"k********g ang ginawa mo Marco!" Mariing sabi niya dito. Hindi pa rin siya makapaniwalang nakapunta siya sa ibang bansa nang dahil kay Marco. Ngayon niya naisip ang lahat ng mga sinasabi sa kaniya ni Nigel. Si Marco ang taong gustong kumuha sa kaniya. Pero hindi ba kapag pumunta ng ibang bansa kailangan ng passport at valid ID paano... "Paano mo ako nadala dito na walang passport?" "I have a lot of money, Mahal ko? Gawin ang lahat ng naisin ko... At makuha ang gusto ko." "Sigurado akong hinanap ka ako ni Nigel ngayon?" Sabi niya dito. Pero parang wala ito naririnig sa mga sinasabi niya. "Pauwiin mo na ako Marco, nakikiusap ako sayo! Hinanap na ako ni Nigel ngayon at ang pamilya ko!" Naluluhang sabi niya dito. Nanatili lang itong nakatitig sa mga mata niya na parang tanga naman siyan

