Two days ng nasa US si Miya. Nasa bahay lang siya ni Michael. Lalo tuloy nag give chills ang nostalgia sa kanya. Gusto niyang kausapin si Kirby pero hindi pwede eh. Wala namang f*******: si Kirby at nagsawa na din iyon sa kanya.
Nag open si Miya sa Mac niya at nag connect sa internet ni Michael. Nakita niya lahat ng mga message ni Christina. Ayaw na sana niyang pansinin pero nagagalit siya dito sa pagtatago sa kanya. Ang rami niya din gustong itanong.
May sinend din si Christina na video. Inopen ito ni Miya at napatakip siya sa bibig niya. Video ito ni Christina na pinapatay ang pet niyang pusa. Naluha siya sa nakikita.
"Your mommy misses you and when you come home, I'm going to do this," atsaka pinaulanan ng saksak ni Christina ang patay ng pusa nila. "So, you better hide well."
Doon nagtapos ang video. Naiyak ng sobra si Miya. She can't believe na magagawa iyon ng inakala niyang ina. Pinilit ni Miya na kumalma then narealize niya na tama pala si Kirby about sa pill na kanyang iniinom.
Hindi mapakali si Miya na nagiisa lang siya sa bahay. Feeling niya nanood si Christina sa kanya kaya lumabas siya ng bahay.
Nagmamadali siyang makapunta sa crowded place. Nag tuloy tuloy siya sa paglakad. Nakalimutan na tumatawid na pala siya ng kalsada pag lingon niya sa gilid ay may humarorot na sasakyan. Dahil sa bigla ay hindi na tuloy siya makagalaw at nasagasaan nga siya ng bahagya.
Agad agad naman na bumaba ang nakasagasa sa kanya. At nang i angat ni Miya ang ulo niya sa babaeng nakasaga ay may nag flash back nanaman sa kanya. Biglang lumakas ang t***k ng puso niya.
*Flashback*
"Ito nalang soutin mo, medyo hindi ito revealing atsaka bagay na bagay saiyo," sabi ni Gabriella kay Melody.
"No! Ito ang soutin mo! Maganda ito. Sobrang ganda kagaya mo, mahuhulog agad ang panga ni Kirby boy," sabi naman ni Jean.
Natalo si Gabriella kay Jean kaya isinout nalang ni Melody.
"Awe, sabi na eh! Ang cute cute niya," sabi ni Jean at nag agree naman si Gabriella.
"Kinakabahan ka ba?" Tanong ni Gabriella nang makita ang reaction ni Melody.
"Medyo, kasi ito palang ang unang pagkakataon na nakaganito ako dito. Natatakot ako sasasabihin ni... Kirby," binulong ni Melody ang pangalan ni Kirby. Totoong takot siya na baka hindi magustuhan ni Kirby.
Nag chuckle si Gabriella sa sinabi ni Melody. "Ang ganda ganda mo kaya. Sure ako sobrang magugustuhan ni Kirby ang sout mo. Sasapakin kp siya pag hindi niya nagustuhan."
Pagkatapos sabihin non ni Gabriella ay lumabas na sila. Paglabas nilang tatlo ay nakatitig din ang tatlong lalaki. Nahihiya si Melody kaya nilapitan siya ni Kirby. Ang apat kasi ay nauna na maligo at nag train magsurf.
"It's a miracle, you haven't said a badword," sabi ni Kirby.
"Putangina, nakakahiya ang mag swim suit. Hindi ako sanay," pagreklamo ni Melody.
"And the miracle ended. Why'd you wear it then?" Tanong ni Kirby.
"Kasi nahihiya ako kina ate Jean at ate Gabriella. Ang babait nila saakin... ang bait mo din. Kahit na ilang times na kitang pinapaalis hindi ka parin umaalis," sabi ni Melody na nakayuko. "Feeling ko hindi na ako nag-iisa"
Inakbayan ni Kirby si Melody. "I'll always be here, dumpling. I told you I like you a lot," sabi ni Kirby.
"C'mon I'll teach ya how to surf," sabi ni Kirby atsaka nauna nang maglakad patungo sa dagat.
"I like you a lot din. Hindi... mahal na kita noon pa nung maglaro tayo online," bulong ni Melody atsaka siya tumayo at sumunod kay Kirby.
*end of flashback*
Kinabahan si Gabriella nang makita niya ang nasagasaan niya. Nanlaki ang mata niya, it was Melody kaya dali dali talaga siyang lumabas at inalalayan ito.
"I'm so sorry, are you okay?" Nagaalalang tanong ni Gabriella.
Tiningnan lang ni Miya si Gabriella. Nag process pa kasi sa kanya ang mga nakuha niyang memory.
Isinakay ni Gabriella ang wala sa utak na si Miya. Dinala niya ito sa malapit na hospital. Pinatingin niya ito sa doctor.
"She's okay. She's not hurt that bad, internal or external. But her legs was hit by the front of your car so it'll leave a little bruise," sabi ng doctor at nagsmile kay Gabriella.
"Okay, thanks," pasalamat ni Gabriella at umalis na ang doctor.
Pumasok si Gabriella sa kwarto kung nasaan si Miya. Lumunok muna siya bago man mag salita. "Uhm... I'm really really sorry."
Miya didn't want to look at Gabriella kaya sa window siya nakatitig. Nahihiya siya kay Gabriella, siya pa ang naka abala dito.
"You're alright, the doctor said. I'm really really sorry. If you don't want to talk to me now, that's okay. I'm just gonna be outside," sabi ni Gabriella at akmang aalis na.
"G-gabriella," bigkas ni Miya. Nilingon siya ni Gabriella at ngumite ito kay Miya.
"Masaya ako dahil nakikilala mo parin ako," tumabi si Gabriella kay Miya.
Hindi naman alam ni Miya kung bakit pero niyakap niya si Gabriella at umiyak. Hinagod ni Gabriella ang likod ni Miya. "It's okay. I'm here for you."
***
Ikwenento ni Miya ang mga nangyari kay Gabriella. Sobrang thankful siya dahil nga nasagasaan siya ni Gabriella.
"Hala! Hoy muntik na kitang mapatay tapos ang saya saya mo pa! Kaloka ka!" Sabi ni Ella tapos natawa siya.
Nag giggle si Miya. "Kasi naman, hindi ko na alam anong gagawin ate. Gulong-gulo na talaga ako."
"Gusto mo, bumisita ka muna sa bahay? May anak na pala ako," sabi ni Ella tapos ipinakita ang picture ni Zhavia.
"Ang cute cute po niya ate," complinent ni Miya habang nag sswipe right hanggang sa makita niya ang picture ni Kirby na buhat buhat si Zhavvy.
Nakita ni Gabriella na medyo naiba ang expression ni Miya nang makita si Kirby. Naisipan niya na mag kwento tungkol kay Kirby.
"Mahal na mahal ni Kirby si Zhavia. If it wasn't for Kirby, we wouldn't make it. Kaya nga ako iyong na guilty noong hindi siya agad nakabalik sa iyo..."
Nakikita ni Miya na nakokonsensya talaga si Gabriella.
"Kaya sorry talaga Melody kung hindi siya nakarating," mahinang sabi ni Gabriella.
"Wala naman may kasalanan ate Gabby. Ako lang ang sumuko. Gusto ko mag sorry kay Kirby..."
"Well, then sumama ka muna saakin sa bahay. Then ihahatid nalang kita kay... Michael," anyaya ni Gabriella at ngumite.
"Nag-sosorry nga po pala si Kuya Michael sa ginawa niya. Ang totoong Miya ang nagpa bago sa kanya. I hope na mapapatawad niyo po siya."
"Well past is past at okay na ang lahat. Pwede ka nanaman siguro makaalis dito kaya sa bahay ka muna okay?"
"Nahihiya po ako humarap kay Kirby eh..." nakayukong sabi ni Miya. Tumawa si Gabriella.
"He will be glad kung dadalhin kita doon sa bahay," ani ni Gabriella.
Iniwan na muna ni Gabriella si Miya para isabi sa doctor na aalis na sila. Minor lang naman ang nangyari kaya pwede silang umalis kahit kailan nila gustuhin.
Inalalayan ni Gabriella si Miya. Pinasakay niya sa front seat. Then she turned sa driver's seat at nag drive si Gabriella pauwi.
Nang dumating sila ay parang ayaw pa bumaba ni Miya. Napalaki ang mata niya, ang laki kasi ng bahay eh. Walang wala ang mansion na nasa Pilipinas.
"Halika na!" Sabi ni Gabriella na naka reach out ang kamay para maalalayan ulit si Miya.
Pumasok sila sa bahay. Sinalubong sila ng mga maids then dumiretso sila sa sobrang laking living room.
"Lorenzo! May bisita tayo!" Sigaw ni Gabriella accross the room.
Namangha si Miya dahil hindi man lang nag babago si Gabriella. Ang yaman yaman pero hindi mata pobre. Ibang iba sa karamihang mga mayayaman.
"Woah!" Ang tanging nasabi ni Lorenso nang makita si Melody.
"Hi po kuya," bati ni Miya.
Hindi alam ni Lorenzo kung paano siya mag rereact. Harap harapan niyang nakikita ang ikina de devastate ni Kirby.
"Uhm... nasa taas si Kirby. Do you want me to call him?" Tanong ni Lorenzo kay Miya.
"No, no, h-huwag na po," ini wave pa ni Miya ang kamay niya.
"Asan ba si Kirby?" Tanong ni Gabriella kay Lorenzo.
"With Zhavie. Oh by the way mom said, you should catch up with her cause she going to make dinner," then he turned to Miya. "Are you going to stay for dinner?"
"Uhm... uuwi po ako kasi baka malaman ni kuya Michael na wala sa bahay," sagot ni Miya.
"Michael?" Nakataas ang isang kilay ni Lorenzo. "Kuya mo si Michael?"
"Hindi niya kuya si Michael. Inakala lang niya and he said sorry. He changed." Si Gabriella ang sumagot.
"Talaga? Nakipag kita ka sakanya?" Medyo tumaas ang boses ni Lorenzo doon. Ayaw naman ni Miya na mag-away ang dalawa kaya pumagitna na siya.
"Hindi po, ako lang ang nagsabi kasi totoo po na nagbago na talaga si Kuya Michael. Hindi niya ako pinabalik kay Tina at kinupkop niya ako. He even cried noong kinwento niya ang nakaraan ninyo. He changed and I swear totoo ang mga sinasabi ko," Miya abruptly said.
Ngumite doon si Lorenzo. "Ight, I believe you," then he shifted his gaze to Gabriella. "Gusto ko ng french toast mamaya. Alam ko pang breakfast iyon pero iyon ang gusto ko."
"Kung maka utos ka kala mo kung sino!" Yell ni Ella atsaka nag tsk.
Ngumise si Lorenzo atsaka nilambing si Gabriella. Tumawa naman si Miya sa nakita niya.
***
Papalabas palang sa bahay sina Gabriella at Miya nang dumating si Elizabeth kasama ang mga maid. Too late for them to go.
"Oh, Who's this lovely lady?" Tanong ni Elizabeth. Agad nagmano si Miya na ikinatuwa ni Elizabeth.
"Ma, meet Melody," nagulat doon si Elizabeth. "Melody, this is my mom," pakilala ni Gabriella sa dalawa.
Agad niyakap ni Elizabeth si Miya. Nagulat si Miya pero niyakap niya parin ito pabalik.
Pagkatapos ng hug nila ay silang tatlo ang nagluto. Carefull naman si Miya na hindi ma touch or hindi siya mabangga dahil nga sa hita niya na nasagasaan.
"Are you going to stay for dinner?" Tanong ni Elizabeth.
"Hindi po eh... baka kasi magalit si Kuya," sagot ni Miya na nakayuko.
"Diba sabi mo hindi pa babalik si Michael? Busy pa iyon kaya bukas ka nalang umuwi. Ihahatid naman kita promise," sabi ni Gabriella.
"Ako ang kakausap sa kuya mo promise," sabi ni Elizabeth na dala dala pa ang spatula.
Ngumite si Miya. Kaya pala ang bait bait ni Kirby kasi ang babait pala ng kasama niya. "Sigeh po," nahihiyang sabi ni Miya.
"Yay!" Sigaw ni Elizabeth. Happy siya dahil nga maybe Kirby will be happy to see her. And that will make everyone happy seeing him happy.