Emz. Daming napapansin ng mga lalaki ito. Napansin niya talaga iyon or gusto lang nila akong asarin. Gago sila lumang style na 'yan.
"Napansin ko din iyon," sabi John. Namangha lang ako sa kalokohan nila. Bakit ba ako nakikinig sa usapan nila?
"Totoo ba iyang sinasabi mo?" sabi ko sa kanila. Sinasakyan ko lang sila habang tinitignan ko silang lahat. Hindi ko alam kung seryoso ba sila o nagulat sa sinabi ko.
"Why are you concerned Mike?" sabi ni John. How can I not worry? Kung may halimaw. Ang sarap din sapakin isang to. Nakakunot-noo lang ako.
"Kung ayaw mo sa kaniya, Don't go near her. Masasaktan lang si Cherry. Kung talagang mahal mo siya, huwag mo siyang pakawalan, baka magsisi ka. Siya ay maganda. Liligawan ko siya." Kinindatan ako ni Emz. Subukan lang niya ako sasapak sa kan'ya. Tinitigan ko ng masama si Emz. Tinawanan lang ako ng loko.
"Tama ka diyan Emz. Kaya a ko aaminin ko sa'yo. Liligawan ko rin siya." Tumabi sa akin si John na may nakakalokong ngiti. Hinampas ko siya. Pinagtawanan pa nga nila ako. Hindi ako makakapalag kapag sina Emz at John ang magka-tandem, alam ko ang kalokohan nila. gumana ulit.
"You see, try it." Napatingin sila sa akin. Kahit ako nagulat sa sinabi ko. Alam kong pinagtitripan lang nila ako. Hindi ko lang napigilang mainis sa kanila. Paano ba naman kasi may balak pa bang ligawan si Cherry. May gusto ba ako sa kaniya? Ang hirap kasi hindi ko alam kung mahal niya rin ako o ako lang ang nagmamahal sa kaniya. Pag kausap ko sila lagi niya akong binabara. Paano kaming magkasundo kahit sa simpleng usapan ay nanghihina na ako.
“Aminin mo na lang. May crush ka ba sa kaniya? " Napatingin ako kay John; naghihintay siya ng sagot ko. Ang sungit din nito. Ayaw talagang tumigil. Alam kong hindi niya ako titigilan kapag may gusto siyang malaman.
“Oo, gusto ko na siya. Kaya lang naiinis ako kasi naguguluhan ako kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya. Tanggap ko na hindi na kami ni Shane. Ang hindi ko lang matanggap ay hindi ko kayang suklian ang halimaw. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang hustisya para kay Shane at sa mga biktima ng halimaw na iyon," sigaw ko sa kanila. Palakpakan ang mga loko, todo drama ako. This is the only way para mailabas ko naramdaman ko.. Lakas ng trip ng mga loko. Umakbay sa akin si John.
"You can only say yes or no. Ang dami mo speech." Tinawanan nila ako. Tinalikuran ko sila. Hindi ko matiis ang kalokohan nila.
“Saan ka pupunta?” tanong sa akin ni John. Hinarap ko siya.
"Maghanap ng makakain natin," mahinang sabi ko sa kanila.
"Sasama Magkasama kami." Sumama pa rin sila maliban kay George na nakakunot ang noo nakatingin.
"Sinong maiiwan dito?" Tanong ni George. Sinabi ko na kung bakit siya ganyan. Lagi silang iniiwan ni Emz para bantayan ang mga kasama naming babae. Mahirap kung babalikan sila ng halimaw, at least may kasama silang lalaki na makapag-protekta makakapag protekta sa kanila sakaling umatake ang halimaw. Pero alam kong ligtas sila dahil maaraw. Hinarap ko sila nang mapansin kong nakasimangot na naman ang dalawa.
"Oh bakit mo kami tinitignan? Teka maiiwan tayo?"
"Oo." sabay naming sabi. Hindi maipinta ang dalawang mukha na iyon.
"Lagi naman tayong naiiwan," reklamo sa akin ni Emz.
"Kayong dalawa, wala kayong magagawa dahil dalawa kayong bunso." Natawa si Rod sa kanila. Sa inis ni George, binatukan niya si Rod habang hinahabol sila ni Rod. Inyong magkakaibigan na pinagsamahan nila George at Emz. Si George, ang pinakabata sa amin, ay tatambay sa amin. Si Emz ay mas matanda lang sa kaniya ng isang taon. Inimbitahan ko ang mga kaibigan ko. Iniwan namin sila kahit nakasimangot ang mukha nilang dalawa. Kami ay naghahanap kung saan-saan. Buti na lang may saging. Kinuha ko kaagad pagkatapos ng ilang sandali. Pagkatapos naming kumuha ng pagkain. Nakakita din kami ng hinog na papaya na kinuha ko. Napatingin sa kaniya si Ray.
"Hindi ba sasakit ang tiyan natin?" Sobrang seryoso ko nakatingin kay Ray.
"Bakit?"
"Kakain tayo ng iba't ibang prutas." Natawa naman ako sa sinabi ni Ray.
"Sino bang may sabing ubusin mo? Magtipid ka. Hindi tayo puwedeng umasa sa nasa paligid natin. Hindi naman sila laging namumunga." Natahimik sila sa sinabi ko. Gaano kahirap maghanap ng pagkain?
"Tama si Mike. Hindi natin alam kung hanggang saan tayo," mahinang sabi ni Ray. Sabay ko silang hinila pauwi. Nagutom din ako habang pasimpleng kumain ang isang kaibigan ko. Lumapit ako kay John at kinuha ang saging na hawak niya. Nagulat siya ng makita ako. Nginitian lang ako ng mga kaibigan ko. Wala na ako sa kanila. Umuwi muna ako sa kanila. Naghanda ako ng makakain namin habang hindi ko nakikita si Cherry ayaw niya talagang mapahamak siya. Nagluto ako ng saging para makakain namin.