KABANATA 2

2080 Words
Kabanata 2 Habang papunta ako sa building kung saan ang room namin, kinakabahan pa rin ako kasi hello, di ko yun inaasahan. Buti na lang pala umupo muna ako doon sa may clinic kung hindi, hindi ko siya makakausap. Hay! Pagdating ko sa second floor ng building dumeritso ako sa room kung saan gaganapin ang klase namin, kaso mayroon pang nagka-klase sa loob kaya naghintay nalang ako sa labas. Sumandal lang muna ako sa may railings. Pagtingin ko sa relo ko, may sampung minuto pa ang nalalabi bago ang sunod na klase. Kung sana hindi ako umalis doon sa inupuan ko kanina, edi sana nakaupo ako ngayon. Hindi nangangawit ang paa. Naku naman kasi. Nagkausap lang ng crush niya, apektado na. Eh kasi naman. Iba pala ang feeling ng harap harapan kayong nag uusap. Yung puso ko feeling ko malapit ng lumabas at yung pisngi ko parang mapapaso yung magtangkang hawakan ito. Habang naghihintay na lumabas ang mga tao sa room na iyon, naisipan kung tingnan ang hallway. Marami na ang nagsisilabasan na mga estudyante sa mga room. Mga magkakaibigan na nagtatawanan. Kung nandito lang yung mga kaibigan ko edi sana hindi ako nag-iisa sa hallway na ito. Nakakailang kaya yung wala kang kausap tapos yung mga katabi mo eh ang saya-saya ng usapan nila na may halong tawanan. Lalakas pa ng boses akala mo naman sila lang yung tao dito. Pagtingin ko naman sa kabilang hallway, nakita ko yung crush ko, yung nakausap ko kanina. Papunta sila dito kasama yung mga kaklase niya. Siya talaga una kong nakita. Matangkad kasi siya at gwapo pa. Hehe Nung malapit na sila sa pwesto ko, agad akong tumalikod baka kasi sabihin niya na sinusundan ko siya. Akala ko hindi niya ako makikilala, yun pala... May naramdaman akong may kumalabit sa balikat ko kaya lumingon ako para tingnan yun kaso ang bumungad sa akin ay ang daliri niya na nakatusok sa bandang pisngi ko. Yung kamay niya nakahawak na sa balikat ko. Yung itsura ko hindi ko maipinta kasi naman, ikaw ba, ganyan bubungad sa iyo. Pagtingin ko sa mukha niya nakangiti ito. Hindi yung nang aasar. Genuine ba. Kaya yung naisukli kong ngiti eh halatadong pilit na kinakabahan pa. "Hello! Ikaw yung kanina diba? Sa clinic, naalala mo? Ako nga pala si Lucas Edison Mendoza. Nakalimutan kong magpakilala kanina." pagpapakilala naman nito sa akin. Paano ko ba iyon makakalimutan eh yun yung unang beses na kinausap mo ako? Gusto ko sanang sabihin iyon kaso mahalata pa akong may crush sa kanya. Wag na. Kahit di mo na ipakilala sarili mo, alam ko naman na pangalan mo. Hehe Kahit na nahihiya ay nagpakilala na rin ako. "Ako naman si Ma. Francesca Ellenor Victorio. Maell nalang. Hehe." Napalingon kami ni Lucas nung magsalita yung kaibigan niya. "Oh Pare, sino yan? Chicks mo?" tanong nito na nakatingin sa akin. May itsura din ito. Mararamdaman mo na palabiro ito. Atsaka malikot. Parang di mapirmi sa pwesto. "Huh? Anong chicks? Kaibigan ko. Si Ma. Francesca Ellenor, taga-College of Management and Entrepreneurship. Ah, Elle, mga kaibigan ko nga pala, si Lyndon at Kevin." Sandali, alam niyang taga-CME ako?! Paano? Omo omo! "Ah, kilala ko na sila." Nakitaan ko naman siya ng pagtataka. Kaya dali dali akong nagsalita.----"Alam ko kasi nakikita ko kayo madalas na magkakasama. Yun. Oo." "Talaga? Nakikita mo kami madalas? Saan naman? Sa gym? Sa cafeteria or sa library?" tanong ulit ng kaibigan na si Lyndon. "Oo" ngumiti ako para hindi awkward. "Oh, Pare, una na kami. Bibili pa ako ng maiinom. Nauhaw ako doon sa reporting natin kanina. Haha . Sige Elle, kita kits na lang. Tara na Kevin." sabi naman ni Lyndon. "Ah sige, Bye."ani Kevin "Bye" "Wala ka pang klase? Ba't andito ka pa sa labas?" tanong niya. Yung kamay niya kanina na nakahawak sa balikat ko ay nakahawak na sa bag na nakasukbit sa balikat niya. "Ahm, ano kasi, hindi pa oras ng klase namin atsaka may tao pa sa room. Hindi pa sila tapos sa klase." "Ganun ba? Pansin ko wala dito mga kaibigan mo? Saan pa sila?" "Nasa boarding house pa nila siguro. Malapit lang dito kaya ang lalakas ng loob. Baka papunta na rin dito. Limang minuto nalang kasi klase na namin." "Sila Kevin rin kasi ganun din. Palaging late kahit na tatawid nalang sila para makapasok sa school. Tatamad kumilos ng maaga." Tumawa naman ito. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganito. Sa harap ko mismo. Nakakailang nga lang kasi yung iba napapatingin dito sa amin. Yung mga kaklse ko naman na iba eh nakatingin dito. Siguro nagtataka kung bakit may kausap ako na lalaki. "Ahm, ano sige na. Pumasok ka na. Ma late ka pa. Dito lang naman yung room namin." Tinuro ko naman yung kaharap na room. "Sige Elle. Punta na ako sa klase ko. Bye." "Sige." nakangiti na sabi ko. Bago ako pumasok sa room, kumaway muna ako sa kanya at hinintay na makababa ito ng hagdan. Papasok na sana ako kaso, hinarangan naman ako ng kaibigan ko. Si Mica Muriel Rosales. Yung prangka at nakakatakot ko na kaibigan. Hinila niya yung buhok ko kaya napa-aray ako. Sakit kaya! Loko to! "Uy, babaita. Ano yun? Si ano yun diba? Bakit kayo magka usap? Ha? Nagpapansin ka no? Imposible naman kasi na mapansin ka niya ng ganun ganun lang eh baka hindi nga niya alam na nag eexist ka? Ano? Magsalita ka! Itsura nito!" "Grabe ka naman! Eh sa kinausap niya ako eh. Malay ko ba na pansinin niya ako. Ginusto ko ba? Syempre hahaha." "Ano nga?! Magke kwento ka o gusto mo pang sabunutan kita? Ha. Mamili ka!" "Uy, uy ano yan? Anong kaguluhan ito? Bakit mo naman hinila buhok ni Maell? Problema mo girl?" Si Thara Camille, isa ko pang kaibigan. Maingay rin ito. For sure kung siya yung nakakita nung kanina, mas grabe ang bunganga nito. Napakaingay. Sira ulo rin. "Ito kasing babaita na ito, nakita ko, kausap niya si ano, yung crush niya. Yung taga-CAS. Grabe ha nakita ko yung pagtusok ng daliri sa pisngi ni boy kay babaita. Di ko keri te. Tanungin mo pa sina Kuya Yoss. Nakita din nila yon." "Talaga?! Anong chika?! Bakit ganun? Anong ginawa mo?! Nagpapansin ka ba? Natapilok? Nahulog sa hagdan? Ano? Magshare ka naman diyan! Damot nito!" See? Sabi ko sa inyo diba? Malala ito. Hay naku talaga. Tumingin naman ako sa likod ni Thara baka kasi kasama niya sina Lauren at Jamaica sa pagpasok. Himala, wala pa ang dalawang iyon. Ah baka nandoon sa office ng Entrep Club. Officers kasi ang mga iyon. Madaming ginagawa ngayon. Si Donna naman nagtext kanina na nasa CR pa siya. Mahaba raw ang pila. Matatagalan yun doon sigurado. At wala nga akong nagawa kundi ang ikwento kung ano ba talaga ang nangyari kaninang umaga hanggang sa part na kung saan nakita kami ni Mica sa hallway. "Totoo? Baka naman panyo talaga niya iyon? Da moves lang niya iyon para makausap ka?" sabi ni Nica Marie "Di naman siguro. Himala at napansin ka? Eh nung nakakasabayan naman natin sila papuntang gym eh hindi naman iyon lumilingon sa atin? Baka akala niya na sa iyo talaga ang panyo na iyon. Hayaan mo na. Atleast diba nagkausap kayo. Anong feeling? Feeling mo bang pwede ka ng mamatay?" Tumawa naman ito ng napakalakas. Kaya lumingon ang kaklase sa pwesto namin. "Tumigil ka nga! Kalakas ng tawa mo! Nasa bahay ka ba? Ha? Sira ulo neto!" sabi ko naman sa kanila. Nakakahiya kaya. Mga papansin talaga tong dalawa na to. Sige parin sa panunukso sa akin. "Tumigil na nga kayo. Para iyon lang. Big deal, big deal?! OA niyo po. Di pa pwede magkausap kami ha? Sama niyo ha." Sabay irap ko sa kanilang dalawa. Tingnan mo sila, silang dalawa na ang magkausap. Para namang hindi sila magkasama sa iisang boarding house. Diba sila nagsasawa sa pagmumukha ng isa't- isa? Iniwanan nila ako at pumunta na sa kani-kanilang upuan. Hiwa-hiwalay kami ng upuan kasi alphabetical order. College na po kami pero di namin alam bakit kailangan pa na mag alphabetical order sa pag upo. Pero okay na rin ito kesa kung tabi-tabi kaming anim. Naku palagi kaming mapapagalitan. Ang iingay kaya nila. Kami lang ata ni Donna ang taga saway sa kanila. Mga middle man kumbaga. Natahimik ang buong klase ng pumasok na ang guro namin. Yung mga kaibigan ko naman eh nagsitahimik at umupo na ng maayos. Akala mo naman ang babait. Tse! Hahaha Natapos ang klase ng walang gaanong activity na pinagawa sa amin. Iisang guro lang sa dalawang major subject namin ngayon kaya hindi kami lumilipat na ng room. May break lang kami ng 15 minutes tapos tuloy na sa susunod na subject. Pagkatapos ng apat na oras, natapos na sa wakas ang klase. Sakit sa pwet nun ha. Pagkalabas ng guro namin sa room, agad tumayo yung ibang kaklase ko para tumayo at mag inat-inat ng katawan. Yung ibang palabas na ng room ay biglang tumigil dahil nagsalita ang isa sa mga officers ng classroom. "Classmates! Makinig! Wala munang lalabas ng classroom okay? May announcement lang si President. Balik sa upuan yung nandiyan sa pinto. Bilis, bilis nang makauwi na kayo. Kuya Yoss pabantay naman sa may pinto. Mayroon kasing tumatakas dito para umuwi agad. Mabuti na ang sigurado." sabi ng class Secretary namin. Nagtawanan naman kami kasi totoo iyon. Mga atat makauwi at makagala sa labas. "Okay, good news guys! Wala tayong pasok kay Maam Macasaet ngayon. Mayroon daw silang mahalagang meeting para sa darating na accreditation ng school na gaganapin next month. Kaya pwede na kayong umuwi. Walang iniwang gawain kaya magsaya tayo ngayon dahil siguradong pagkatapos ng accreditation ay sunod sunod na ang gagawin natin para sa thesis. Yun lang! Magsiuwian na!" Di naman namin mapigilan ang matuwa kasi walang gaanong gagawin ngayong linggo. So maraming oras ako para makapagbasa ng kwento sa paborito kong app. Yes! Bago ako makalabas ng classroom, eh nakatanggap pa ako ng sabunot at kurot sa tagiliran ko mula sa mga baliw kong kaibigan. Si Mica at Thara ay nagsabay na kasi same lang sila ng boarding house. Si Lauren at Jamaica naman as usual, deritso sa office ng Entrep Club. At kami ni Donna nagsabay na palabas ng gate. "Donna, mauna kana, dito nalang ako maghihintay ng masasakyan. Wala naman ditong dumadaan na tricycle papunta sa inyo. Ingat ka! Magtext ka sa akin kung nakauwi kana ha? Bye!" "Sige. Bye Maell. Ingat ka rin. Mwuaah! Hehe" Habang naghihintay ako sa labas ng gate, nakita ko si crush na papunta sa gawi ko. Tatawid ata ng kalsada. Nandito kasi ako sa harap ng pedestrian lane na kaharap ng university gate. Bakit dito pa siya dumaan eh may skywalk naman? Naku tinatamad atang umakyat ng hagdan. Nakita ko itong napatigil sa gikid ko at tumabi sa akin. Ako naman ay parang naging bato na sa kinatatayuan ko dahil sa kaba. "Hi! Pauwi kana? Saan mga kaibigan mo?" bumaling ako dito na parang nagulat kahit na alam ko naman na siya iyon. Pansin ko ha, palaging hinahanap mga kaibigan ko. Baka naman may gusto siya sa isa sa mga kaibigan ko. Naku sino kaya? Kalungkot naman. Akala ko pa naman. sigh. "Ano, umuwi na sila. Sina Lauren at Jamaica naman eh nasa office pa. May ginagawa. Bakit mo sila hinahanap?" Tumawa naman ito kaya napatingin ako sa kanya. Okay? May nakakatawa ba? "Wala. Nakikita ko kasi kayo palaging magkakasama. Ang ingay niyo nga eh. Para kayong hindi mapaghihiwalay." "Ganun? Kailangan rin naman namin maghiwa-hiwalay kasi hindi naman po parehas ang inuuwian namin." sarkastiko kung sagot sa kanya. Pagtingin ko ulit sa kanya, parang gusto niyang tumawa kaso pinipigilan niya lang. "Alam ko. Di ka naman mabiro." Natahimik naman kami sandali. Pinapakiramdaman ang isa't-isa kung sino ang unang magsasalita. Nakatingin lang ako sa kalsada habang si crush naman hindi ko alam kung anong ginagawa sa gilid ko. "Paano andiyan na yung multicab papunta sa terminal. Mag iingat ka. Magtext ka sa kaibigan mo na nakauwi ka ng maayos para hindi sila mag-alala." Akala ko umalis na siya. Hinintay pa pala ako na makasakay. Sweet naman. Hahaha "Sige. Ikaw rin. Mag iingat ka. Bye." Huminto naman ang multicab sa harapan namin kaya sumakay na ako. Kumaway nalang ako sakanya pagkaupo ko. Nakita ko siyang pumasok na sa gate ng eskwelahan. Author's note: Hello po! Don't forget to vote ⭐, SHARE and leave a comment. ♥♥♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD