KABANATA 5

2812 Words
Kabanata 5 Naglalakad ako ngayon sa quadrangle papunta sa graduate library. Nandoon kasi sila Lauren sa may receiving area ng library na hindi naman na ginagamit. Sa harapan lang ito pero wala nang nakaduty na mga intern kasi doon sila naka-assign sa college library (undergrad stud.) Pagkapasok mo sa building ng graduate library, makikita mo ang Entrepreneurship/TLE Unit, katabi nito ang hagdan papuntang second floor. Harap ng Unit ay ang pintuan na ng library. Ito kasing graduate library, ang gumagamit lang nito ay mga graduating student at mga nag te-take ng Masteral dito sa school. Yung itsura ng cabinet sa receiving area ay kaparehas yung itsura nito sa mga grocery store/Mall na kailangan mo dun iwan ang bag at payong mo tapos bibigyan ka nila ng number bago ka pumasok sa loob. At yung number na iyon, yun naman ang ipapakita mo kapag kukunin mo yung iniwan mong gamit. Mayroon din iton L-shape na mesa, pinaka front desk. Kaming mga Entrep at TLE major students ang tumatambay doon kasi malakas yung wifi at may upuan na malapit sa department building namin. Hindi naman maririnig ang ingay sa labas pag nandun ka sa loob ng library. Kaya ako naparito dahil magpapatulong sina Lauren at Jamaica sa pagbuhat ng mga kahon-kahon ng bondpaper papunta sa office. Yung iba kasing mga officers ay may pasok pa at yung iba naman, may ibang nakaatas na gawain. Since wala naman akong klase dahil mamaya pang ala-1, at wala rin sina Donna dito, umuwi silang tatlo sa kani-kanilang boarding house. Sinasama nga nila ako hindi ako pumayag kasi tinatamad akong maglakad. Mainit kasi. Naisipan kong tulungan nalang sila para matapos agad. Baka ma late pa sila sa klase. Marami pa naman daw iyon. Tagaktak na ang pawis ko paakyat ng hagdan. Dito ako dadaan sa skywalk kasi bawal tumawid sa kalsada sa mga oras na iyon at nakikita ko na rin ang tingin ni kuya guard sa akin. Mukhang namukhaan ata ako nito. Noong isang araw kasi, tinamad na akong gumamit ng skywalk kaya nagawa kung magsinungaling kay kuyang guard na may bibilhin lang ako kaya need kung tumawid. Eh siya naman, naniwala agad at nung papasok na dapat ako sa gate ng kabilang area ng campus, tinawag naman ako ng isang bantay na huwag ko na daw uulitin yung pagtawid sa kalsada ng ganung oras dahil hindi na daw ako papapasukin sa susunod. Hindi naman galit yung boses ng guard na nakabantay sa araw na iyon kaya naghingi nalang ako ng pasensiya. Ngumiti lang ito sa akin at napailing. Buti nga at walang estudyante na dumaraan sa oras na iyon, kung mayroon nakakahiya pero keribels lang. Di ko naman na uulitin. Hinanap ko agad sina Lauren kung saan sila nakapwesto at nakita ko yung mga kahon kahon na mga bond paper sa mesa ng receiving area. Napahinga naman ako ng malalim. Grabe naman pala itong bubuhatin nila. Isang kahon pa nga lang ng mga bondpaper, mabigat na, what more pa kaya kung ipagsabay yung dalawang kahon, edi naging kuba na likod namin? Buti sana kung hindi pa aakyat ng hagdan ang papuntang office. "Kaya ba natin yang buhatin ng hindi nakukuba ang likod? Anong akala nila sa inyo, mga superwoman na hindi na kailangan ng tulong ng mga lalake?" tanong ko agad pagkalapit ko sa kanila. "Sorry, akala kasi namin mga 5 boxes lang yung dadating ngayon kaya nag assign na kami ng ibang gawain sa mga boys na officers. Yung iba may pasok pa ngayon. Eh need na ito sa office. Maraming i pprint na mga documents para mapirmahan na ng OSA. For approval kasi ang mga iyon." nangingiwing saad ni Jamaica. "Oh siya. Wala na tayong magagawa eh nandito na yan. Pwede naman na tigda-dalawa ang buhat natin kung kaya niyo lang naman. Pero alam ko kahit isang box kulang pa yung lakas niyong dalawa." natatawang sabi ko sa kanila habang naghahanap yung mata ko ng pwedeng maupuan. Sakit kasi ng mga binti ko dahil sa pagakyat ng hagdan. "Wait lang. Pwede bang magpahinga saglit? Sakit na talaga ng binti ko. At ang init-init pa. Yung pamaypay ko hindi ko alam kung saan ko nailagay." halata sa boses ko na pagod. "Go lang. Need namin mamaya yung lakas mo sa pagbuhat ng mga kahon." tila panloloko sa akin ni Lauren. "Ilang ba yang mga kahon na bubuhatin? Yan lang ba? Dami niyan eh. Wala ba sila Kuya Josh na pwedeng makatulong sa atin? Himala at wala ang mga iyon dito? Tambay kaya sila dito pag ganitong oras." nakakapagtaka naman talaga. Dahil kada wala kaming pasok ay nandirito lang ang mga iyon. Naglalaro ng mobile legends o di kaya ay nanood ng videos sa youtube. "Eh yun nga yung pinagtataka namin. Kaya nga dito namin pinalagay itong mga kahon na ito dahil akala naman po kasi namin na nandito sila. Wrong timing talaga." mababakas mo yung boses ni Lauren na nanghihinayang. Bakit ngayon pa dumating iton mga kahon na ito. "Ano ba kayo, baka kumain pa sila or di kaya pumuntang gym. Alam niyo naman ang mga iyon,baka nanonod ng mga nagka klase ng PE. Hintay tayo ng mga 5 minutes. Baka papunta na sila dito." natatawang sabi ko habang nakatutok sa cp. Nagtingin tingin lang ako sa youtube kung may bagong update na yung pinapanood ko na K-variety show tungkol sa mga bata na ang naiiwan lang sa kanilang magbantay ay ang ama nila. Nakakatuwa kasi iyon panoorin. Mga cute at matatalino kahit maliliit pa ang mga iyon. Mayamaya, nakarinig na kami ng mga boses ng kalalakihan na maingay na naguusap sa harap ng library. Tumayo ako at sumilip sa may pader ng aking inuupuan. Salamat naman at nandito na sila. Tinapik ko yung hita ni Jamaica para sabihing nandito na sila Kuya Josh kasama ang iba naming kaklase na lalake. Naka headset kasi sila ni Lauren. Nakikinig ata ng kanta. "Uy, tumayo na kayo diyan. Nandito na sila Kuya Josh. Patulong tayo." aya ko sa kanila habang nag-iinat ng kamay. Nilapitan naman ito ni Lauren para magrequest na kung pwede kaming matulungan sa pagbuhat. Pumayag naman ang mga ito. Yung mga boys tigdalawang buhat na kahon. Kami naman nina Jamaica ay tig isang kahon. Yung isang kahon naman ay planong iwan nalang at babalikan mamaya. Nagsimula ng maglakad sina Kuya Josh. Nauuna si Lauren kasi nga nasa kanya ang susi ng office. Ako naman ay tinatantiya pa kung paano ko mabubuhat ng maayos ng hindi malalaglag. Hinihintay naman ako ni Dio, kaklase namin. Natatawa nga siya sa itsura ko kasi naman napapangiwi ako. Ang bigat kaya. Nandito pa kami sa gilid ng pintuan ng library. Wala pa namang dumadaan. Nang okay na ang buhat ko sa kahon, agad naman akong tumayo at humarap sa pintuan, pero nabitawan ko yung kahon dahil may nakabangga sa akin at dahil na rin sa pagkabigla. Napa-aray ako ng malakas kasi naman po naipit yung hinliliit ko sa paa! Agad akong yumuko at tinanggal ang school shoes ko. Pagtingin ko sa hinliliit ko, namumula ito! Naka foot sack pa ako hindi ko na tinanggal. Manipis lang naman iyon. Hindi mabaho paa ko ha! Wag kayo! Agad naman akong hinawakan sa balikat ni Dio at tinanong kung okay lang ako. Kahit na hindi, tumango ako at ngumiti sa kanya ng pilit. Alam kung alam niya na hindi ako okay kaya nagpresenta siya na siya na lang magbuhat ng kahon at ako nalang humawak sa bag niya. Nakalimutan ko na iyong nakabangga sa akin. Pag-angat ko ng tingin, nakita ko si Lyndon na nangingiwi na nakatingin sa akin. Katabi nito si Kevin at Lucas na seryosong nakatingin sa paa ko. Agad ko naman sinuot ang sapatos ko at tumayo na. Nakapants naman ako kaya kampante akong hindi masisilipan. Humawak ako sa balikat ni Dio ng hindi ko kayang makatayo ng tuwid dahil nga sa paa ko. Tumingin ako sa harap at nakita kong nakatingin si Lucas sa kamay kong nakahawak sa balikat ni Dio. Agad ko naman itong tinanggal. Yumuko nalang ako. Nakarinig ako ng tikhim kaya nag angat uli ako ng tingin. "I'm sorry Elle. Hindi ko sinasadya. Hindi ko naman alam na tatayo ka pala. Ito kasing si Lyndon, panay tulak sa akin kanina. Hindi kita nakita agad. Sorry talaga. Masakit pa ba ang paa mo?" tumango naman ako sa kanya. Mababakas ang pag-alala nito. "Okay na. Medyo masakit nga lang kung ihahakbang, pero okay na ako. Kaya ko maglakad. Malapit lang naman yung room namin. Tutulungan naman ako ni Dio. Hehe" Tumingin ako kina Lyndon at Kevin na nakikinig lang sa aming usapan. Si Lyndon naman, pinagsalikop ang kanyang dalawang palad na parang humihingi ng pasensiya. At nag beautiful eyes pa sa harap ko. Di ko napigilan ang matawa kaya lumingon ang tatlo sa amin ni Lyndon. Si Kevin ay parang gusto masuka sa itsura ni Lyndon. Si Lucas at Dio naman ay wala lang. Seryoso ang mga mukha. Okay? Anong problema nila? "Maell, una na ako sa office. Baka naghihintay na sila sa atin. Ako nalang magbubuhat nitong kahon. Ipadala ko nalang yung bag ko sa room. Okay lang ba?" nahihiyamg tanong nito sa akin. Agad naman akong tumango sa kanya. "Oo naman! Hindi naman mabigat atsaka, sorry na din hindi kita masasamahan doon sa office. Medyo masakit pa kasi ang paa ko. At Thank you! Sabihan mo nalang sila Jamaica na hindi ako makahabol doon. Deritso na ako ng room. Hintay ko nalang kayo doon." nakangiti kong sabi kay Dio. Lumapit ako sa kanya para kunin ang bag na nasa balikat nito. Tumango ito sa akin at kina Lucas na parang nagpapaalam na siya ay aalis na. Sinuklian naman ito ng tango ng tatlo. Humarap ako sa kanila at magpapaalam na sana na ako'y pupunta na sa classroom ng hawakan ni Lucas ang kaliwang kamay malapit sa pulso ko. Nagtataka naman ako sa inakto niya, parang may gusto siyang sabihin na hindi niya magawa dahil nasa harapan namin sina Lyndon. "Lucas bakit? May kailangan ka?" Tumingin ako sa likod ni Lucas ng sumenyas si Kevin na mauuna na sila sa pag-alis. Tumango ako sa kanila. Hawak pa rin ni Lucas ang pulso ko at kinaladkad sa gilid ng pader. Hindi naman malakas kasi nga masakit yung paa ko. "Uy, anong problema? Okay ka lang?" hanggang ngayon hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. "Sa susunod ko nalang ibibigay ang panyo mo. Naiwan ko sa bahay." yun lang pala ang sasabihin niya. Akala ko naman kung ano na. Seryoso pa rin ang mukha. "Oo ba. Okay lang. Muntik ko na ngang makalimutan eh. Buti pinaalala mo." sabi ko sa kanya. Naiilang ako sa hawak niya kaya pilit ko naman itong ginagalaw para bitawan na niya. Nakita niya ata na naiilang na ako kaya binitawan naman niya ito. Tumingin siya ng deritso sa mata ko. Ano ba yan! Hindi manlang ako nakapag ayos ng mukha ko kanina. Nakalimutan ko na ang haggard na pala ng mukha ko. May lipstick pa ba ako? Hindi ba oily itong T-zone area ko? Wala bang morning glory (muta) mga mata ko? Paano kung mayroon? Nakuuuu nakakahiya naman sa crush ko. Bakit ngayon pa siya tumitig sa akin! Bakit hindi nung una naming pagkikita. For sure, maganda ang postura ko nung araw na iyon! Bakit Lucas?!Bakit! Stop na nga! Ang arte ko naman. Eh anuman kung pangit ako sa harapan niya? Alam ba niya na crush ko siya? Hindi naman eh. Kaya okay lang noh. Okay lang self. Kalma. Napalingon ako sa kanya ng marining kong tumawa siya. Siguro nakita niya mukha ko na parang natatae kanina? Baka ma turn-off siya sa akin? Wag naman sana noh! Hindi pa nga nagsisimula, tapos may katapusan agad? Feeling Maell! "Oh, anong nakakatawa?" pasuplada kong tanong sa kanya. Para naman matakpan ko yung pagkapahiya kanina. "Wala! Yung ekspresiyon ng mukha mo kasi kanina, nakakatawa. Sino nga pala iyong lalake kanina? Manliligaw mo?" "Hindi noh! Classmate ko lang iyon. Si Dio. Bakit mo natanong?" "Ang angas ng dating kasi. Akala mo naman." masungit na sabi nito. "Hoy! Wag ka ngang judgemental! Mabait kaya yung tao. Sadyang hindi mo pa kasi kilala kaya nasasabi mo iyon." pagtatanggol ko naman kay Dio. Mabait naman talaga si Dio. Ganun lang talaga yung appearance niya. Malakas ang dating. Don't get me wrong, I don't have a crush on him. Friends lang. Matangkad at medyo kalakahan din yung katawan nito. Nag ggym kasi iyon at tambak sa hard training. Basketball varsity player ng school. "Kahit na. At bakit naman pumayag ka na ikaw magbuhat ng bag niya? Wala ba siyang kamay? Kita na nga niya na hindi ka makalakad ng maayos tapos papabitbit pa?" ano naman iyon sa kanya? Ako naman yung magbubuhat. Kung makapagreklamo itong tao na to kala mo naman siya ang magdadala ng bag. "Hoy! FYI, kung hindi ako nabagsakan ng kahon kanina sa hinliliit ko, edi sana ako yung nagbubuhat nung kahon na dinala ni Dio sa office, edi sana nakatulong po ako sa kanila. Yung isa kasi diyan, hindi nagdahan dahan sa pagpasok ng pintuan kaya nahulog tuloy yung kahon na dala ko. Edi sana hindi po ako yung magbibitbit nitong bag ni Dio." pang aakusa ko naman sa kaniya. Eh sa totoo naman noh! Kung hindi siya pahara-hara kanina edi nakapunta kami ng office ng matiwasay. Tinaasan niya ako ng kilay bago sinamaan ng tingin. Oh, kita mo, siya na nga may kasalanan. Nag a-attitude pa. Tse! "Ah, basta pagkapasok mo ng room niyo, ihagis mo agad yang bag na iyan! Hindi naman sa iyo yan. Pinagdala-dala pa kasi." galit na turan nito sa akin. Hindi ko alam kung saan siya galit, sa akin ba? Kay Dio o sa bag nito? Attitude talaga ng lalakeng ito. "Uy, grabe ka naman. Tinulungan naman ako ni Dio kanina. Maayos ko itong ilalagay sa upuan niya no. Baka may mahalagang bagay dito o babasagin edi ako pa itong magkakaroon ng kasalanan?" "At alam mo pa talaga yung upuan niya? Wow ha. Iba din. Sana all." luh, galit siya niyan? Itsura nito. "Of course naman. Isang upuan lang kaya ang agwat namin kaya alam ko no. Sige na. Papunta na sila dito. Makita pa tayo na magkasama. May pasok pa kami. Kaya sige na. Hanapin mo na sina Lyndon. Naiwan ka pa tuloy nila." pagtataboy ko sa kanya. An tagal na pala naming nag uusap. Nakaalis at nakadating nalang sila Lauren, magkausap pa rin kami. Bilis naman ng oras. Tumingin ako sa relo ko, 5 minutes nalang at start na ng klase namin. Nakita ko pa sila Lauren na nakatingin dito sa banda namin at panay ngisi nila. Tinutukso nila ako. Sumenyas sila na sa kabilang way nalang sila dadaan. Tumango ako sa kanila. Humarap naman ako sa kausap ko. Tinignan ko ulit si Lucas na nakatingin sa baba at nag-angat ng mukha na humarap sa akin. Anong meron sa baba? At parang galit pa sa akin? Ano na naman ang ginawa ko? Jusko pooo "Alis na ako. Wala na kaming pasok. Ikaw pumunta ka na ng room niyo. At iyang bag na iyan, itapon mo sa upuan nung lalaki na iyon. Sinasabi ko sa iyo Elle." luh ba't may pagbabanta na nagaganap dito? Walang kasalanan yung bag kung alam niyo po. Itong crush ko talaga. Naku naku, sige na lang. Pero hindi ko gagawin ang pagtapon sa bag ni Dio no. Pagalitan pa ako nun. Hindi naman malalaman ni Lucas eh. Wag kayong maingay. Hahaha "Oo na po. Sige na. Babye. Ingat ka! Babush!" tumalikod na ako sa kanya at akmang maglalakad na ng tinawag na naman niya ako kaya humarap ako sa kanya. Nakita ko siyang nakahawak ang isang kamay niya sa strap ng bag at yung isa naman ay nakapaloob sa bulsa nito. Uy crush, wag naman ganiyan! Pagkagwapo gwapo talaga neto! Eki-kiss ko talaga to. Yiieee joke lang. Kahiya. "Open ka ng sss mo mamaya. May sasabihin ako sa iyo. Sige alis na ako." ngumiti siya sa akin at tumalikod agad. Naglakad ito na nakalagay na ang dalawang kamay sa loob ng bulsa nito. Pa cool kid talaga. Kung hindi lang kita crush. Hmmp! Ano naman kaya ang meron sa sss? Tamad na akong mag open ng sss kasi puro negative lang mga nakikita ko doon. Puro pambabatikos sa gobyerno kung bakit si ganito ganiyan, si ano papansin, walang ginagawa si ano. Ah basta. Bakit di nalang nila suportahan at ng magkaisa na ang mga tao sa Pilipinas? Ah ewan! basta ako shared post ng shared post lang. Single naman ako kaya yun lang gawain ko no. Alamin niyo na lang kung broken, inlove, sad o papansin lang talaga ang mga shared post ko. Hahaha Author's note: Don't forget to vote ⭐, SHARE and leave a comment. ♥♥♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD