Hinagis siya sa malambot na kama. Bumangon siya para tumakbo palabas pero sinara na agad ang pinto at naka lock na ito. Malaki ang silid at wala siyang nakikita kahit anong gamit. Maliban sa malaking kama hindi niya alam kung sino ang gumagamit sa silid. Pero kinakabahan siya sa magiging sapitin niya. Panginoon huwag niyo sana pabayaan ang pamilya ko kung sakaling mawala man ako sa mundo. Sunod-sunod na putok ang pumukaw sa kaniya sa pag- iisip. Agad siyang lumapit sa bintanang puro salamin. Napatakip siya sa bibig ng makita ang nakahandusay na lalaki naliligo ito sa sariling dugo dalawang tama ng bala ng baril sa ulo at dibdib. Napapaiyak siyang umalis sa bintana at gumapang sa malaking kama. Wala na ang lalaki pinatay na nila. Siya na ang susunod na papatayin. Nanginig ang mga kamay

