Payapa ang gabi ng bigla siyang magising sa malakas na tahol ng aso. Agad naman siyang binalot ng nerbiyos at takot. Maraming pumapasok sa kaniyang isipan. Pero ng makitang mahimbing natutulog sa tabi niya si Nigel. Natulog lang din siya muli at siniksik ang sarili dito para makatulog ulit. Maganda na ang sikat ng araw, tahimik at payapa ang kapaligiran. Mas pinili niyang tumira sa malayong lugar na malayo sa pamilya kaysa madamay ang mga ito sa gulong dala niya. Hindi naman siya nakakalimut tumawag kapag may time. "Good morning, maganda ba ang tulog mo?" Masayang bungad sa kaniya ni Nigel. Ang gwapo ng boyfriend niya walang pinagbago. "O-opo..." Nakangiting bungad niya. Biglang sumama ang pakiramdam sa mabahong amoy. Sumakit ang ulo niya at nahihilo siya. "Hey, bakit?" Agad naman iton

