My mother named me Asteria, derived from the Titan Goddess of Falling Stars. Asteria, the Goddess of Justice and Innocence. Pinanganak ako sa isa sa mga pinakamagandang babae dito sa Kahariang Lumina. Dahil sa taglay na ganda ng aking ina, Helena Leyrin, pwersahan siyang kinuha ng hari ng Kahariang Lumina at ginawang pangalawang reyna matapos pumanaw ang unang Reyna. King Arthur Valdis, the name of the man who brought my mother to his bed without her consent and as fruition of his deeds, I was born.
Asteria Leyrin Valdis was the name bestowed upon me by my mother. Kahit hindi kaaya-aya ang pinanggalingan kong ama, anak niya pa rin ako. Minahal niya ako ng sobrang-sobra at dahil dito, naging mainit ako sa mga mata ng Hari. No matter what he did, he couldn’t get my mother’s attention unless he forced her to. And then, I was born. Sobra ang binigay na atensyon ng aking ina at dahil sa selos, may panahong tinangka akong patayin ng hari.
Hindi lang ang hari ang may sama ng loob sa ‘ming mag-ina. Eris Valdis, ang anak ng unang reyna, ang stepsister kong walang ibang ginawa kundi tumawa sa pagdudusa naming mag-ina. She was the mastermind in the shadows while my father, King Arthur, just watched us suffer in the hands of his first daughter. Halos hindi na kami makakain ng ina ko sa palasyo dahil sa konti ng pagkain na binigay ng mga alipin. But me and my mother were treated worser than the slaves.
I blamed myself for everything. What if I wasn’t born? My mother could’ve lived extravagantly in the palace with the king’s affection for her. When I reached the age of 13, my mother died because of cardiac arrest. I didn’t know the reason but her health has been deteriorating ever since I was born along with the mistreatment of the people around us, we struggled to survive.
At ngayon…sana mapayapa na siyang namamahinga sa mundong ibabaw. It’s great that she gets to rest but for me, it was hard losing my mother. Siya lang ang taong nagmahal sa ‘kin sa palasyong ito, ang taong nag-alaga sa ‘kin, angnagpakain kahit wala na siyang nakakain, ang tumiis sa ‘kin. Siya lang ang kailangan ko sa mundong ito.
Everything extremely downhill nang tumapak ako sa 14 na anyos. It was when my powers began to manifest. May anim na klaseng mga kapangyarihan sa mundong ito.
Apoy, hangin, tubig, lupa, healing, ang limang ito ay sapat na para umunlad ka sa buhay. The first five could’ve made me a mage or a swordswoman or a priestess. The hopeless wish I’ve been dreaming of was to have atleast one of these five pero tadhana nga naman, sobrang ayaw niya sa pagkatao ko. Nasa ‘kin ang pang anim na kapangyarihan.
The cursed attribute.
I was unable to appreciate my attribute dahil sobrang liit lang ang nakakaalam nito at halos walang libro tungkol sa attribute ko sa kahariang ito. Dahil sa konti ng nalalaman ng mga tao at hindi nila alam kung anong nakakaya ng isang Cursed Attribute User thus my power was considered a taboo.
Mas lalo akong pinagtawanan ng mga tao dito sa palasyo lalo sa kapatid kong si Eris. Mas lalo akong nagdusa sa kamay ng mga alipin ni Eris at ng Hari, araw-araw na kumakain sa mga natirang pagkain dito para mabuhay. Ganito ba ang buhay ng isang prinsesa?
Kumakain ako ng mga natirang pagkain para mabuhay pero…bakit kailangan ko pa mabuhay? Walang kwenta ang buhay ko sa mundong ito. Nabubuhay akona parang aso ng mga tao dito. I’d rather go with my mother.
The bright life I had with my mother despite our hardships was enough and now that I have no where to go but in this damned palace, my life became black and white. I became numb of everything. Might as well end everything right?
Naging 15 anyos na ako at tatapusin na sana ang sariling buhay ngunit ayaw kong sayangin ang pinaghirapan ni ina upang lumaki ako.
Bigla akong pinatawag ng magaling kong ama na Hari. Perhaps, naalala na niya ako? Ituturing na niya rin ba akong anak niya? Mamahalin niya ba ako? Magiging tulad na rin ba ako kay Eris na sobrang mahal niya? Matutulad na rin ba ako kay Eris na may mga matinong damit at pagkain?
My heart skipped a beat. Sobrang laki ng ngiti ko habang inihanda ang sarili para sa pagkikita ng ama ko. I picked the best clothes I could find despite my worn-out and outdated wardrobe. I fixed myself as hard as I could as I went out from my ever so gloomy and abandoned palace.
Hinintay ako ng isang royal escort mula sa labas. Tingnan niya ang sarili ko na may pandidri. It was obvious. He was treated much better than this illegitimate princess. Halata sa mga damit niya ang bagong laba at mga kumkintab na mga alahas sa uniporme niya habang ang suot ko lang ay isang gown mula nung 12 pa lang ako na tinahi ng pinakamamahal kong ina.
Tahimik kaming naglalakad patungo sa sentral na palasyo at matapos ang mahabang paglalakad huminto siya at bumaling sa’kin. His eyes were evident that he held no respect for me, even though I was given the title of a princess.
“Nandito na po tayo, prinsesa,” sarkastik niyang bigkas and half assed bowed at me. Halata ang iniisip niya sa ‘kin. Bakit kailangan ko pang yumuko sa taong ito?
I payed no heed at him and stopped in front of the huge, grand ornate door majestically waiting to be opened. Napansin ako ng nagbabantay sa pintuan at parang hindi niya ‘ko kilala. It was understandable since I barely went out of my palace and it’s my first time here in the central palace.
I looked more like a country bumpkin than an actual princess. Nang makita niya ang buhok kong kagaya sa ina ko, agad niya akong nakilala. People barely knew me pero nalalaman nilang ako ‘tu base sa buhok kong mala-silver at ang pula kong mata kasama ang cursed attribute ko, parang demonyo ako sa paningin nila. My silver hair is the indication that I’m a curse attribute user.
“Princess Asteria Leyrin Valdis has arrived!” malakas na anunsyo ng tagabantay at sabay dito ang pagbukas ng malaking pintuan sa harap ko.
Binungad ako ng isang magarang silid. Complex gold carvings were found at the tall pillars of the hallways and at the end of the hallway was the king, my father, sitting leisurely on his golden throne and beside him was Eris, my sister, snickering at my existence, both of them belittling my whole being.
I was dumb to think na pinatawag ako para manghingi ng tawad sa ‘kin at sa wakas, magiging masaya na kaming pamilya. It was childish, delusional, and hopeless.
Sa harap ng trono ng hari ay ang mga nakalinyang Maharlika ang nakatingin sa ‘kin. Ngayon ko lang sila nakita at ganon din silla. Sobrang gara ng mga suot nila, halatang wala akong lugar dito. May ibang mga maharlikang tumingin sa ‘kin na natatawa, walang paki, at naaawa.
“Ah, anak ko,” plastik na ngiti ng hari sa ‘kin. Hindi ako umimik habang sa harapan niya at yumuko lamang.
“Nagtataka ka siguro kung bakit ka naming pinatawag dito,” aniya. Patuloy ako sa pagiging tahimik, naghihintay sa susunod niyang sabihin.
“What a gloomy child,”
“Mapagkakamalan ko iyan bilang pulubi kung hindi lang niya taglay ang gandang yan,”
“Ano nang nangyayari sa pinakamataas na pamilya dito sa kahariang ‘to? To be able to conceive such disgrace…,” rinig kong usap-usapan ng mga Maharlika sa paligid. Nanatili akong tahimik kahit naiinsulto na ako.
“As expected of a p********e’s daughter…” and there. The thread that I was holding on to barely managed keep it self together.
Walang kayong Karapatan para insultohin ang ina ko, lalong lalo na kayo sa lahat ng mga tao dito. Ha! p********e? My mother was forced to be in the bed with that damned father of mine! Kaya nandito ako ih, kasi sobrang r****t ng taong tinatawag niyong hari! Beggar? Hinding hindi ako magiging ganito kung atleast binigyan ako ng pera ng magaling kong ama para sa pagkain at matinong damit! Wala kayong alam!
Nanginginig akong nakikinig sa lahat ng mga tao dito. But I can’t lose to anger dahil mas mapapatunayan ko ang mga pinagasasabi nila.
“Ellion, pumunta ka dito,” sabi ng hari sa isang matangkad na lalaki.
Nakangiting tumingin sa ‘kin ang lalaki. Mukhang nanggaling siya sa isang makapangyarihan na pamilya.
“Ellion, this is my daughter. Isn’t she…pretty?” ani ng ama ko. Malakas na tumawa si Eris sa ‘kin pero as usual, wala akong reaksiyon.
“She is. As expected of your bloodline, your Majesty,” ngumiti ang lalaki sa ‘kin. Normally, wala lang sa ‘kin ang ngiti ng mga tao dito sa palasyo. But his smile made my heart warm. Napaka genuine ng ngiti niya, parang gusto ko ring ngumiti sa direksiyon niya.
“That’s good to hear then. Asteria, my daughter,” tawag sa ‘kin ng hari.
“Yes…father,” nagdadalawang isip kong sagot sa kaniya. Father? Kailan? Mas mabuting tawagin ko siyang ‘your majesty’.
“From now on, you will be wed to Ellion De La Croix, the duke’s successor, when you reach 18,” malaki ang ngiti niyang sabi niya sa ‘kin. Duke? Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko kilala ang lalaking ‘to at mas lalong hindi ko ito mahal. Bakti ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal?
“Wha…” mahinang sabi ko nang mangibabaw ang boses ni Eris.
“DAD? What the hell?! Ellion’s mine!” parang bata na tantrum ni Eris. Mas matanda siya sa ‘kin ng dalawang taon pero nahahalata ko ang pagiging isip-bata niya.
“That’s okay, Eris…Dad will make it up to you okay?” pagpapakalma ng hari sa kanya. Eris glared at me like a sore loser at umirap sa ama niya. Malandi siyang tumitig kay Ellion sa tabi ko pero hindi siya pinansin ni Ellion.
What Eris wants, Eris gets. Bakit naman ipagdadamot ng hari si Ellion sa anak niya? Gusto ni Eris si Ellion pero sa ‘kin ipapakasal ito when my existence was already forgotten in this palace. Ngayon pa nagparamdam ang amang ‘to. Anong pinapalano nila? Obviously, this marriage was just for political benefits for both parties pero ako lang ang walang nakukuha dito.
I knew I couldn’t refuse them. If I tried to escape, the king will eventually find me and imprison me. I also have nowhere to go aside from this place. Wala akong ari-arian, kasama, kakampi. I was cornered.
Ilang mga buwan na nakabuntot si Ellion sa tabi ko simula nung opisyal kaming naging magkasintahan sa papel. He gave me presents, gowns, jewelries, foods that I never had when I was a child and etc. Labis kong binantayan ang sarili ko na wag mahalin ang lalaking ito pero mas lalo niyang pinapalapit ang sarili niya sa ‘kin.
The more he spent time with me in my God-forsaken palace, naging komportable ako sa presensiya niya and at the same time, naging kabado para sa kinabukasan. Inamin niyang mahal niya ‘ko at umamin rin ako. Like the typical love story that anybody could read in books.
“My ever so pretty Asteria…It’s a blessing that I’m engaged to you,” ngumiti si Ellion sa ‘kin na mas lalong nakapagpatibok sa puso ko.
“Ang tagal pa bago maging 18 tayo. I can’t wait to get married with you, Asteria. We’ll have kids and we’ll spoil them so much,” sabi niya habang nakahangad sa langit at mahigpit na hinahawakan ang kamay ko.
“Don’t spoil them. Hindi yan mabuti para sa kanila,” sabi ko sa kanya na nakapagpatawa sa kanya. If we’re going to have children, I won’t let them become someone like Eris.
“Then I spoil them and you discipiline them. Madali lang diba?” natatawang sabi ni Ellion sa ‘kin. Tumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon.
“I can’t wait for you to be mine. Let’s get married soon, Asteria.” Sabi niya at niyakap ako. I can’t wait either.
Naging mainit ang ulo sa ‘kin ni Eris. Obviously, she liked Ellion so much, she would harass me everytime she had a chance. Paulit ulit siyang bumabalik sa palasyo ko kahit di niya ‘to ginagawa nung hindi pa naging kami ni Ellion. She would check up on us but it didn’t stop Ellion and I. Pero kahit nandiyan si Ellion sa tabi ko hindi pa rin ako nakakalabas sa kulungan kung saan pwedeng pwede akong saktan ni Eris.
I couldn’t fight her as much as I wanted to. She was strong. She had the fire attribute, considered the most powerful type of attribute. While me? I didn’t even know about the basics of this power of mine. Self-learning magic is considered suicide. It could develop poison inside you if you learned magic without professional guidance. Eris had the guidance of the best mages here in the kingdom while I had no one.
“Is it fun?” rinig kong boses ng isang babae sa likod ko. Mapayapa akong naglalakad sa staircase ng palasyo ko ngunit nawalan agad ako ng gana ng marinig ko ang babae.
“Ang ano?” lumingon ako sa babaeng nakataas ang kilay sa ‘kin. Eris snickered at me and slowly walked towards me on the spiral stairs of the palace. Mahigpit akong napahawak sa railings habang mas lalo iyang lumalapit.
Makikita mo ang galit sa mukha niya. Huminto siya sa harap ko at hinaplos ang pisngi ko.
“Masaya ka ba dahil sa wakas, may nakuha ka na sa mga gustong gusto ko?” mahinang sabi niya malapit sa tenga ko habnag patuloy na hinahaplos ang pisngi ko.
“Hm? My dear little sister?” tumigil siya sa paghahaplos at pinisil ang pisngi ko. Napapikit ako dahil hindi lang pisil ang ginawa niya. May dalang apoy ang pagpisil niya sa pisngi ko at napa-aray sa utak ko. I remained numb on the outside as much as I could. It’s better not to show any reaction para mabitin siya sa mga ginagawa niya.
“O? Ba’t di umiimik ang bunso ko?” tumawa siya habang nakatakip sa bibig niya. It was elegantly cruel. “Sabagay, bunso ba talaga kita? If only… your p********e of a mother didn’t seduce my father, hindi ka sana magdudusa sa mga kamay ko ngayon,” aniya. Alam niyang kahinaan ko ang ina ko.
“My mother was not…” I hesitated to continue my sentence. Even if I did tell the truth, walang magbabago.
“Hm? May sinasabi ka? Pakilakasan Asteria, halatang hindi ka tinuruan ng ina mo kung pano magsalita,”
“MY MOTHER IS NOT A p********e! Walang konsinteng dinala ng ama natin ang ina ko sa kama niya!” sigaw ko sa kanya. Wala na. Nasabi ko na. Alam ko namang walang punto ang mga sinabi ko sa taong nasa harapan ko.
Naging kamao ang mga kamay ko at tumawa ng malakas si Eris.
“Nakakatawa ka, Asteria. Doesn’t that mean you’re an unwanted existence? Are you accusing your own father as a r****t?!”
That’s because he is.
“Bakit ka ba nandito? Dahil na naman ba ito kay Ellion? Hindi mo ba matanggap na mas pinili niya ‘ko kesa sayo? Hindi mob a matanggap na mas higit pa ako kesa sayo para sa kaniya?”
“Shut up… shut up, shut up, SHUT UP!” galit na sigaw niya sa ‘kin. Her inferiority complex was too obvious when it came to Ellion’s love for me.
“Why would he love someone like you anyways?! Wala kang kapangyarihan mapa politika man o sa mahika! Nasa ‘kin ang lahat! Ako! Ako dapat ang mahal niya!” galit na sigaw niya sa ‘kin at sinampal ako.
Every slap hit differently. The more slaps she did, mas lalong umiinit ang kamay niya. Biglang may malaking apoy na lumabas mula sa mga kamay niya at tinutok ito sa ‘kin.
“Para kang bata, Ate. Ganyan ka na ba ka walang utak? Kausapin mo ang hari dahil siya ang may dahilan kung bakit magkasintahan kami ngayon ni Ellion. Huwag ako.” Sabi ko.
Binalewala ko siya at tinangkang ipagpatuloy ang mapayapa kong paglalakad sa staircase ng bigla siyang sumigaw.
“At saan ka pupunta?! Hindi pa tayo tapos!” sigaw niya mula sa itaas habang patuloy ako sa pagbababa sa staircase. Nagulat ako nang biglang may apoy na papunta sa direksiyon ko at agad-agad akong umiwas.
“I f*****g despise your existence you pest! Why are you even here?! If only…IF ONLY YOU DIDN’T EXIST!” sigaw niya sa ‘kin. Mas lalong lumaki at lumaki ang apoy na nasa kamay niya at hinagis ito sa direksiyon ko. Agad-agad akong umiwas sa apoy at tumakbo ng mabilis sa mala spiral na hagdanan even though it seemed like forever before I could reach the bottom.
Damn it. If only I knew how to use my attribute. If only alam ko kung paano lumaban. Sana ibang attribute nalang ang ibiniyaya sa ‘kin.
“That’s right. If only you don’t exist…” mahinang sabi niya pero rinig na rinig ko dahil sa pag echo ng boses niya.
Before I even noticed, her enormous fireballs were thrown at my direction along with her blades made of fire. Alam kong hindi ko na ito maiiwasan pero tumakbo pa rin ako. A painful sound vibrated in my ears when her attacks finally reached me.
Masakit ang buong katawan ko. Hindi ko na kinaya at unti unti na akong nawawalan ng paningin. The last final step I had was what led me to fall from the spiral staircase. Matinding sakit ang naramdaman ko mula sa atake ni Eris kasama na rin ang patuloy na pagkahulog ko sa hagdanan.
“Farewell, Asteria.” Huling narinig ko bago dumilim ang lahat.