“She doesn’t know,” the silver haired guy in front of me said. My face scrunched up like paper in confusion.
Napatingin ako kay Aefos na napatingin din sa ‘kin. I looked at him with eyes full of confusion pero napabuntong hininga lang siya. Napunta ang tingin niya sa leeg ko at gulat na tumingin sa lalaking may kulay pilak na buhok.
“Anong ginawa mo sa kaniya?! Ba’t dumudugo yung leeg--,” na-aalarmang tanong niya. Sabay-sabay na napatingin sa ‘kin ang mga maids sa leeg kong may sugat.
Napakibit sa balikat ang lalaking may pilak na buhok at tumingin sa’kin.
“Get a healer and take her to my office. Magbibihis muna ako,” sabi niya. Naglakad siya papalayo sa ‘min at sinundan ng mga maids habang naiwan kaming dalawa ni Aefos.
“Papuntahin mo si Ondreus dito,” sabi niya sa isang gwardiyang nakabantay sa mga malalaking pintuan na pinanggalingan namin. Tumango lamang ang lalaki at lumingon sa ‘kin si Aefos.
“Tara na,” aniya. Tahimik kaming naglalakad sa malaking hallway at walang imik akong nakasunod sa kaniya. Sa gitna ng katahimikan, napagpasyahan niyang basagin ito at nagsalita, “Anong nangyari? Ba’t mo siya kasama? No wait, paano ka napadpad sa loob ng lugar na yun nang hindi namin alam?”
Sunod-sunod ang mga tanong na binomba niya sa ‘kin.
“Pinasyal lang ako nila Marianne sa hardin. Naiwan ako mag-isa sa ilalim ng puno tapos may hinila ako. Matapos kong hilahin yun, may hagdan na lumabas sa likod ng puno kaya sinundan ko at yun, napunta ako sa lugar na yun,” dali-dali kong paliwanag at nakita kong kumunot ang noo niya.
“I told them to get rid of those…,” narinig kong bulong niya.
“Let me guess, he did that with his sword, right?” sabi niya at ngumuso sa sugat ko. Tumango ako sa kaniya at huminto kami sa tapat ng mag naglalakihang mga pintuan.
Binuksan niya ito at bumungad sa ‘kin ang isang malaking opisina. Maraming mga malalaking bintana pero natatakpan lang ito ng mga makakapal na mga kurtina. The high celings we’re carved with gold and the chandaliers were grand and big, but it was unlit.
The room’s atmosphere was luxuriously dark and dim. It was full of extravagant dullness.
Aefos clicked his fingers and fire came out from the tip of his fingers. Huh. He blew the fire from his fingertips and the little fire danced around the air until it reached the chandelier's candles. His fire lit the chandelier and other lights as well.
It was cool but unpleasant emotions overwhelmed my admiration. Napaiwas ako ng tingin dahil naalala ko ang isang taong ayaw kong maisip. She also has the fire element.
And now, the dim litted room was now bright. I could see a large table desk filled with papers and papers stacked on each side. It was organized, nonetheless. A tall, large chair that seemed to give a dominant energy across the room could be seen behind the desk.
And, in front of the desk were leather sofas and a table between those sofas. A carpet occupied the floors, but I didn’t want to step on it.
“Umupo ka,” sabi ni Aefos sa ‘kin. He gestured at me to sit on the sofa. Dahan-dahan akong umupo sa sofa habang nakatapak ako sa mamahaling carpet. I could feel my shoulders getting heavy as if I was carrying a lot of pressure and burden.
What if may masira akong bagay dito? Paano ko ‘to mababayaran?
“Wine? Tea? What do you want?” tanong sa ‘kin ni Aefos na nakaupo sa sofa na nasa tapat ko.
Umiling ako at naramdaman ko ang hapdi ng sugat sa leeg ko. It wasn’t that deep of a cut but it kept bleeding some drops of blood. Nonetheless, it was bearable. Ayaw ko ding magalit sa sugat na ‘to dahil kasalanan ko naman sa simula pa lang.
“Here,” aniya at may binigay sa ‘kin na panyo. “Ilagay mo muna sa sugat mo habang wala pa si Ondreus,” aniya.
“Thank you,” tinanggap ko ito at agad na nilagay sa leeg ko. I felt better, I guess.
Ilang sandali akong nakafocus bago ako tumingin sa kaniya. I have so many unanswered questions at mas lalong madami pa kaong gustong gagawin but first, I want to confirm this.
“Sir Aefos?” tawag ko sa kaniya.
“Yes, lady Asteria?”
“I just want to make sure and confirm this but, was he the one who saved me?” tanong ko sa kaniya.
Tumango siya sa ‘kin at bahagyang napatawa.
“Isn’t it funny that you ended up at his bathing place?” natatawa niyang sabi at nahiya ako sa sinabi niya.
How would I know that I’d end up there? In the first place, bakit ang impulsive kong sinundan ang hagdanan? What if sa ibang lugar ako napadpad? How about Marriane and Penelope? How are they?
“Ano ang pangalan niya?” tanong ko kay Aefos.
Bago pa ako sagutin ni Aefos, bumukas ang pinto at pumasok ang bagong bihis na lalaki na kamakailan lang pinag-uusapan namin. Tumaas ang isang kilay niya ng makita niya kaming dalawa ni Aefos.
Napansin kong eleganteng nakatali ang buhok niya ngayon hindi kagaya kanina but what’s more unusual was the fact that he wore a mask. It was a minimalist kind of mask with the colors black and white covering his entire face. Why is he covering his face?
“Nandito ka na,” usal ni Aefos.
“Obviously,” sabi ng lalaking may mala pilak na buhok.
Umupo siya malayo sa inuupuan namin ni Aefos at pumwesto sa malaking desk na nasa harapan namin. He looked so intimidating while sitting in the biggest chair in the room with his arms crossed. Ilang segundo matapos niyang umupo at nananahimik ay bumukas ulit ang pinto ng opisina matapos namin makarinig ng katok.
Pumasok si Ondreus na hinihingal habang may dalang dala na bag. Bawat hakbang niya habang dala dala ang bag ay maririnig mo ang botelya sa loob ng bag. Must’ve been medicines. Agad-agad na lumuhod si Ondreus sa harap ng lalaking nakaupo sa pinakamalaking upuan sa loob ng silid na ito.
“I greet his majesty, Persaeus Nyx Aphellion, the light of Isikros and its people,” magalang na sabi ni Ondreus. Hindi umimik ang lalaking nakamask at tumango lamang kay Ondreus. Kinuha yun ni Ondreus bilang hudyat na maari na siyang bumangon. Makikita mo sa kilos niya ang kaba at paninigas sa buong katawan dahil sa takot at kaba. Kagaya ko ngayon, biglang nanlamig ang buong katawan ko at ramdam ko ang kilabot at paninindig ng mga balhibo ko.
WHAT THE HELL.
All my common sense went out straight to my ears, all my accumulated intelligence throughout the years immediately went missing, and so, my brain remained blank in utter shock seeing and hearing the scene before me.
Kaya pala tumawa lang siya noong sinabi kong, “makukulong siya” pag pinatay niya ko.
He must’ve known it was me who he rescued two months ago, no wait – THE KING HIMSELF WAS THE ONE WHO SAVED ME? I don’t know if this is an advantage or if I should be scared for my well being.
Ramdam ko ang paninigas ng buong katawan ko. Napatingin ako kay Aefos na parang natatawa sa reaksiyon ko. I looked at him straight in the eyes hoping he’ll get my message although we’re not telepaths, “What do I do?!” my eyes shook in pure panic, but his eyes only looked at me and smiled mischieviously.
My heart pounded in nervousness as I took an action to stand and at least do my greetings properly even though it's awkward, but he raised his hand and looked at me, “No need,” he said.
Agad akong umupo at nanahimik nalang. Umimik si Ondreus, “May nangyari po ba? Kailangan niyo po ba ng medisina?” tanong niya
Bumuntong hininga ako at inalala ang sinabi ni Ondreus kanina.
“I greet his majesty, Persaeus Nyx Aphellion, the light of Isikros and its people,” aniya.
So, his name’s Persaeus Nyx Aphellion, king of Isikros.
Tinoon ko ulit ang atensiyon ko sa pag-uusap nila Ondreus at nakinig.
“Hindi ako,” sabi ng hari at tumingin sa ‘kin. “Siya,” aniya.
“Ikaw yung bagong assigned na main healer niya, hindi ba?” tanong niya kay Ondreus at tumango siya bilang sagot.
Agad-agad na lumapit sa ‘kin si Ondreus at agad na napunta ang mga mata niya sa leeg ko. Kumunot ang noo niya at kinuha ang mga kailangan sa bag niyang dala at may nilagaya sa leeg ko.
I flinched when I felt the medicine did its work on my wound, its bearable but it still stings. “What happened, Lady Asteria?” nag-aalala ngunit mahina niyang tanong sa ‘kin nang napalapit siya sa tenga ko habang nilalagyan niya ng medisina ang sugat.
“Sh*t happened,” sagot ko sa kaniya at ngumuso sa direksiyon ng lalaking nakamask na kanina pa nakatitig sa amin.
Bumuntong hininga siya, “Be careful next time, lady Asteria.” Tumango ako sa kaniya at matapos niyang gawin ang ginagawa niya, lumingon siya kay Aefos at sa hari.
“Her injury will heal within 3-5 days; she just needs to consistently apply the medicines required. I’ll deliver the medicines and instruct her assigned maids,” aniya. Tumango naman ang lalaking nakamask a.k.a ang hari.
“Can’t you heal her with your healing element?” tanong niya kay Ondreus.
Umiling siya at napatingin sa ‘kin, “My healing ability doesn’t work on her, your highness. It must be because of her cursed element,” magalang na sagot ni Ondreus sa kaniya at napatingin sa buhok ko.
Right. My hair tells people that I’m a cursed attribute user. Ondreus slightly but gently smiled at me as if telling me not to despise such trait and later bade his farewell to the three of us.
And so, my long and agonizing stay in his majesty’s office continues.