Chapter Two

1676 Words
... Alas singko ng hapon natapos ang klase at ang kalangitan ay bahagya ng madilim at makulimlim. Tipikal na clickbait ngayong ganitong season; makulimlim pero hindi naman uulan. Sinubukan kong magmadali sa paglalakad papuntang sakayan. Una, dahil kung sakali mang bumuhos ang ulan ay dapat maka-uwi na ako. Pangalawa, konti nalang talaga ang maipapahinga ko dahil may pasok pa ako ngayong alas-siyete ng gabi, ayoko nang magpa-prente-prente rito. Pangatlo, ayokong maabangan at ma-korner na naman sa labas ng silid, ng course building ni sa gate ng unibersidad kung saan ako naroroon ng mga mambubuyo't mga gustong malaman ang mga lugar na tinutungo ko. 'Mga walang magawang elitista.' "Justine!" Nang marinig ang boses ay ilang beses pa akong lihim na napakurap bago lumingon sa pinanggalingan ng tunog. Ayos... Pagkakataon nga naman. Note the sarcasm here. "Buti naabutan kita." Hinihingan pa itong napahawak sa balikat ko. It's not like I don't want to see him kaya hindi ako makapaniwalang tumingin rito. Sadyang nagmamadali lang talaga akong ipahinga ang utak at likod ko. At isa pa, hinihingal kasi ang binatang nasa harap ko, imbes tuloy na pagkabignot ay napilitan ng pagaalala ang nasa isip ko. "Hinihingal ka. Baka hikain ka rito." Nagaalala kong iningat ang ulo nya. Wala mang pinagbago gaya ng pamumutla't kung ano pa man sa gwapo nitong mukha maliban sa tagaktak na pawis ay mas nanaig parin ang kaba ko. "Adrian..." Ngumite itong bago ipinakita ang hugis pusong kahon. Hindi ako tanga para hindi malaman ang laman nun. Tinanggap ko naman agad ang ibinigay nya. "Nahulog ko kanina yung rosas kaya yan lang--" "Salamat..." Tinignan ko ito sa mga mata na ikinamula nya. "Yet, I'm still worried about your health. Get some rest first. Ihahatid na kita sainyo." He, a tall yet thin, kind yet fragile guy right here is Adrian Naako. A suitor. He's in my age and taking up Bachelor of Arts in Culinary and Gastronomic Sciences. He came from a family of three with him being their only child so of course he'll inherit their successful pastry shop business. "No. I'm fine..." Nahihiya nyang tugon. I pulled him closer to give him a hug and since we're also in the same height there's no one towering one. I'm 5'10" by the way. It doesn't matter who courts or the one being courted is. That's our situation. It's clearly visible that he's a cinnamon roll inside that tall physique-- the kind that you wanted to protect. Yet he's the one that got the courage to ask me out. "You did great. I appreciate this." Dagdag ko pa habang hinahagod ang likod nya. Narinig ko ang mahinang nyang pagtawa bago yumakap ng mas mahigpit. Naging normal naring ang t***k ng puso nito't kalmado na ang paghinga na ikinaluwag ng dibdib ko. "Pag ako hindi mo naging nobyo, ewan ko nalang." Natawa rin ako sa sinabi nya. Nang maghiwalay sa pagkakayakap ay hinawakan ko ang kamay nya. "Hatid na kita pauwi, hindi parin ako kumbinsidong okay kalang." Pagiiba ko ng usapan. Wala naman itong nagawa kungdi ang pumayag. "Baka totoo nga ang narinig ko sa mga blocmates mo. Na pa-fall ka, Justine Desiree Sale." Binuo pa nito ang pangalan ko. Natatawa nalang akong umiling. "I do care kaya ganito ako." Saad ko kinikilig naman nitong pinisil ang nakahawak sa mga kamay nyang kamay ko at gaya ng sabi ko ay iniuwi ko sya sa bahay nila. Mabuti na nga lang at wala pa ruon ang mga magulang ni Adrian kundi ay hindi talaga ako makakapasok ngayong araw-- madalas kasing mamilit ang mga itong manatili ako ruon. "Babawi ako pag meron na akong oras, I'm really in hurry, Drian..." Mahina kong paumanhin. "Pero kung ayaw mong maiwang mag-isa I'll ask for a leave then--" "No! Actually I should be the one apologizing... I'm the one who's courting you..." Napayuko pa ito. Napangiti ako sa itinuran nya. Muli kong hinawakan ang kamay nya. "Saglit pa okay?... Konting hintay pa, Drian. Oo nalang naman ang hinihintay mo diba?" Nang masabi ay nag-angat agad ito ng tingin. Ang ibig ko kasing sabihin ay kung umakto ay para nang kami, 'oo' ko nalang ako kulang. Tumango ito bago iniwas ang namumula nyang mukha. Ang akala pa nya'y maitatago nya ito. Paano? E, mula sa mga pisngi, tenga at leeg nya'y namumula. Pinigilan ko nalang ang sariling pisilin ang pisngi nya o di kaya'y yakapin sya ng mahigpit. Hindi na ako nagtaggal pa sa bahay nila at nagmamadali ng tinungo ang dorm na tinutuluyan ko. Bente minutos rin ang naubos dahil sa byahe munit imbes na pagsisihan ay magumaan pa ang pakiramdam ko. We don't hang out much tho. We're this clingy with each other whenever we're together for others to think that we can't be seperated. Munit parehas man kasi kaming morning shift ay lubhang nag-o-overlap ang schedules ng mga subjects na pareho kami kaya hindi talaga kami nagkakasama. Tuwing breaks naman ay inaagaw ako ni Chester sakanya. Na hindi naman problema dahil may mga kaibigan rin naman syang sinasamahan. But it was never an issue. I mean both of us have the same mindset that we didn't need to be next to each other to be close or to prove that we're interested with one another. We do think that we'll only got tired of each other if we're always together... Nang makarating sa dorm ay diniretso ko ang daan papunta't papasok sa pang-dalawahang kwartong ino-okupa namin ng roomate ko. Nagpakawala nalang ako ng buntong hininga, ibinaba ang bag ko bago nahiga sa unang palapag ng double deck bed. Hindi man ganun kalambot ay nakaramdam ako ng kaginhawaan sa kamang kinahihigaan. It's not only for my self, to all of my creditors, the one's that I owe my current state in to or my important one's I'm working hard for. I'm not only doing this to pay, save and spend this for them. I'm also doing this for him, for Adrian. He may not have what parents in soap operas has-- a scandalous judgemental parents. Still, I wanted to prove something to them. He's their only child, their son. Set aside the fact that they can provide for me than I can provide something for them, I'm still left with the other fact that their only son will have a relationship with a person in his own s*x? I serious with him. And he's serious with me too. There's no problem between the two of us but me myself. I want to prove something to them, to me. Nang tapos na ang nakakadugong ilong kong pagmumuni-muni ay kinuha ko na ang telepono at isinet ang nalalabing isang oras kong pahinga. Ni hindi ko na nga naisip na magbaliktanaw sa napag-aralan. Hindi narin nakapagbihis dahil mabilis akong tinangay ng antok. BAHAGYA pa akong napamura ng tumunog ang alarm ko, pero imbes na ituloy ang tulog ay bumangon na ako. Saktong alas-syete na ako nagising kaya anong karapatan kong mag-reklamo? Bugnot man sa maikling pahinga'y pinilit ko ang sariling bumangon. Inunat ko nalang ang nananakit na likod bago tumayo. Mula sa lapag ay inilagay ko ang backpack ko sa hita at sinimulang alisin ang mga gamit kong pangeskwela na pinalitan ko naman ng mga gamit sa trabaho. Nang maisaayos ay sunod kong inayos ang sarili; hinilamusan ang mukha, sinuklay ang buhok, nag-spray muli ng pabango at pinagpag ang bahagyang pagkagusot ng suot ko. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa kainan na halos sampung minuto lang ang layo rito. "Oh Jah, sakto kamalasan sayo ah." Hindi na ako nagulat sa 'magandang' balitang ibinigay ni kuya Robin, security guard ng establishimento pagkapasok na pagkapasok ko palang. Sikat ang branch ng kainan sa lugar kaya hindi nakakagulat na kahit gabi'y napakahaba ng pila sa lugar. Mula pa nga sa kinatatayuan ko ay rinig ang orders na isinisigaw mula sa cash register palikod sa kitchen. Binigyan ko ng isang malaking ngiti ang sekyu bago dumiretso sa kwarto ng mga trabahador. Duon ay nakasalubong ko na kaagad ang ibang mga kasama. "Pareng Justine, bat pumasok ka pa? Okay na ba dalawang oras mo na pahinga?" Salubong saakin ni pareng Carlo, kaibigan ko at ang tanging may alam ng lahat dito. "May magagawa ba ako? Kahit naman anong pagod ko kailangan ko paring pumasok ng maregular na ako. Atsaka sanay narin tong katawan ko." Kunyari pa'y sinuntok ko ang dibdib. Natawa naman sya sa tinuran. Sya at dalawang babae palang naming katrabaho ang nandito bago ang night shift namin na ipinagpasalamat ko, hindi lang kasi ako ang late, hehe. Ilang minuto lang ay nakumpleto na kami at nang magsipasukan na ang mga pang-umaga sa silid ay duon palang kami nagpunta sa kanya-kanyang posisyon. Si Carlo at tatlo pa naming lalaking kasama ay sa likod habang ako at ang tatlo pa ulit na mga babae ay sa cash register. "Good evening. Welcome to *Desconocido. May I take you order?" Malaking ngiti kong tanong. *Desconocido is a spanish word which means unknown/unnamed. (syimprii para di mapa-promote ng wala sa oras.) Ngumiti rin pabalik saakin ang ginang bago ibinalik ang paningin sa lcd sa harap nito. "Ah, I'll have 'set a' ..." Itinala ko sa screen na nasa harap ko ang bawat detalye ng kanyang order. "So, their order is ... is that all?" Um-oo naman. Ipinindot ko ang command upang ibigay sa kitchen ang order. Paulit ulit munit walang mintis ang ginawa kong paghawak ng cash register. Lumipas ang hindi ko na nabilang na oras bago sa wakas ay kumonti narin ang mga nakapila. Sa tansya ko ay nasa alas-diyes na ang ganitong karami nalang na tao, na napatunayan ko naman ng makita sa relos ko. Hindi ko na sinayang ang pagkakataon at minabuti kong sulitin ito't magtungo sa banyo... Nang makabalik mula sa pagbabawas ng tubig ay mahina agad akong napamura. Nang magtagpo ang mga mata namin ay nawala ang enerhiya ko sa katawan at kung nakikita ko lang ang sariling ekspresyon ko sa mukha'y malamang ay matatawa ako. Mukhang mali ang akala kong lalagpas ng isang araw sa labas ng unibersidad na wala akong makakasalamuhang kakilala. Punyeta. 'At sa lahat naman ng tao, Lord. Bat eto pa?' Bumalik ako sa pwesto ko at hindi na nagtaka ng makitang lumipat sya sa kung saan ang cash register ko. Gayunpaman ay ngumiti parin ako. "Welcome to Desconocido. May I take you order?" ... He cleared his throat. "Can I take 'you' out?" Punong kumpyansa nyang tanong. Napatikom ako. Gago talaga. ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD