CHAPTER 9: Concern

1634 Words
Nanlaki ang mga mata ni Aula nang makita ang mga bentahan ng street foods sa kalyeng pinuntahan nila ni Kalil. Syempre nakapag-disguise na din ito para hindi nila ito makilala. Takam na takam siya sa kanyang nakikita. "Ano sabi ko na sa'yo ei, marami dito." "Oo nga paano mo nalaman na may bentahan ng ganyan dito?" nagtatakang tanong niya. Alam naman niya na richkid ito. "Lumaki ako sa kalye na'to." "Talaga!? Akala ko rich kid ka lang!" Tumawa ito sa sinabi niya. "Siyempre hindi pa naman ako nakakalimot, ano kuha ka na libre ko!" sabi nito na nagliwanag agad ang mga mata niya. Kumuha na siya ng isaw, paa ng manok, kwek-kwek at marami pang iba. Gusto niya kasing tikman lahat ng naka-display sa tinitinda ni manang. Maging si kalil kumuha na din pero siyempre mas marami ang kinuha niya at sigurado naman siya na kakainin niya lahat ng iyon. "Ang dami niyan ah, sigurado ka ba na kaya mong ubusin 'yan?" puna nito sa dalawang styro na hawak niya. "Aba siyempre ako pa! Baka naman ayaw mo lang bayaran ang mga kinuha ko? Nagtitipid ka ba? Sige isasauli ko na ang iba." sabi niya at akmang bubukasan ang isang styro nang pigilan siya nito. "Ikaw naman pinuna ko lang naman siyempre treat ko nga di ba?" "Naman pala ba't kasi puna ka pa ng puna!" masungit na wika niya. Binayaran na nito nag bill nila at limang daan lahat iyon. Bumalik na sila sa kotse nito. "May alam ako kung saan ang magandang kainin ang mga iyan." sabi nito. "Aba ikaw ang bahala!" Pinaandar na nito ang kotse nito at nagpatugtog itonng musika habang malakas naman ang boses niya na sinasabayan niya ang kanta. Wala na siyang pakialam kahit sintunado na ang boses niya at tawang-tawa naman si kumag. Maya't-maya ay itinigil nito ang sasakyan sa isang hotel. "Hoy kumag, bakit dito?" nagtatakang tanong niya. "Mas magandang kumain dito, mas tahimik. You know walang paparazzi atsaka pagabi na din!" "As in? Para namang sobrang sikat mo!" Muli itong natawa sa sinabi niya. "Baliw ka na ba!? Bakit lahat na lang ng sinasabi ko tinatawaman mo! Magseryoso ka nga!" wika niya. Samantalang si Nicolo lahat na lang sinasabi niya naiinis ito. "Kaya nga gustong-gusto kitang kasama! Ibang-iba ka sa mga nakilala ko." "Eww, ako inis na inis naman ako sayo! Kung alam ko lang kung saan ang bilihan ng street foods hindi ako sasama sa'yo!" Muli itong natawa sa sinabi niya. "Why are you so mean!" "Mabuti alam mo! Baba na nga tayo lalamig pa 'tong binili natin." Nauna na siyang bumaba sa kotse nito qt sumunod naman ito. "Bakit kasi dito mo pa ako dinala? Huwag mong sabihin na i-iyotel mo ko!" "I-iyotel!? Ano 'yan?" takang tanong nito "Aba, ewan ko sa'yo subukan mo lang, makakatikim ka sakin ng di mo pa natitikman sa tanang buhay mo!" "Aba, gusto kong matikman 'yan!" ngiti-ngiting sabi nito. Maitsura din naman ito kaya nga lang hindi din niya tipo. "Ah, ganun edi ano pang hinihintay mo pasok na tayo nang makatikim ka na sakin!" ********* Kanina pang palakad-lakad si Nicolo sa tapat ng building ng condo niya. Mag-aalas onse na pero wala pa rin ang babaetang si Aula! Naka-ilang misscalls na din siya dito pero hindi pa rin nito ito sinasagot! The heck! Ngayon lang ito na-late ng uwi. Pag dumating talaga ito makakatikim ito sa kanya! Pagdating niya ng condo niya kanina ay ang buong akala niya makakapagpahinga na siya pero nagkaroon pa siya ng kunsimisyon nang wala si Aula pagdating niya ng alas-sais. Galing lang naman siya sa mga ka-tropa niya at nagliwaliw dahil sobrang stress na niya sa trabaho at sobrang stress pa niya kay Aula at ngayon mas lalong nagdadagan ang pagka-stress niya nang hindi niya ito maabutan sa loob ng condo niya. Hindi kaya nawala na ito? Kargo de konsensya pa naman niya pag nawala ito. He knew how dense she is. Natigil siya sa paglalakad at pabalik-balik nang may kotseng tumigil sa harapan niya. Nanlaki ang mga mata niya nang lumabas si Aula at kasama nito si Kalil! Habang akbay-akbay niya ito at walang malay. Mabilis ang mga hakbang niya na nilapitan ang mga ito at siya na ang tumulong magbuhat kay Kalil. "What happened to him?" inis na tanong niya. Ewan ba niya kung para kanino siya naiinis sa mga sandaling iyon. "Ano ba 'yang kaibigan mo magyayaya nang-iiwan naman sa ire!" reklamo ni Aula. "Saan ba kayo pumunta!?" inis na wika niya. "Sa hotel!" "H-hotel!?" malakas niyang pagkakasabi. Parang tumaas ang dugo niya at napunta ang lahat ng iyon sa kanyang ulo nang marinig niya iyon! At ngali-ngali niyang ipukpok ang kamao niya sa pader sa building ng condo! "Oo, nagyaya ang mokong, dalawang rounds lang pala ang kaya! Ha ha, o sino ngayon ang hinahamon niya? Wala pala ang kaibigan mo madaling mangisay!" Nanlaki ang mga mata ni Nicolo sa sinabi ni Aula at dahil doon ay binitawan niya si Kalil sa kanyang pagkaka-akbay at wala na siyang pakialam kahit humiga na ito sa semento. Mabilis niyang hinawakan sa magkabilang-balikat si Aula na ikinagulat nito. "What did you just said!? You two checked in a hotel!? And did you two just had s*x!?" he said and groaned as he felt frustrated. Nang tingnan niyang muli si Aula ay ganoon pa rin ang reaksiyon nito. "You trusted that man so easily!? Where's your dignity, Aula? Hindi ba't sinabi ko sayo na iwasan mo si Kalil because he is a womanizer!" galit na wika niya. "Magsalita ka!" bulyaw niya dito. Ngali-ngali na niyang sakalin si Kalil at umbayan na ng suntok sa ginawa nito kay Aula! "Womanizer? Babaero si Kalil? Weh, di nga? Parang wala sa hitsura! Mas mukha ka pa ngang babaero." hindi makapaniwala na sabi pa nito. "Stop it, Aula! Don't make joke in front of me! Sagutin mo ang tanong ko!" muling bulyaw niya. Wala na siyang pakialam kahit pinagtitinginan na siya sa mga taong nakapalugid ngayon sa kanya. "Ang sakit mo sa tainga Nicolo! Ano ba ang pinagpuputok ng butse mo diyan? Aba, e, dinaig mo pa ang nanay ko a!" galit na sabi nito. Tila natauhan naman siya sa sinabi nito kung kaya't binitawan na niya ito. Ano nga ba ang ikinagagalit niya gayong wala dapat siyang pakialam pa kay Aula kahit sumama pa ito sa kung sinu-sino! And besides it wasn't his concerns anymore. Taas noo siya nitong tinignan, mata sa mata hindi niya alam kung bakit nenerbyos agad siya. "Are you dumb, Nicolo?" nanlaki ang mga mata niya sa gulat sa sinabi nito. "What the heck!? Where did you get that word!" Tumawa ito sa sinabi niya. "What the heck, Nicolo? Malamang may tainga ako galing kay Kalil 'yan kanina habang umiinom kami! Dalawang bote ng alak shi-not namin ayon nalasing agad! So Aula was adapting? Damn he should know that first. Hindi niya dapat minamaliit ang probinsyanang ito. "Akala mo siguro hindi ako nakakaintindi ng english, ano? Relax, Nicolo hindi kami nagpunta ng hotel para mag ganun! Napaka-dumi mong mag-isip! Ano'ng tingin mo sa'kin easy to get? At iyang kumag na 'yan nilibre lang naman niya ako at dun na kami sa hotel sa may bar sa baba kami nag-inuman ni kumag! At 'yong kotse niya naiwan dun sa hotel, kaya nagtaxi na kami pauwi alangan ako ang mag-drive!" Naramdam siya ng kaginhawaan. Bakit nga ba di niya naisip agad iyon? "Sigurado ka nag-inuman lang kayo?" paninigurado pa niya. Knowing Kalil lahat ng mga babaeng natitipuhan nito naikakama nito. "Hoy, di ko type 'yang si Kalil parang may saltik ang utak! Mas bet ko pa ugali mo 'yong medyo maayos-ayos naman." natatawa pang wika nito. Okay na kay Nicolo iyon kahit maka-ilang beses pa siyang insultuhin ng dalaga basta nalalaman niya na walang masamang nangyari dito. Naniniwala naman siya dito kasi alam niyang napaka straightforward nito kung magsalita at honest. Iyon ang nagustuhan niya dito kaya kinuha niya itong P.A niya. Pero iyon nga lang ba talaga ang dahilan? Ipiniksi niya ang kanyang isipin. "Oh, ano Nicolo ikaw na ang bahala sa kumag na 'yan, ah? Aakyat nako grabe nakakapagod mag-alaga ng lasing!" "Sandali," pigil niya dito at inabot ang kamay nito kaya napaharap itong muli. "Ano na naman! Utang na loob pagod na pagod ako ngayon," reklamo nito sa malamlam na mga mata. Alam niyang kinokontrol lang nito ang kalasingan which is good hindi gaya ng mga babaeng nakakainuman niya noon na halos hindi na makatayo sa sobrang kalasingan. He really admire her. What did he just said!? Damn, forget it. "Ayoko nang sumasama ka kay Kalil," "At bakit Nicolo!?" bulyaw nito. "Because you don't know him well!" asar na wika niya. Dinuro siya nito sa kanyang noo. "Hoy, wala kang karapatang sabihin sakin 'yan. Mabait naman si kumag atsaka hindi ako basta-basta sumasama sa kahit kanino kung alam kong masamang tao siya. Naiintindihan mo ba?" Hindi siya nagsalita. Naiinis na siya sa kanyang sarili kung bakit pinapakialaman pa niya ang buhay ni Aula. Nang hindi na siya nagsalita ay tinalikuran na siya nito at pumunta na ng elevator. Muli niyang nilapitan si Kalil at tinulungan itong tumayo at iginaya sa elevator. At bago pa man nakakapasok si Aula sa elavator ay nakapasok na sila ni Kalil. "Ako na!" galit na wika niya nang pipindutin na nito ang floor sa kung saan ang unit niya. Umatras si Aula at nagpunta sa gilid. Nakikita niya sa kanyang peripheral vision na humikab ito. Made of glass kasi ang elevator kung kaya't walang salamin na makikita ang mga reflection nila. Nang marating na nila ang kanyang unit ay walang imik na pumasok na sila. At dinala niya si Kalil sa sofa at dun na ito humiga. Si Aula naman ay nagtungo agad sa banyo. Iiling-iling na lang na tinungo niya ang kanyang kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD